296 Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan
Ⅰ
Ang tao’y naglakad kasama ang Diyos
sa paglipas ng mga taon,
ngunit di alam ng tao na hawak ng
Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay.
Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos,
mamahala sa lahat ng bagay.
Gayong bagay ang ‘di alam ng tao
noon hanggang ngayon
di dahil mailap ang mga gawa ng Diyos,
o plano Niya’y di pa naisakatuparan,
nguni’t dahil puso’t espiritu ng tao, napakalayo sa Diyos.
Kahit tao’y sumusunod sa Diyos.
Walang malay siyang nagsisilbi kay Satanas.
Walang aktibong humahanap sa bakas ng Diyos.
Walang sinumang aktibong naghahanap
sa pagpapakita ng Diyos,
at wala ring nais mabuhay sa
pag-aruga’t pag-iingat ng Diyos.
Mas gusto nilang umasa sa kaagnasan ni Satanas
upang umangkop sa masasamang
tuntunin ng buhay ng tao.
Di namalayan na sa proseso,
puso’t espiritu N’ya’y isinakripisyo
kay Satanas at ng kasamaan.
Bukod dito, puso’t espiritu ng tao’y
nagiging tahanan ni Satanas at kanyang palaruan.
Ⅱ
Sa paraang ito, di namamalayang
‘di na maunawaan ng tao
ang mga prinsipyo ng pagiging tao,
at halaga at layunin ng pag-iral ng tao.
Mga batas mula sa Diyos at ang tipan N’ya sa tao
dahan-dahang kumupas sa puso ng tao
at di na n’ya hinahanap ni pakinggan man ang Diyos.
Sa paglipas ng panahon tao’y di na makaintindi
kung bakit s’ya’y nilikha ng Diyos,
di maintindihan mga salita ng Diyos
di matanto na lahat ay nanggagaling sa Diyos.
Nagsisimulang labanan ng tao
mga batas at kautusang itinakda ng Diyos;
puso’t espiritu niya’y naging patay.
Nawala ng Diyos ang orihinal na tao.
Nawala ng tao ang kanyang pinagmulan.
Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito.
Ito ay ang lumbay ng sangkatauhang ito.
Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao