377 Ang Kahihinatnan ng mga Naniniwala sa Diyos ngunit Sinusuway Siya

Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, marami nang taong sumuway sa Aking mga salita at sa gayon ay pinalayas at inalis na mula sa daloy ng Aking pagbawi; sa huli, namamatay ang kanilang katawan at itinatapon ang kanilang espiritu sa Hades, at kahit ngayon ay isinasailalim pa rin sila sa mabigat na kaparusahan. Maraming tao na ang sumunod sa Aking mga salita, ngunit sumalungat na sa Aking kaliwanagan at pagtanglaw, at sa gayon ay sinipa Ko na sa isang tabi, nahulog sa ilalim ng sakop ni Satanas at naging yaong mga tutol sa Akin. Sumusunod lamang sila sa kababawan ng Aking mga salita, at sumusuway sa diwa ng Aking mga salita. Marami na rin ang nakinig lamang sa mga salitang Aking sinabi kahapon, na kumapit sa “basura” ng nakaraan at hindi pinahalagahan ang “bunga” ng kasalukuyan. Hindi lamang nabihag ni Satanas ang mga taong ito, kundi naging mga walang-hanggang makasalanan at naging Aking mga kaaway, at tuwiran nila Akong kinakalaban. Ang gayong mga tao ang mga pakay ng Aking paghatol sa kasukdulan ng Aking poot, at ngayon ay bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng mga madidilim na piitan. Ang mga taong tulad nito ay bulok at manhid na mga bangkay na kontrolado ni Satanas.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 4

Sinundan: 376 Yaong mga Sumusuway sa Diyos ay Ipinagkakanulo Siya

Sumunod: 378 Ang Pagkakanulo ay Kalikasan ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito