271 Masigla Akong Babangon

Nalalaman ang matwid na disposisyon ng Diyos,

nag-uugat pag-ibig ko sa Diyos.

Mapalad man ako o namomroblema

lahat ay itinatalaga ng Diyos.

Paghatol, pagkastigo at mga pagsubok

dumarating para pag-ibig ko’y dalisayin.

Normal ang mga kabiguan ng tao

at hindi dahilan ang mga ito para mangamba.

Bagama’t matitindi Niyang salita’y tumatagos na parang espada,

puso ng Diyos ay laging mabait.

Paano ko matatanggihan ang mapait na gamot

na sa buhay ko’y makakabuti?

Sa pagkastigo’t paghatol ng Diyos,

nadama ko tunay Niyang pag-ibig.

Tunay na tunay ang gawain Niyang sangkatauha’y iligtas,

Pinupuri ko ang Diyos sa puso ko,

pinupuri ko ang Diyos sa puso ko.


Mayabang at mapanlinlang na mga tao

nakatadhanang madapa at mahulog.

Bagama’t naglilingkod ako sa Diyos, nilalabanan ko pa rin Siya.

Dapat kong tiisin pagkastigo Niya.

Bagama’t paghatol bibigyan ako ng matinding pasakit,

ito ang kailangan ng buhay ko.

Tiyak kong Diyos ay katuwiran,

kaya nga nagbibigay ng papuri ang puso ko.

Maaari akong hatula’t kastiguhin ng Diyos

isang karangalang Kanyang ipinagkakaloob.

Kapag nagreklamo o lumaban ako sa Kanya,

hindi ako karapat-dapat sa pag-ibig Niya.

Tiwaling sangkatauhan di taglay ang katotohanan,

puno sila ng mga disposisyon ni Satanas.

Buhay ako ngayon salamat na lang sa

napapanahong pagliligtas ng Diyos, napapanahong pagliligtas ng Diyos.


Espiritu ni Pedro ang batayan

kung paano dapat kumilos ang sangkatauhan.

Gaano kalalim maaaring mahalin ng tao ang Diyos,

magsisikap akong mahalin Siya nang lubos.

Nagnanais ng mga pagpapala, nakikipagpalitan sa Diyos,

sa huli, madadapa ang tao.

Nauunawaan ang katotohanan at nililinis,

may kapayapaan sa puso ko.

Naniniwala sa Diyos, nagmamahal sa Diyos, sumusunod sa Diyos,

ito ang tunay na tungkulin ng tao.

Pagdaranas ng pagkastigo’t paghatol

nagpapatatag sa pag-ibig ko sa Diyos.

Paano man ako pinakikitunguhan ng Diyos,

pinupuri ko pa rin ang Kanyang katuwiran.

Pangarap kong makilala ang Diyos.

Wala na akong mahihiling pa,

wala na akong mahihiling pa.


Dahil nakaranas ng paghatol

at nakatikim ng pag-ibig ng Diyos, babangon akong muli.

Wala akong mukhang ihaharap sa Diyos,

ngunit muli akong magsisikap para sa aking sarili.

naunawaan ko na ang kalooban ng Diyos,

pag-ibig Niya’y naghihikayat sa aking sumulong.

Gaano man katindi mga pagsubok at paghihirap,

matibay akong magpapatotoo.

Hindi na mahalaga ang mga pagpapala o pighati.

kaluwalhatian ng Diyos ang lahat-lahat.

Gaya ni Pedro, ibibigay ko sa Diyos ang pinakadakilang pag-ibig.

At pagkamatay ko, payapa akong mapapahinga.

Susundin ko paghatol ng Diyos nang walang pagpipilian.

Palugurin ang Diyos ang mahalaga.

Mahalin ang Diyos at sundan ang Kanyang daan

pinakamalaking karangalan ng tao, pinakamalaking karangalan ng tao.

Sinundan: 270 Isang Pusong Tapat sa Diyos

Sumunod: 272 Kailangang Mapasa Tao ang Katotohanan para Mabuhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

660 Awit ng mga Mananagumpay

1 Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito