974 Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

Bagama’t hindi Kapanahunan ng Kautusan ngayon, marami pa ring mga salitang dapat sundin na kauri ng mga salitang sinambit sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga salitang ito ay hindi isinasakatuparan sa pamamagitan lamang ng pag-asa sa pag-antig ng Banal na Espiritu, kundi sa halip, ang mga ito ay dapat sundin ng tao.

1 Huwag ninyong husgahan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag ninyong kontrahin ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harap ng Diyos, tumayo kayo sa inyong lugar at huwag maging pasaway. Dapat kayong maging mahinahon sa pagsasalita, at ang inyong mga salita at kilos ay kailangang sumunod sa mga plano ng taong pinatotohanan ng Diyos. Dapat kayong magpitagan sa patotoo ng Diyos. Huwag ninyong balewalain ang gawain ng Diyos at ang mga salitang nagmumula sa Kanyang bibig. Huwag ninyong gayahin ang tono at mga layunin ng mga pahayag ng Diyos. Sa inyong mga kilos, huwag kayong gumawa ng anuman na hayagang kumokontra sa taong pinatotohanan ng Diyos.

2 Ngayon, wala nang mas mahalagang sundin ang tao kaysa sa mga sumusunod: Hindi mo dapat tangkaing manuyo sa Diyos na nakatayo sa iyong harapan, o magtago ng anuman sa Kanya. Huwag kang bumigkas ng karumihan o ng mayabang na pananalita sa harap ng Diyos na nasa iyong harapan. Huwag mong linlangin ang Diyos na nasa iyong harapan sa matatamis na salita at mabulaklak na mga pananalita upang makamit ang Kanyang tiwala. Huwag kang kumilos nang walang pagpipitagan sa harap ng Diyos. Sundin mo ang lahat ng lumalabas mula sa bibig ng Diyos, at huwag labanan, kontrahin, o tutulan ang Kanyang mga salita. Huwag mong ipakahulugan ayon sa inaakala mong angkop ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos. Dapat mong ingatan ang iyong pananalita upang maiwasan mong mahulog sa bitag ng mapanlinlang na mga pakana ng masasama. Dapat mong ingatan ang iyong mga paghakbang upang maiwasang labagin ang mga hangganang itinakda ng Diyos para sa iyo. Kung lumabag ka, magiging dahilan ito upang tumayo ka sa posisyon ng Diyos at magsalita ng mga salitang mapagmataas at mapagmalaki, at sa gayon ay kamumuhian ka ng Diyos.

3 Huwag mong ipalaganap nang walang ingat ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos, at baka kutyain ka ng iba at gawin kang tanga ng mga diyablo. Sundin mo ang buong gawain ng Diyos ng ngayon. Kahit hindi mo ito nauunawaan, huwag mo itong husgahan; ang tanging magagawa mo ay maghanap at makibahagi. Walang taong lalabag sa orihinal na lugar ng Diyos. Wala ka nang ibang magagawa kundi paglingkuran ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao. Hindi mo maaaring turuan ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao—hindi tamang gawin iyon. Walang sinumang maaaring pumalit sa lugar ng taong pinatotohanan ng Diyos; sa iyong mga salita, kilos, at saloobin, nakatayo ka sa posisyon ng tao. Dapat itong sundin, responsibilidad ito ng tao, walang sinuman na maaaring magbago rito; ang pagtatangkang gawin iyon ay lalabag sa mga atas administratibo. Dapat itong tandaan ng lahat.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

Sinundan: 973 Lahat ng Sinasabi at Ginagawa ng Diyos ay ang Katotohanan

Sumunod: 975 Ang Mga Kautusan sa Bagong Kapanahunan ay Malalim ang Kabuluhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito