545 Mamuhay Ayon sa mga Salita ng Diyos Upang Mabago ang Iyong Disposisyon
I
Dapat mo munang lutasin lahat ng paghihirap
sa loob mo nang umaasa sa Diyos,
wakasan ang masasamang disposisyon mo’t
unawain ang sariling kalagayan mo.
Alamin ang dapat gawin,
at magbahagi sa mga ‘di mo nauunawaan.
‘Di katanggap-tanggap
na ‘di mo kilala ang sarili.
Paghilumin muna’ng karamdaman mo, basahin
at pagnilayan ang mga salita ng Diyos,
mamuhay at kumilos batay sa mga ‘to.
Sa bahay man o sa ibang lugar,
tulutang maghari ang Diyos sa ‘yo,
hayaang mamahala ang mga salita ng Diyos,
iwaksi ang laman at pagiging natural,
mamuhay sa mga salita Niya
nang mabago’ng disposisyon mo.
II
Ang mahalaga ngayon ay magtuon sa buhay,
kumain at uminom pa ng mga salita ng Diyos,
danasin at alamin ang mga salita ng Diyos,
gawing tunay na buhay mo
ang Kanyang mga salita.
Sa bahay man o sa ibang lugar,
tulutang maghari ang Diyos sa ‘yo,
hayaang mamahala ang mga salita ng Diyos,
iwaksi ang laman at pagiging natural,
mamuhay sa mga salita Niya
nang mabago’ng disposisyon mo.
III
Pa’no lalago’ng buhay ng tao
kung ‘di kayang mamuhay
sa mga salita ng Diyos?
Mamuhay sa mga salita Niya,
mga ito dapat ang panuntunan
ng pag-uugali mo,
para malaman kung pa’no Siya mapalugod,
at kinamumuhian Niya’ng
pagkilos mo sa ibang paraan.
Sa bahay man o sa ibang lugar,
tulutang maghari ang Diyos sa ‘yo,
hayaang mamahala ang mga salita ng Diyos,
iwaksi ang laman at pagiging natural,
mamuhay sa mga salita Niya
nang mabago’ng disposisyon mo.
‘Di kailangang mag-alala
na ang buhay mo’y ‘di nagbabago.
‘Di kailangang mag-alala
na ang buhay mo’y ‘di nagbabago.
Makakatahak ka sa tamang landas,
makakatahak ka sa tamang landas,
at madarama’ng pagbabago
ng iyong disposisyon.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 22