378 Ang Pagkakanulo ay Kalikasan ng Tao

1 Ang kalikasan ng tao ay ganap na naiiba sa Aking diwa, sapagkat ang tiwaling kalikasan ng tao ay lubos na nagmumula kay Satanas; ang kalikasan ng tao ay naproseso na at nagawa nang tiwali ni Satanas. Ibig sabihin, nabubuhay ang tao sa ilalim ng impluwensya ng kasamaan at kapangitan nito. Ang tao ay hindi lumalaki sa isang mundo ng katotohanan o sa isang banal na kapaligiran, at lalo namang hindi nabubuhay ang tao sa liwanag. Samakatuwid, hindi posibleng taglayin ninuman ang katotohanan sa kanilang kalikasan mula sa pagsilang, at lalong hindi maisisilang ang sinuman nang may diwang may takot at sumusunod sa Diyos. Sa kabaligtaran, nagtataglay ang mga tao ng isang kalikasang lumalaban sa Diyos, sumusuway sa Diyos, at walang pagmamahal sa katotohanan. Ang kalikasang ito ang problemang nais Kong talakayin—ang pagkakanulo.

2 Ang batayan ng pag-iral ng sangkatauhan ay ang paulit-ulit na muling pagkakatawang-tao ng kaluluwa. Sa madaling salita, bawat tao ay nagtatamo ng isang pantaong buhay sa laman kapag muling nagkakatawang-tao ang kanilang kaluluwa. Matapos isilang ang katawan ng isang tao, nagpapatuloy ang buhay nito hanggang maabot nito sa huli ang mga hangganan nito, na siyang pangwakas na sandali, kung kailan nililisan ng kaluluwa ang katawan nito. Nagpapaulit-ulit ang prosesong ito, na ang kaluluwa ng isang tao ay paulit-ulit na dumarating at umaalis, at sa gayon ay napapanatili ang pag-iral ng sangkatauhan. Ang buhay ng laman ay ang buhay rin ng kaluluwa ng tao, at ang kaluluwa ng tao ang sumusuporta sa pag-iral ng laman ng tao. Na ang ibig sabihin, ang buhay ng bawat tao ay nagmumula sa kanilang kaluluwa, at ang buhay ay hindi likas sa laman. Samakatuwid, nanggagaling ang kalikasan ng tao sa kaluluwa, hindi sa laman.

3 Tanging ang kaluluwa ng bawat tao ang nakakaalam kung paano nila naranasan ang mga panunukso, pagpapahirap, at katiwalian ni Satanas. Hindi malalaman ng laman ng tao ang mga bagay na ito. Kaya, di-sinasadyang nagiging padilim nang padilim, parumi nang parumi, at pasama nang pasama ang sangkatauhan, habang palaki nang palaki ang agwat sa pagitan Ko at ng tao, at padilim nang padilim ang buhay para sa sangkatauhan. Ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay hawak ni Satanas sa mga kamay nito, kaya, siyempre, ang laman ng tao ay nasakop na rin ni Satanas. Paanong hindi kakalabanin ng laman na tulad nito at ng sangkatauhang ito ang Diyos? Paano sila magiging likas na kaayon Niya? Itinapon Ko sa hangin si Satanas dahil ipinagkanulo Ako nito. Paano, kung gayon, mapapalaya ang mga tao sa pagkakasangkot nila? Ito ang dahilan kung bakit ang pagkakanulo ay kalikasan ng tao.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 2

Sinundan: 377 Ang Kahihinatnan ng mga Naniniwala sa Diyos ngunit Sinusuway Siya

Sumunod: 379 Likas sa Tao ang Pagkakanulo sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito