297 Ang Sangkatauha’y Hindi na Tulad ng Nais ng Diyos
Umunlad na ang sangkatauhan sa paglipas ng mga taon
hanggang sa marating ang kalagayan nila ngayon.
Nguni’t ang sangkatauhang orihinal na likha ng Diyos
ay matagal nang nalubog sa imoralidad.
Ⅰ
Ang mga tao’y hindi naniniwala na mayroong Diyos,
ni sinasalubong ang Kanyang pagdating.
Sila’y napipilitang sumang-ayon sa Kanyang kahilingan,
hindi tunay na nagbabahagi ng saya’t
lungkot ng buhay sa Kanya.
Dahil akala ng tao’y ‘di-maunawaan ang Diyos,
kunwari sila’y nakangiti sa Kanya,
yon pala’y sumisipsip lang sa Kanya,
dahil di nila alam ang gawain o kalooban ng Diyos.
Ang sangkatauha’y hindi na tulad ng nais ng Diyos.
Hindi sila karapat-dapat sa pangalang “sangkatauhan.”
Bagkus sila ang mga hamak na nabihag na ni Satanas,
naglalakad na mga bangkay na tinitirhan ni Satanas.
Ⅱ
Tapat na sasabihin ng Diyos, kapag dumating ang araw,
sinumang sumasamba sa Kanya,
ay mas madali ang pagdurusa kumpara sa pagdurusa ninyo.
Dahil ang inyong pananampalataya’y mababaw
kaysa kay Job o mga Fariseo,
kaya nga, kung ang araw ng apoy ay bumaba,
pagdurusa ninyo’y magiging
mas malubha kaysa mga Fariseo,
at mga pinuno na sumalungat kay Moises,
at sa Sodoma nang ito ay winawasak.
Ang sangkatauha’y hindi na tulad ng nais ng Diyos.
Hindi sila karapat-dapat sa pangalang “sangkatauhan.”
Bagkus sila ang mga hamak na nabihag na ni Satanas,
naglalakad na mga bangkay na tinitirhan ni Satanas.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao