Tanong 7: Karamihan sa mga mananampalataya ngayon ay iniisip pa rin na sa paniniwala sa Diyos sa relihiyon ay naniniwala sila sa Panginoong Jesus at hindi sa mga pastor at elder, kaya papaanong sila’y hindi maililigtas?
Sagot: Anong klaseng lugar ang relihiyon? Lugar ’yan ng mga Fariseo, dating pugad ng mga anticristo. Nangangarap lang kayo kung iniisip niyong maliligtas kayo sa pananalig do’n. Ba’t ’di maliligtas ang taong nananalig sa Diyos sa relihiyon? Ang pangunahing dahilan ay nang isagawa ng Diyos ang bagong gawain sa mga huling araw, nailipat na’ng gawain ng Banal na Espiritu sa bagong gawain ng Diyos, kaya naman nawala sa mga relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu. Gayundin, lubos nang kontrolado ng mga ipokritong Fariseo at anticristo ang mga relihiyon, at naging lugar na kumakalaban sa Diyos. Bukod sa wala sa relihiyon ang Banal na Espiritu, wala rin do’n para gumawa’ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi mararanasan ng tao’ng gawain ng Diyos sa mga huling araw sa pananalig sa Kanya sa relihiyon. Di nila makakain, maiinom at matatamasa’ng mga salita ng Diyos sa mga huling araw, kaya natural na bumagsak sila sa kadiliman. Kung ’di hinahanap ng mga tao’ng tunay na daan, madali silang babagsak sa kasukalan at ’di sila tatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Ang mga bumagsak sa kasukalan ng mga relihiyon ay humahawak lang sa Biblia sa mga pagtitipon, at ’di nagtatamasa ng mga salita ng Diyos sa ngayon. Kung wala’ng patnubay ng Espiritu Santo, malabo’ng Diyos na pinaniniwalaan ng tao. Lahat ng sinasabi nila sa meeting ay tungkol sa gawain ng Diyos at mga sinambit sa Biblia noon. Pa’no matatanggap ng gayong mga tao ang pagliligtas at pangako ng Diyos sa mga huling araw? Tulad no’ng magsimulang gumawa ang Panginoong Jesus sa labas ng templo. Naging magulong kasukalan ang templo, isang lungga ng mga tulisan. Dahil di nila sinunod ang gawain ng Panginoong Jesus, ang mga nanatili sa templo ay humawak pa rin sa mga lumang kautusan at panuntunan, at hindi nailigtas ng Panginoon. Gayundin, isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang paghatol Niya ngayong mga huling araw, na nagpapahayag ng katotohanan para linisin ang sangkatauhan, para makawala ang tao sa masamang disposisyon at mga impluwensya ni Satanas at mailigtas ng Diyos, at magawang perpekto ng Diyos at madala sa Kanyang kaharian. Isa ’tong magandang pagkakataon. Kung ’di susunod ang tao sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, di sila maliligtas at papasok sa kaharian ng langit. Sabi ng Makapangyarihang Diyosi: “Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay walang presensiya ng Diyos, at, higit sa lahat, salat sa mga pagpapala at pag-iingat ng Diyos. Ang karamihan sa kanilang mga salita at mga pagkilos ay nakaayon sa mga nakalipas na mga kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay doktrina, hindi katotohanan. Ang gayong doktrina at alituntunin ay sapat na upang patunayan na ang pagtitipon ng mga taong ito ay walang iba kundi relihiyon; hindi sila ang mga hinirang, o ang mga pinag-uukulan ng gawain ng Diyos. Ang pagtitipon nilang lahat na magkakasama ay matatawag lamang na maringal na kongreso ng relihiyon, at hindi matatawag na iglesia. Ito ay isang katunayan na hindi mababago. Wala sa kanila ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang kanilang ginagawa ay tila samyo-ng-relihiyon, ang kanilang isinasabuhay ay tila sagana sa relihiyon; hindi sila nagtataglay ng presensiya at gawain ng Banal na Espiritu, lalo nang hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng disiplina o kaliwanagan ng Banal na Espiritu. … Wala silang kaalaman sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, walang kaalaman sa lahat ng masasamang gawa ng tao, lalong wala silang kaalaman sa lahat ng gawain ng Diyos at kasalukuyang kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang alam, mabababang tao, at sila ay mga hamak na hindi nararapat tawaging mananampalataya!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). “Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo yaong mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga ligaw sa guni-guni yaong mga hindi tinatanggap ang daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na magpakailanmang kamumuhian ng Diyos yaong mga taong hindi tinatanggap si Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lamang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala habang wala kang kakayahang tumanggap ng katotohanan at walang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ito ang landas na dapat tahakin ng yaong lahat ng mga papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Lahat ng ayaw tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos at ayaw sumunod sa gawai’t salita ngayon ng Diyos ay Kanyang kasusuklaman. Kaya ang mga nananatili sa mga sambahan, natural, walang patnubay ng Diyos at ’di natatamo ang aktuwal na mga salita ng Diyos. Mahuhulog sila sa kadiliman at mapupuksa t ’di maliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Tulad noong Kapanahunan ng Biyaya, pinanghawakan pa rin ng mga tao ang gawain at regulasyon mula sa Kapanahunan ng Kautusan, at natural na ’di nailigtas ng Panginoong Jesus. Sa Kapanahunan ng Kaharian, kung pinanghahawakan pa rin ng mga tao ang gawain at mga regulasyon mula sa Kapanahunan ng Biyaya, natural na pababayaan sila ng Diyos at hindi maliligtas sa kaharian sa langit! Isa ’yang katotohanang hindi mababago ng sinuman.
