122 Mahalin ang Diyos Upang Mamuhay sa Liwanag
Ⅰ
Ang mundo ay madilim at sobrang mapanganib,
ang mga salita ng Diyos sa mga huling araw ay nagpapakita ng tunay na liwanag.
Nakakamit ko ang katotohanan sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos,
at nakikita ko ang tunay na daan sa mundo.
Nararanasan ko ang mga salita ng Diyos at nakikita ko ang liwanag,
nakikita ko na ang katotohanan ay totoong-totoo.
Ang mga salita ng Diyos ay buhay ng tao;
ang pagkakamit ng katotohanan ay nagluluwalhati sa Diyos.
Sumusunod ako sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan,
ginagampanan kong mabuti ang aking tungkulin at nagpapatotoo.
Ang mahalin ang Diyos ay lubusang makahulugan,
at mamumuhay ako sa liwanag magpakailanman.
Ⅱ
Ang paghatol at pagkastigo ay napakahalaga,
hindi ko kaya na walang pagtatabas at pagwawasto.
Ang mga pagsubok at pagpipino ay inilalantad ang mga tao;
ang pagbabago ay nakakamit sa pagdurusa ng matinding sakit.
Ang pagsasagawa sa katotohanan ay ang ugat;
ang pagmamahal sa Diyos ay ang pinakatotoo.
Ang isang pusong hindi nagmamahal sa Diyos ay nagkakanulo sa Diyos,
ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay nagiging karapat-dapat sa Kanyang papuri.
Sumusunod ako sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan,
ginagampanan kong mabuti ang aking tungkulin at nagpapatotoo.
Ang mahalin ang Diyos ay lubusang makahulugan,
at mamumuhay ako sa liwanag magpakailanman.
Umasa sa pananampalataya upang maranasan ang mga pagsubok,
at sumandal sa katotohanan upang tumayong saksi.
Ang mga paghihirap at mga pagsubok ay nagbubunyag ng tunay na puso ng isang tao;
kung walang katotohanan ang lahat ay magiging walang kabuluhan.
Sumusunod ako sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan,
ginagampanan kong mabuti ang aking tungkulin at nagpapatotoo.
Ang mahalin ang Diyos ay lubusang makahulugan,
at mamumuhay ako sa liwanag magpakailanman.
Mamumuhay ako sa liwanag magpakailanman.