21 Ang Kaharian ng Diyos ay Itinatatag sa Gitna ng mga Tao
I
Sa lupa’t sansinukob,
karunungan ng Diyos ay makikita.
Sa lahat ng bagay at lahat ng tao,
karunungan Niya’y namumunga.
Lahat ng bagay ay tulad
ng mga bagay ng kaharian ng Diyos.
Tao’y nasa ilalim ng kalangitan ng Diyos
tulad ng tupa sa pastulan ng Diyos.
Makakapagpahingang muli ang Diyos sa Sion;
tao’y makakapamuhay sa patnubay ng Diyos.
Tao’y pinangangasiwaan
ang lahat sa kamay ng Diyos.
Karunungan at orihinal na anyo’y
nabawi na nila sa wakas.
Wala nang alabok, banal tulad ng jade,
bawat mukha’y tulad ng santo.
‘Pagkat kaharian ng Diyos ay
naitatag na sa mga tao.
II
Naglalakad ang Diyos sa ibabaw ng mga tao,
nagmamasid Siya sa lahat ng dako.
Wala ni isang bagay ang mukhang luma,
wala ni isang taong tulad ng dati.
Namamalagi ang Diyos sa trono Niya,
nakasandig sa buong sansinukob.
Nanunumbalik ang kabanalan ng lahat,
puso ng Diyos ay nasisiyahan.
Makakapagpahingang muli ang Diyos sa Sion;
tao’y makakapamuhay sa patnubay ng Diyos.
Tao’y pinangangasiwaan
ang lahat sa kamay ng Diyos.
Karunungan at orihinal na anyo’y
nabawi na nila sa wakas.
Wala nang alabok, banal tulad ng jade,
bawat mukha’y tulad ng santo.
‘Pagkat kaharian ng Diyos ay
naitatag na sa mga tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 16