270 Isang Pusong Tapat sa Diyos
I
O Diyos, wala mang halaga ang buhay ko,
sa Iyo lamang nais na ilaan ito.
Mga tao’y ‘di man karapat-dapat
magmahal sa Iyo,
puso’t pag-ibig man nila’y walang halaga,
magandang hangarin nila’y batid Mo.
Hindi man katanggap-tanggap
laman ng mga tao,
nawa ay tanggapin ang puso kong ito.
Mas hamak pa ako sa alikabok,
walang magagawa
kundi ilaan ang puso kong tapat
sa Iyo, o Diyos, sa Iyo.
II
O Diyos, wala mang halaga ang buhay ko,
ilalaan ang buong puso ko sa Iyo.
Wala mang magawa na anuman para sa Iyo,
aking iuukol buong sarili
upang Ika’y malugod.
Alam kong tanaw Mo itong puso ko.
Walang ibang hiling, iniisip isang hangarin,
Ika’y mahalin, nawa ito ay tanggapin.
Mas hamak pa ako sa alikabok,
walang magagawa
kundi ilaan ang puso kong tapat
sa Iyo, o Diyos, sa Iyo.
III
O Diyos, wala mang halaga ang buhay ko,
sa Iyo lamang nais na ilaan ito.
Kapiling man, Ika’y ‘di kilala.
Pinakamalaking utang ko
na kailanma’y hindi Ka minahal.
Sa likuran Mo’y ‘di angkop ang sinasabi—
mga salita, o Diyos, na ‘di dapat binitawan.
Dahil dito’y dama’ng
utang sa Iyo magpakailanman.
Mas hamak pa ako sa alikabok,
walang magagawa
kundi ilaan ang puso kong tapat
sa Iyo, o Diyos, sa Iyo.