192 Inililigtas Ako sa Kasalanan ng Paghatol ng Diyos
1 Maraming beses akong nangakong isusuko ang lahat at susundin ang Panginoon, ngunit hindi ako makawala mula sa mga tukso ng kayamanan at katanyagan. Wala akong pagdududa na isang karangalan ang magdusa para sa kapakanan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Panginoon, ngunit nang naharap sa pang-aapi at pagdurusa, nagkaroon ako ng mga reklamo at nakaramdam ng hiya. Madalas kong napagpapasyahan na sundin ang mga utos ng Panginoon at mahalin ang iba gaya ng sarili ko, ngunit nagbalak pa rin ako ng masama at nakipagpaligsahan sa aking mga kapwa-manggagawa para sa katayuan, at namuhay ako sa kasalanan. Napakaraming beses na nag-ayuno ako at nagdasal sa harap ng Panginoon, masigasig na tumatawag, “O Panginoon! Kailan Ka babalik at ililigtas ako mula sa kailaliman ng kasalanan? Kailan ako puwedeng madalisay at makapasok sa kaharian ng langit kasama Mo?”
2 Sa aking kalituhan, naririnig ko ang tinig ng Makapangyarihang Diyos na kumakatok sa pintuan ng aking puso. Tumatagos sa puso ko na tila matalim na espada ang lahat ng Kanyang mga salita, ibinubunyag ang katotohanan ng aking katiwalian. Nanampalataya ako sa Panginoon para lamang magkamit ng mga pagpapala at pumasok sa kaharian ng langit; nakikipagtawaran lamang ako sa Panginoon. Tinamasa ko ang biyaya Niya, ngunit hindi naisip na suklian Siya. Nasaan ang aking konsiyensiya at katwiran? Nagsalita ako tungkol sa pagpapatotoo para sa Panginoon, ngunit sa halip ay gumawa ako para sa katayuan; nilinlang ko Siya. Inakala kong dahil gumawa ako ng ilang mabubuting bagay, totoong nagsisi at nagbago na ako. Kapag sumasailalim sa mga pagsubok, mukha lang akong nagpapasakop habang naniniwalang nagpapatotoo ako. Nabuhay ako sa kasalanan, gumagawa ng mga kamalian at nangungumpisal araw-araw, ngunit nag-asam pa rin akong pumasok sa kaharian ng langit. Ngayong nakikita ko na ang pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos, wala na akong mapagtataguan ng kahihiyan ko, kaya nagpapatirapa ako.
3 Ang mahatulan at makastigo ng Diyos ay tulad ng pagsailalim sa pagpipino ng lawa ng apoy. Napakaraming beses ko nang naging mapagmataas at mapaghimagsik, kung saan malupit akong itinuwid at dinisiplina ng Diyos. Kapag ipinipilit ko ang gusto ko, tinatalikuran ako ng Banal na Espiritu, iniiwan akong mabuhay sa kadiliman. Napakaraming beses ko nang naging matigas ang ulo at masuwayin, laging gustong takasan ang paghatol ng Diyos. Binigyang-liwanag at ginabayan ako ng Kanyang mga salita upang maunawaan ang Kanyang gawain. Lahat ng nabubunyag sa tao sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos ay katotohanan at pagiging matuwid. Sa pananampalataya sa Diyos ngunit hindi nagpapasakop sa Kanyang paghatol, paano ko Siya tunay na makikilala o makakamit ang katotohanan? Kung hindi ko hahanapin ang katotohanan, paano ako makatatakas sa impluwensiya ni Satanas? Sa pamamagitan ng mga pagsubok, nakita ko na na ang paghatol at pagkastigo ay totoong pagpapamalas ng pagmamahal ng Diyos. Nailigtas ako ng Kanyang paghatol, at ngayon ay isinasabuhay ko ang isang tunay na pagkakatulad sa tao.