Pananalig sa Diyos sa relihiyon at pagnanais pa ring maligtas—di ba pananaginip ’yan? Pagnanais na pasayahin si Satanas sa isang banda, at pagnanais pa ring iligtas ng Diyos—posible ba ’yan? Ang mga relihiyon ay kontrolado ng mga ipokritong Fariseo at ng mga pastor at elder. Ang totoo ay kontrolado ito ng mga anticristong ito na kontra sa Diyos. Napatunayan na’ng katotohanang ’yan. Pag nangangaral ang mga pastor, ’di nila pinapaliwanag o pinatototohanan ang salita ng Panginoon, o ang gawain ng Diyos at ang Kanyang disposisyon sa Biblia. Salita ng tao lang ang pinaliliwanag nila at pinapalitan at binabalewala nito ang mga salita ng Diyos, kaya sinusunod ng tao’ng salita ng tao at ’di ang sa Diyos. Bukod diyan, nagtutuon din sila sa kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal, mga tauhan sa Biblia, kasaysayan, at iba pa. Ginagawa nila’ng mga bagay na ’to para magpasikat at sambahin sila ng iba, hikayatin ang mga tao na sundin at sambahin ang tao at kalabanin ang Diyos. Lalo na pag pumaparito ang Makapangyarihang Diyos para gumawa sa mga huling araw, kinakalaban at tinutuligsa nila’ng Makapangyarihang Diyos, at ginagawa ang lahat para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa tunay na daan, sa pagtanggap sa mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at sa pagtanggap sa Kanyang mga salita. Hinahayaan lang nilang tanggapin ng mga tao ang kanilang mga maling paniniwala at teoryang ideolohikal. Kaya nga, pag naniniwala ang mga tao sa Diyos sa mga sambahang kontrolado ng mga Fariseo’t anticristo, at tinatanggap ang mga turo ng mga relihiyosong Fariseo, lahat ng kanilang ideya at opinyon, pasya, at kakayahang tumanggap ay inimpluwensyahan at apektado nito. Mas lalong sumasama ang kanilang kalooban at napapalayo sa Diyos! Pag pumaparito’ng Makapangyarihang Diyos para gumawa, kontrolado sila ng mga relihiyosong Fariseo at anticristo, kaya ’di nila marinig ang aktuwal na sinasabi ng Diyos o matamasa ang kaloob na tubig na buhay na dumadaloy mula sa luklukan ng Diyos. Sa gayon, hindi sila maliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Ang mas nakakatakot pa, kahit nananalig ang mga tao sa Diyos sa relihiyon, ang sinusunod nila’y mga tao, mga anticristo, at tinatahak nila ang mismong landas ng mga Fariseo. Pagkaraan, likas silang nagiging mga Fariseo. Pa’no sila makakasunod sa kalooban ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit? Imposible ’yan! Ngayon, ang tunay na diwa ng mga relihiyon ay lubos nang nahayag sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ang relihiyon ay ’di ang kaharian ng langit; iyo’y dating pugad ng mga anticristo. Yon ay balwarteng kumakalaban sa Diyos, isang napakasamang kahariang kontra sa Diyos! Kaya hindi naliligtas ang mga tao sa pananalig sa Diyos sa relihiyon. Kahit minamahal nila’ng katotohanan, dahil ’di nila tinatanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, di nila matatamo ang mga salitang ipinahayag ng Cristo ng mga huling araw at ’di rin maliligtas ng Diyos!
mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag