269 Ang Panalangin ni Pedro sa Kanyang Pagkakapako sa Krus
I
O Diyos! Panahon Mo’y dumating na;
ang panahong inihanda Mo sa ‘kin.
Dapat akong maipako sa krus para sa ‘Yo,
at magpatotoo para sa ‘Yo.
Umaasang pag-ibig ko’y magpapalugod sa ‘Yo,
at magiging mas dalisay.
Nagbibigay ginhawa’t katiyakan sa ‘kin
ang mapako sa krus para sa ‘Yo.
Walang mas kasiya-siya sa ‘kin
kaysa sa mapako sa krus,
mga nais Mo’y matugunan,
sarili’y maibigay sa ‘Yo,
maialay rin ang buhay ko sa ‘Yo.
O Diyos! Lubhang kaibig-ibig Ka!
At kung pahihintulutan Mo akong mabuhay,
ako ay higit pang handang
mahalin Ka habang nabubuhay ako.
Nais kong mahalin ka nang higit na malalim.
Hinahatulan, kinakastigo at
sinusubok Mo ako dahil ako’y
nagkasala’t ‘di ako matuwid.
II
At ang matuwid na disposisyon Mo’y
nagiging mas maliwanag sa ‘kin.
Ako’y pinagpala,
‘pagkat kaya kong mas mahalin Ka,
kahit ‘di Mo ako mahal.
Handa akong makita’ng
matuwid Mong disposisyon,
kaya’t makabuluhang buhay
ay mas naisasabuhay ko.
Ramdam kong mas may kabuluhan ang buhay ko
dahil ‘pinako ako sa krus sa kapakanan Mo.
Makabuluhan ang mamatay para sa ‘Yo.
Ngunit ‘di pa rin ako nasisiyahan,
‘pagkat kaalaman ko sa ‘Yo’y kakarampot.
Alam kong ‘di ko ganap na
matutupad ang mga nais Mo,
at sinuklian lang Kita nang sobrang kaunti.
Sa buhay ko, malayo pa ako sa kakayahang
ibigay ang buong sarili sa ‘Yo.
Habang ginugunita ‘to ngayon,
ramdam ko’ng labis na pagkakautang
at sandaling ‘to’ng mayro’n ako
para makabawi sa mga mali’t
lahat ng pag-ibig na ‘di ko nasuklian.