1028 Ang Buhay sa Kapahingahan

Ang pamumuhay sa pahinga’y nangangahulugan

ng isang buhay na walang digmaan,

walang dumi, walang namamalaging

kawalan ng katuwiran,

wala nang mga paggambala ni Satanas,

wala nang mga katiwalian ni Satanas,

kung saan ang Diyos ay walang oposisyon,

kung saan lahat ay nasa tamang posisyon

upang sumamba sa Panginoon ng sangnilikha,

kung saan ang langit at lupa

ay ganap na payapa.

Ito’ng ibig sabihin ng buhay sa kapahingahan,

oh, buhay sa kapahingahan.


I

‘Pag namamahinga ang Diyos,

ang mundo’y wala nang kasamaan,

pati mga kaaway na sumasalakay;

tao’y papasok sa bagong kaharian,

na hindi nagawang tiwali ni Satanas,

kundi sa halip isang sangkatauhan

na ligtas sa katiwalian.


Ang araw ng pahinga ng sangkatauhan

ay magiging kapareha ng sa Diyos,

na nawala Niya dahil ang sangkatauhan

ay ‘di makapasok sa kapahingahan.

Ang pagpasok sa pahinga’y

‘di nangangahulugan

ng pagtigil ng lahat ng paggalaw

o lahat ng pag-unlad.


Hindi ibig sabihin na tumitigil

ang Diyos sa paggawa.

Hindi ibig sabihin humihinto buhay ng mga tao.

Pahinga’y magsisimula

kapag nawasak na si Satanas,

at ang lahat ng sumali

sa paggawa nito ng masama

ay naparusahan na at napawi na,

at wala nang kaaway ang Diyos.


Ang pamumuhay sa pahinga’y nangangahulugan

ng isang buhay na walang digmaan,

walang dumi, walang namamalaging

kawalan ng katuwiran,

wala nang mga paggambala ni Satanas,

wala nang mga katiwalian ni Satanas,

kung saan ang Diyos ay walang oposisyon,

kung saan lahat ay nasa tamang posisyon

upang sumamba sa Panginoon ng sangnilikha,

kung saan ang langit at lupa

ay ganap na payapa.

Ito’ng ibig sabihin ng buhay sa kapahingahan,

oh, buhay sa kapahingahan.


II

Ang pagpasok ng Diyos sa pahinga’y

mangangahulugang natapos na Niya

ang pagliligtas Niya sa sangkatauhan.

Kapag tao’y pumapasok sa pahinga,

lahat mamumuhay sa liwanag ng Diyos,

pinagpala, normal ang pamumuhay,

at wala na sa kamay ni Satanas.


‘Pag ang Diyos at tao’y

nagsisimula nang magkasamang magpahinga,

ibig sabihin sangkatauha’y naligtas na,

at si Satanas ay nawasak na,

at kumpleto na ang gawain ng Diyos,

at wala na sa kamay ni Satanas

ang sangkatauhan.


Hindi na magiging abala ang Diyos,

ang mga tao’y ‘di na magiging aligaga;

ang Diyos at mga tao’y

magkasabay na papasok sa kapahingahan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Sinundan: 1027 Kapag Pumasok na sa Kapahingahan ang Sangkatauhan

Sumunod: 1029 Isang Ilog ng Tubig ng Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

660 Awit ng mga Mananagumpay

1 Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang...

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito