544 Ang mga Nagmamahal sa Katotohanan ay Makakamtan ang Katotohanan

1 Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay pagliligtas sa mga nagmamahal sa katotohanan, ang pagliligtas sa mga may kalooban at kapasyahan, sa mga naghahangad sa katotohanan at katuwiran. Ang isang tao na may pagpapasya ay mayroon sa puso niya ng paghahangad sa katuwiran, kabutihan, at katotohanan, at nagtataglay ng konsiyensya. Gumagawa ang Diyos sa mga taong ito, upang maunawaan at makamit nila ang katotohanan, upang malinis ang kanilang katiwalian, at mabago ang kanilang disposisyon sa buhay. Kung sa loob mo ay walang pagmamahal sa katotohanan o pagnanais para sa pagkamakatuwiran at liwanag; kung sa tuwing makakatagpo ka ng kasamaan ay wala kang kalooban na itakwil ang masasamang bagay ni kapasyahang dumanas ng paghihirap; kung, bukod dito, manhid ang iyong konsiyensya; kung ang iyong kakayahang tumanggap sa katotohanan ay namanhid din, at ikaw ay di-nakaayon sa katotohanan at sa mga pangyayaring dumarating; at kung sa lahat ng bagay ay hindi ka nakakaintindi, at hindi mo kayang pangasiwaan o lutasin ang mga bagay-bagay nang mag-isa, kung gayon ay walang paraan upang maligtas ka.

2 Kapag nagkakaroon ka ng problema, kailangan mong kumalma at harapin ito nang tama, at kailangan mong magpasiya. Dapat mong matutuhang gamitin ang katotohanan para lutasin ang problema. Sa normal na mga panahon, ano ang silbi ng pag-unawa sa ilang katotohanan? Hindi iyon para busugin ka, at hindi lamang para mayroon kang masabi, ni hindi para lutasin ang mga problema ng iba. Ang mas mahalaga, ang silbi niyon ay para lutasin ang sarili mong mga paghihirap. Bakit sinasabing si Pedro ay isang bunga? Sapagka’t may mahahalagang bagay na nasa kanya, mga bagay na sulit gawing perpekto; desidido siyang hanapin ang katotohanan at matatag ang kalooban; siya ay may katinuan, nakahandang dumanas ng paghihirap, at minahal ang katotohanan sa kanyang puso, at hindi niya binitawan ang mga pangyayari. Magagandang katangian ang lahat ng ito. Tanging ang mga may pagpapasya at naghahanap sa katotohanan ang makakatamo nito at gagawing perpekto ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 543 Saka Mo Lamang Maisasagawa ang Katotohanan Kung Mahal Mo ang Katotohanan

Sumunod: 545 Mamuhay Ayon sa mga Salita ng Diyos Upang Mabago ang Iyong Disposisyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito