76 Ang Aking Pagkagiliw sa Diyos
1 Nang marinig ang isang kilalang tinig na kumakatok sa pintuan ng aking puso, nakikita kong ito ay ang Anak ng tao na sumasambit ng mga salita. Pinasigla ng Kanyang mababait na salita ang aking puso, ginigising ako ng Kanyang mga taos-pusong panawagan mula sa aking panaginip. Dati akong nagpapakahirap para sa reputasyon at katayuan, at bukambibig ko lamang ang tungkol sa pagmamahal ko para sa Panginoon. Pagkaraan lamang na makastigo at mahatulan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakapagbalik-loob ang aking sutil at salungat na puso. Sa pagdaan sa napakaraming kabiguan, pagbagsak, pagsubok, at pagdadalisay, unti-unti akong inakay hanggang sa kasalukuyang panahon, salamat sa mga salita ng Diyos. Ang mga kalagayan ng mga pagbigkas ng Diyos ay buhay na buhay pa rin sa aking isipan, punung-puno ako ng mapagmahal na pagkagiliw sa Kanya.
2 Hindi kayang pawiin ng mga pagbabagu-bago ng panahon o ng nagbabagong mga kaganapan sa mundo ang aking pagkagiliw sa Diyos. Sa pagdaan sa pag-uusig at kagipitan, sinasamahan ako ng mga salita ng Diyos at paulit-ulit akong ginagawang matagumpay laban kay Satanas. Minsan na akong nag-alala tungkol sa aking laman, at lumuha nang may kapaitan ukol rito, ngunit ginamit ng Diyos ang mga salita upang ako ay gabayan at bigyan ng kaliwanagan. Naghatid sa akin ng lakas ng kalooban ang pag-unawa sa mga hangarin ng Diyos, at lalo lamang nagpatibay sa aking pananampalataya ang pagdaan ko sa mga paghihirap. Ang Diyos ang Siyang lihim na nag-ingat sa akin sa panahon ng kagipitan; lalong tumindi ang pagkagiliw ko sa Kanya buhat nang lubos kong matikman ang Kanyang pagmamahal. Sa kabila ng matinding kaguluhan at mga panganib sa daang tatahakin, tutuparin ko ang aking tungkulin na suklian ang pagmamahal ng Diyos.