543 Saka Mo Lamang Maisasagawa ang Katotohanan Kung Mahal Mo ang Katotohanan
1 Bakit napakahirap hanapin ng katotohanan at isagawa ito—na tila ba namamangka ka nang pasalungat sa agos, at maaanod ka pabalik kung tumigil ka sa pagsagwan nang pasulong? Ito ay dahil likas sa tao ang magtaksil sa Diyos. Ang kalikasan ni Satanas ay nangibabaw na sa kalooban ng mga tao, at ito ay isang puwersang reaksyonaryo. Ang mga taong likas na nagtataksil sa Diyos, mangyari pa, ay malamang na gumawa ng mga bagay na nagtataksil sa Kanya, at natural na mahirap para sa kanila ang kumilos nang positibo. Ganap itong pinagpapasiyahan ng kalikasang diwa ng sangkatauhan. Sa sandaling talagang maunawaan mo ang katotohanan at simulan mong mahalin ito mula sa iyong kalooban, magkakaroon ka ng lakas na gawin ang mga bagay na naaayon sa katotohanan. Sa gayon ay nagiging normal ito, at wala pang kahirap-hirap at kaaya-aya, at mararamdaman mo na mangangailangan ng malaking pagsisikap ang paggawa ng anumang negatibo. Ito ay dahil nangibabaw na ang katotohanan sa puso mo.
2 Kung talagang nauunawaan mo ang katotohanan tungkol sa buhay ng tao at kung anong uri dapat maging ang isang tao—paano maging isang taong walang kapintasan at prangka, isang taong matapat, isang taong nagpapatotoo sa Diyos at naglilingkod sa Kanya—hindi ka na muling gagawa kailanman ng masasamang gawain na sumusuway sa Kanya, ohindi mo na muling gagampanan ang papel ng isang huwad na pinuno, isang huwad na manggagawa, o isang anticristo. Kahit nililinlang ka ni Satanas, o sinusulsulan ka ng sinumang masama, hindi mo ito gagawin; sinuman ang sumusubok na pilitin ka, hindi ka pa rin kikilos nang ganoon. Kung matamo ng mga tao ang katotohanan at nagiging buhay nila ang katotohanan, nagagawa nilang kamuhian ang kasamaan at nakadarama sila ng pagkasuklam sa mga negatibong bagay sa kanilang kalooban. Magiging mahirap para sa kanila ang gumawa ng kasamaan, sapagkat nagbago na ang kanilang disposisyon sa buhay at nagawa na silang perpekto ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao