501 Ang Pagsasagawa ng Pagtalikod sa Laman

Kung may nangyayari na nangangailangan

ng pagtitiis mo ng hirap,

unawain at isipin ang kalooban ng Diyos sa oras na iyon.

Huwag bigyang-kasiyahan ang sarili mo, isantabi mo ito.

Walang mas karumal-dumal kaysa laman.

Dapat mong hangarin at bigyang-kasiyahan

ang Diyos at tuparin ang tungkulin mo.

Sa gayong kaisipan bibigyan ka ng Diyos

ng espesyal na kaliwanagan sa bagay na ‘to,

at mapapanatag ang puso mo.


Kapag may nangyayari sa iyo,

malaki man o maliit, itabi ang sarili mo,

ituring ang laman na pinakamababa sa lahat ng bagay.

Kapag mas binibigyang-kasiyahan mo ang laman,

mas humihiling ito, mas nagsasamantala,

mas nagnanasa ito, mas napapariwara.

Hanggang sa punto na ang laman ay magkimkim

ng mas malalim na pagkaintindi,

Diyos susuwayin, itataas sarili nito,

magdududa sa gawain ng Diyos.

Kung may nangyayari na nangangailangan

ng pagtitiis mo ng hirap,

unawain at isipin ang kalooban ng Diyos sa oras na iyon.

Huwag bigyang-kasiyahan ang sarili mo, isantabi mo ito.

Walang mas karumal-dumal kaysa laman.

Dapat mong hangarin at bigyang-kasiyahan

ang Diyos at tuparin ang tungkulin mo.

Sa gayong kaisipan bibigyan ka ng Diyos

ng espesyal na kaliwanagan sa bagay na ‘to,

at mapapanatag ang puso mo.


Ang laman ng tao ay tulad ng ahas,

pinipinsala nito ang buhay.

At naiwala na ang iyong buhay

kapag nakuha na nito ang gusto nito.

Ang laman ay pag-aari ni Satanas.

Ito’y makasarili na may maluhong mga hangarin,

nagnanais ng kapanatagan, kasiyahan,

ginhawa at katamaran.

Kapag ang laman ay nasiyahan sa isang punto,

sa huli ikaw ay kakainin nito.

Kung may nangyayari na nangangailangan

ng pagtitiis mo ng hirap,

unawain at isipin ang kalooban ng Diyos sa oras na iyon.

Huwag bigyang-kasiyahan ang sarili mo, isantabi mo ito.

Walang mas karumal-dumal kaysa laman.

Dapat mong hangarin at bigyang-kasiyahan

ang Diyos at tuparin ang tungkulin mo.

Sa gayong kaisipan bibigyan ka ng Diyos

ng espesyal na kaliwanagan sa bagay na ‘to,

at mapapanatag ang puso mo.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

Sinundan: 500 Ang Pagtalikod sa Laman ay ang Pagsasagawa sa Katotohanan

Sumunod: 502 Ang Kahulugan ng Pagtalikod sa Laman

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito