20 Ang Mukha ng Hari ng Kaharian ay Maluwalhating Hindi Maikukumpara
I
Ang Diyos ay may bagong simula sa lupa,
at Siya’y niluluwalhati sa lupa.
Dahil sa huling magandang tanawin,
ipinapahayag Niya’ng sigasig sa puso Niya.
Sa pagsunod sa ritmo ng Kanyang puso,
katubiga’y sumasayaw, kabunduka’y lumulundag,
humahampas ang mga alon sa mga batuhan.
Mahirap sa Diyos na ipahayag
ang nasa puso Niya.
Nagawa na ng Diyos ang pinlano Niya,
at ito’y itinakda Niya.
Ito ang ipinamamalas ng Diyos
at ipinararanas sa mga tao.
Maganda ang hinaharap ng kaharian.
Ang Hari ng kaharian ang nagtagumpay.
Mula ulo hanggang paa,
walang bakas ng dugo o laman,
lahat sa Kanya’y banal.
II
Tulad ng minamahal sa Awit ng mga Awit,
Siya’y mas marilag kaysa sa mga banal,
mas mataas kaysa sa sinaunang mga banal.
Siya’ng uliran sa lahat ng tao.
Siya’y ‘di maikukumpara sa tao.
Tao’y ‘di karapat-dapat tumingin sa Kanya.
Mukha Niya ay hindi kayang matamo,
ni ang Kanyang anyo o ang Kanyang larawan.
III
Katawan Niya’y nagliliwanag
ng sagradong luwalhati,
walang bahid ng ideya ng tao.
Mula ulo hanggang paa
katawan Niya’y nag-uumapaw
ng awra ng langit, katuwiran.
Isang nakabibighaning bango ang lumalabas,
isang nakabibighaning bango ang lumalabas.
Maganda ang hinaharap ng kaharian.
Ang Hari ng kaharian ang nagtagumpay.
Mula ulo hanggang paa,
walang bakas ng dugo o laman,
lahat sa Kanya’y banal.
Maganda ang hinaharap ng kaharian.
Ang Hari ng kaharian ang nagtagumpay.
Mula ulo hanggang paa,
walang bakas ng dugo o laman,
lahat sa Kanya’y banal.
Lahat sa Kanya’y banal.
Amen!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 12