502 Ang Kahulugan ng Pagtalikod sa Laman
I
Niligtas at itinalaga ka ng Diyos,
ngunit kung ayaw mo Siyang bigyang-kasiyahan
at ayaw isagawa’ng katotohanan,
ni talikdan ang sariling laman
nang may pusong tunay na mahal ang Diyos,
sisirain mo’ng sarili mo’t malulunod ka sa pasakit.
Kung lagi kang magpapasasa sa laman,
dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas,
iniiwan kang walang buhay
at ‘di maantig ng Espiritu,
hanggang sa mapuno ka ng kadiliman.
Ika’y magiging bihag ni Satanas,
mawawala ang Diyos sa puso mo,
ikakaila’t iiwan mo Siya.
Magkamit ka man ng buhay sa harap ng Diyos
at kung ano ang katapusan mo’y
nakasalalay kung pa’no mo isagawa ang
paglaban sa laman.
II
Sa pagmamahal sa Diyos,
dapat maranasan mo’ng paghihirap at pasakit.
‘Di kailangan ang panlabas na sigla’t paghihirap,
o dagdag na pagbabasa o pag-aabala.
Isantabi’ng maluluhong kaisipan
at sariling mga interes,
isuko’ng mga kuru-kuro, layunin, at
disenyo mo, ‘pagkat ito’y kalooban ng Diyos.
Magkamit ka man ng buhay sa harap ng Diyos
at kung ano ang katapusan mo’y
nakasalalay kung pa’no mo isagawa ang
paglaban sa laman.
III
Hingi ng Diyos sa tao’y isagawa’ng katotohanan
upang harapin ang mga bagay sa loob nila,
mga kuru-kuro’t kaisipan nilang
‘di kaayon sa puso ng Diyos.
May mga bagay sa taong
‘di akmang gamitin ng Diyos,
ang laman ay puno ng panghihimagsik,
kaya tao’y dapat mas lalong labanan ang laman.
Tawag ng Diyos dito’y
pagdurusa ng tao kasama Siya.
Magkamit ka man ng buhay sa harap ng Diyos
at kung ano ang katapusan mo’y
nakasalalay kung pa’no mo isagawa ang
paglaban sa laman.
Magkamit ka man ng buhay sa harap ng Diyos
at kung ano ang katapusan mo’y
nakasalalay kung pa’no mo isagawa ang
paglaban sa laman.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos