1027 Kapag Pumasok na sa Kapahingahan ang Sangkatauhan

1 Sa sandaling pumasok sa pamamahinga ang sangkatauhan, nawasak na ang mga tagagawa ng masama at mapupunta sa tamang landas ang lahat ng sangkatauhan; makakasama ng lahat ng uri ng mga tao ang kanilang kauri alinsunod sa mga tungkulin na dapat nilang isakatuparan. Tanging ito ang magiging araw ng pamamahinga ng sangkatauhan, ito ang walang pagsalang magiging tunguhin para sa pagpapaunlad ng sangkatauhan, at tanging kapag nakapasok sa pamamahinga ang sangkatauhan maaabot ang pagtatapos ng dakila at huling mga tagumpay ng Diyos; ito ang magiging pangwakas na bahagi ng gawain Niya. Ang gawaing ito ang tatapos sa lahat ng bulok na buhay ng laman ng sangkatauhan, gayundin ang buhay ng tiwaling sangkatauhan. Simula roon, papasok ang mga tao sa isang bagong kinasasaklawan.

2 Bagama’t namumuhay sa laman ang lahat ng tao, may mga makabuluhang kaibhan sa pagitan ng diwa ng buhay at sa buhay ng tiwaling sangkatauhan. Nagkakaiba rin ang kabuluhan ng pag-iral at ng pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Bagama’t hindi ito ang magiging buhay ng isang bagong uri ng tao, masasabi na buhay ito ng isang sangkatauhang tumanggap ng kaligtasan, at isang buhay na rin na kung saan nabawi na ang pagkatao at katwiran. Mga tao itong minsan nang naging masuwayin sa Diyos, na nalupig na ng Diyos at pagkaraan ay iniligtas Niya; mga tao itong nagbigay-kahihiyan sa Diyos at pagkaraan ay nagpatotoo sa Kanya. Ang kanilang pag-iral, pagkaraang sumasailalim at makaligtas sa Kanyang pagsusulit, ay ang pinakamakahulugang pag-iral; mga tao silang nagpatotoo sa Diyos sa harap ni Satanas, at mga tao na akmang mabuhay.

3 Dahil sa ganap na pagkabigo, hindi na muling gagambalain ni Satanas ang sangkatauhan, at hindi na magkakaroon ng mga tiwaling satanikong disposisyon ang mga tao. Nawasak na yaong mga masusuwaying tao, at tanging ang mga tao na nagpapasakop ang mananatili. Sa gayon, kakaunting pamilya ang buong makaliligtas; paano makapagpapatuloy sa pag-iral ang mga pisikal na ugnayan? Lubos na ipagbabawal ang dating buhay sa laman ng sangkatauhan. Kung walang mga tiwaling satanikong disposisyon, ang buhay ng tao ay hindi na magiging ang lumang buhay ng nakaraan, bagkus ay isang bagong buhay. Kasalukuyang umiiral ang mga pisikal na ugnayan sa pagitan ng mga tao, ngunit hindi na iiral ang mga ito sa sandaling pumasok sa pamamahinga ang lahat. Tanging ang ganitong uri ng sangkatauhan ang magtataglay ng pagkamatuwid at kabanalan; tanging ang ganitong uri ng sangkatauhan ang makasasamba sa Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Sinundan: 1026 Gumagawa ng Angkop na mga Pagsasaayos ang Diyos para sa Bawat Uri ng Tao

Sumunod: 1028 Ang Buhay sa Kapahingahan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito