822 Paano Magpatotoo sa Diyos Upang Magtamo ng mga Praktikal na Resulta

Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahing nagsasalita kayo tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat ring magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibubunyag sa inyong karanasan, kung gaano na ang inyong natitiis at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos; magsalita kung gaanong tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat sumaksi para sa Diyos at suklian Siya dahil sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng substansya ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at walang-lamang teorya para magyabang; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan na totoo at mula sa puso, at magsalita mula sa puso; ito ay pinaka-kapaki-pakinabang sa iba, at pinaka-nararapat na makita nila. Dati kayo ay mga taong labis na sumasalungat sa Diyos at pinaka malabong magpasakop sa Diyos, ngunit ngayon kayo’y nalupig—huwag ninyong kalilimutan iyan. Dapat pagbulay-bulayan at pag-isipan ang mga usaping ito nang higit pa. Kung hindi, baka makagawa sila ng mga kilos na kahiya-hiya at walang-katuturan.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao

Sinundan: 821 Paano Patotohanan ang Diyos sa Iyong Pananampalataya

Sumunod: 823 Tanging sa Pag-alam sa mga Gawa ng Diyos Makapagpapatotoo nang Tunay ang Isang Tao sa Kanya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito