75 Lumalaganap sa Buong Mundo ang Pagmamahal ng Diyos

I

Makapangyarihang Diyos, banal, matuwid,

pagmamahal Mo’y parang niyebe.

Dalisay, mabango’t sariwa,

lumulutang, natutunaw sa’kin.

Tinig Mo’y nanggigising.

Salita Mo’y tumatapik sa’king puso.

Kami’y gutom at uhaw para sa ‘Yong salita.

Katotohanan dala’y kapayapaa’t liwanag.


Bagong tao, bagong awit at sayaw, bagong buhay.

Buhay namin ay puno ng galak at pagsinta.

Ginagawa sa lupa kalooban ng Diyos,

dumarating kaharian Niya.

Pagmamahal Niya’y nasa lahat ng dako ng mundo,

pinapaligaya ang marami.

Mundo’y puno ng tinig na nagpupuri sa Diyos.


II

Nabubuhay kami sa Iyong salita,

harap-harapan sa Iyo, O Diyos.

Ganda Mo’y pinadaramang kami’y

mas konektado sa ‘Yo.

Makapangyarihang Diyos,

Ika’y katotohanan, daa’t buhay.

Napakahalaga ng salita Mo,

at mahal ‘yon ng puso namin!


Pagkastigo’y lumilinis sa’ming katiwalian.

Alam namin katotohanan at Iyong kalooban.

Pagpipino’ng nagpapadalisay

sa pagmamahal namin sa ‘Yo.

Alam namin katuwiran Mo,

kung ga’no Ka kaibig-ibig.

‘Pag ‘sinasagawa’ng salita Mo,

puso namin ay napupuno ng galak.


Bagong tao, bagong awit at sayaw, bagong buhay.

Buhay namin ay puno ng galak at pagsinta.

Ginagawa sa lupa kalooban ng Diyos,

dumarating kaharian Niya.

Pagmamahal Niya’y nasa lahat ng dako ng mundo,

pinapaligaya ang marami.

Mundo’y puno ng tinig na nagpupuri sa Diyos.


III

‘Di ako titigil sa pagmamahal sa ‘Yo,

ako’y palaging sasaksi sa Iyo.

Makakasama Ka gabi’t araw, ‘di hiwalay.

Sa mga dusa at pagsubok,

ramdam namin lalo’ng pagmamahal Mo.

Nananatili sa’min salita Mo, ‘di magkalayo.

Kami’y dumaraan sa pinakamadilim na oras

bago ang bukang-liwayway.

Sinasalubong namin

ang pagdating ng Araw ng katuwiran.


Bagong tao, bagong awit at sayaw, bagong buhay.

Buhay namin ay puno ng galak at pagsinta.

Ginagawa sa lupa kalooban ng Diyos,

dumarating kaharian Niya.

Pagmamahal Niya’y nasa

lahat ng dako ng mundo,

pinapaligaya ang marami.

Mundo’y puno ng tinig na nagpupuri sa Diyos.

Sinundan: 74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

Sumunod: 76 Ang Aking Pagkagiliw sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito