121 Ang Wangis ng mga Nagmamahal sa Diyos
Ⅰ
Ang nagmamahal sa Diyos, masunurin, mabait.
Ang hindi, nilalabanan Siya,
nagsisikap para sa kapalaran nila, walang konsensya.
Ang nagmamahal sa Diyos, matuwid,
mahal ang katotohanan, sa salita N’ya’y namumuhay.
Tapat, maaasahan, dalisay.
‘Di sila tatalikod sa Diyos kailanman.
Yaong mga ‘di nagmamahal sa Diyos, sila’y mga taksil.
Sila’y tuso, mapanlinlang, sarili lang ang iniisip.
Ang nagmamahal sa Diyos, ayaw Siyang saktan,
naglilingkod nang tapat,
nagtitiis ng hirap nang walang reklamo,
‘di tumatanggap ng gantimpala.
Lahat inilantad sa gawain ng Diyos.
Kanyang salita’y maningning na parang salamin.
Masusuri ng lahat sa Kanyang pagbubunyag
ang tunay nilang pagkatao.
Ⅱ
Ang nagmamahal sa Diyos, may takot sa Kanya.
Namumuhay sa katotohanang tunay nilang nauunawaan.
Oo, pag tunay nilang nauunawaan.
Yaong hindi, sasaktan Siya.
Galit sila sa katotohanan, sarili ang sinusunod nila.
Nakakagalit sila, hindi ba?
Ang nagmamahal sa Diyos,
patuloy na sinusunod ang Kanyang kalooban.
Lubos silang sumusunod
at may prinsipyo sa pananalita at kilos.
Puso nila’y kaisa Niya, nakikiisa sa Kanyang iniisip, pag-aalala,
palaging iniisip ang Kanyang kalooban,
sumasaksi kahit sa hirap at pagsubok.
Lahat inilantad sa gawain ng Diyos.
Kanyang salita’y maningning na parang salamin.
Masusuri ng lahat sa Kanyang pagbubunyag
tunay nilang pagkatao.
Ⅲ
Ang nagmamahal sa Diyos, hangad Siyang makilala
at magbago ng disposisyon.
Masunuring nagpapasakop sa pagsasaayos Niya.
Kanilang pusong mahal ang Diyos, ‘di nagbabago.
Lahat inilantad sa gawain ng Diyos.
Kanyang salita’y maningning na parang salamin.
Masusuri ng lahat sa Kanyang pagbubunyag
ang tunay nilang pagkatao.
Lahat inilantad sa gawain ng Diyos.
Kanyang salita’y maningning na parang salamin.
Masusuri ng lahat sa Kanyang pagbubunyag
ang tunay nilang pagkatao.