976 Umayon sa Kalooban ng Diyos sa Pagsunod sa Sampung Atas Administratibo

1 Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos. Gawin mo ang lahat ng bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos at hindi ang anumang nakasasama sa kapakanan ng gawain ng Diyos. Ipagtanggol mo ang pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, at ang gawain ng Diyos. Ang pera, materyal na mga bagay, at lahat ng ari-arian sa sambahayan ng Diyos ang mga handog na dapat ibigay ng tao. Walang sinumang maaaring magtamasa ng mga handog na ito kundi ang pari at ang Diyos, sapagkat ang mga handog ng tao ay para sa kaluguran ng Diyos. Ibinabahagi lamang ng Diyos ang mga handog na ito sa pari, at wala nang iba pang kwalipikado o nararapat na magtamasa ng anumang bahagi ng mga iyon.

2 Huwag mong husgahan ang Diyos, ni basta-bastang talakayin ang mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Gawin mo ang nararapat gawin ng tao, at magsalita kung paano dapat magsalita ang tao, at huwag kang lumampas sa iyong mga limitasyon ni lumabag sa iyong mga hangganan. Bantayan mo ang iyong sariling pananalita at mag-ingat kung saan ka tumatapak, upang maiwasan mo ang paggawa ng anumang bagay na lalabag sa disposisyon ng Diyos. Gawin mo iyong nararapat gawin ng tao, at isakatuparan ang iyong mga obligasyon, at tuparin ang iyong mga responsibilidad, at manangan sa iyong tungkulin. Yamang nananalig ka sa Diyos, dapat kang gumawa ng iyong kontribusyon sa gawain ng Diyos; kung hindi, hindi ka karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at hindi ka karapat-dapat na manirahan sa sambahayan ng Diyos.

3 Ang mga taong nananalig sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Huwag mong dakilain o tingalain ang sinumang tao; huwag mong unahin ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ipangatlo ang iyong sarili. Walang sinumang dapat magkaroon ng lugar sa iyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang iyong mga iginagalang—na kapareho ng Diyos, na Kanyang kapantay. Hindi ito katanggap-tanggap para sa Diyos. Sa gawain at mga usapin ng iglesia, bukod pa sa pagsunod sa Diyos, dapat mong sundin ang mga tagubilin ng tao na ginagamit ng Banal na Espiritu sa lahat ng bagay. Kahit ang pinakamaliit na pagsuway ay hindi katanggap-tanggap. Kailangan mong maging ganap sa iyong pagsunod, at huwag mong suriin ang tama o mali; anuman ang tama o mali ay walang kinalaman sa iyo. Ganap na pagsunod lamang ang iyong dapat alalahanin.

4 Ang tao ay may tiwaling disposisyon at, bukod pa rito, siya ay nagtataglay ng damdamin. Dahil dito, talagang ipinagbabawal sa dalawang kasaping magkaiba ang kasarian na magsama sa gawain nang walang kasama habang naglilingkod sa Diyos. Sinumang matuklasan na gumagawa nito ay ititiwalag, nang walang pagtatangi. Hindi dapat akayin sa iglesia ang lahat ng hindi talaga nananalig, kahit pa kaanak mo sila. Panatilihin mong nasa gawain ng iglesia ang iyong pag-iisip. Isantabi mo ang mga inaasam ng iyong sariling laman, maging desidido ka tungkol sa mga usaping pampamilya, buong-puso mong ialay ang iyong sarili sa gawain ng Diyos, at unahin mo ang gawain ng Diyos at ipangalawa ang iyong sariling buhay. Ito ang kagandahang-asal ng isang banal.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Sinundan: 975 Ang Mga Kautusan sa Bagong Kapanahunan ay Malalim ang Kabuluhan

Sumunod: 977 Kailangan Ninyong Hangaring Masang-ayunan ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

660 Awit ng mga Mananagumpay

1 Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito