193 Muli Akong Itinataas ng mga Salita ng Diyos

1 Naniwala ako sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at sa panahong iyon, ako ay nagsinungaling, nagkasala, at nangumpisal ng aking mga kasalanan, hindi kailanman natatakasan ang mga gapos ng kasalanan. Ginugugol ang aking sarili at nagdurusa para sa Panginoon, inakala kong karapat-dapat akong iangat sa langit pagdating Niya. Ngunit matapos marinig ang tinig ng Diyos, bulag akong humatol, hindi ako naghanap o nagsiyasat, sinunod ko ang mga pastor sa paggamit ng mga salita at parirala ng Biblia upang hatulan at kondenahin ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Matindi akong nahulog sa kadiliman at muntik nang mapalagpas ang pagkakataong madala bago ang mga sakuna. Muli’t muli, nagpadala ang Diyos ng mga tao para mangaral sa akin ng ebanghelyo, at sa wakas, binuksan nila ang pinto ng aking puso: Matapos magbasa ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, ako ay nagising—ito ang tinig ng Diyos. Nalipos ng pagsisisi ang puso ko at hiyang-hiya akong tumingin sa mukha ng Diyos; talagang hindi ako angkop na magtamasa ng ganito kalaking pagmamahal mula sa Diyos.

2 Iniangat ako ng Diyos upang gampanan ang aking tungkulin, Ngunit hindi ko hinanap ang katotohanan, pinag-imbutan ko ang mga pagpapala ng katayuan, at hindi nagsikap na magkaroon ng ano mang tunay na epekto sa pagganap sa aking tungkulin. Walang isip kong ginawa ang aking tungkulin, nagyayabang, palaging nangangaral ng mga salita at doktrina at nagpapasikat, dinadaya ang iba upang iangat ako at igalang ako. Tuwing nagkakaroon ng isang problema, hindi ko iyon tinatalakay kasama ang iba; Gusto kong ako ang laging may huling salita, at nilabanan ko ang Diyos nang hindi iyon nalalaman. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang mahigpit na iwasto at ilantad ang mga tao, ngunit sinubukan kong magdahilan upang iwasan ang Kanyang paghatol. Nasaktan ang puso ng Diyos dahil sa sutil kong pagiging mapaghimagsik, at napalagpas ko ang napakaraming oportunidad upang magawang perpekto. Kahit ngayon, kailangan ko pang pumasok sa realidad ng katotohanan. Ano ang magagamit ko upang masuklian ang pagmamahal ng Diyos at makapagpatotoo sa Diyos? O Diyos, nais kong magsisi at magsimula nang panibago, at hanapin ang katotohanan. Nais kong gawing muli ang lahat ng iyon.

3 Hinatulan ako ng mga salita ng Diyos gaya ng isang talim sa aking puso, at nakita ko kung gaano kalalim akong ginawang tiwali. Wala akong katulad sa tao. Napakayabang ko na wala ako ni katiting na katwiran, o ano mang takot at pagsunod para sa Diyos. Hindi nagbago ang aking disposisyon, pag-aari pa rin ako ni Satanas. Talagang ako ang uri na lumalaban sa Diyos. Nagising lang ako matapos ang paulit-ulit na paghatol; doon lang nagkaroon ng pagsisisi at pagkasuklam sa sarili sa aking puso. Sa gitna ng sakit, inaliw at pinasigla ako ng mga salita ng Diyos, tinutulutan akong tumayong muli mula sa aking bagsak na kalagayan. Nais kong maging matapat at masunurin upang suklian ang pagmamahal ng Diyos, at isagawa ang katotohanan at gawin ang tungkulin ng tao. Salamat sa Diyos sa paghatol at paglilinis ng aking katiwalian. Naranasan ko kung gaano kalaki ang Kanyang pagmamahal—O Diyos! Nais kong hanapin nang mabuti ang katotohanan, isabuhay ang isang bagong larawan at magbigay-aliw sa Iyong puso.

Sinundan: 192 Inililigtas Ako sa Kasalanan ng Paghatol ng Diyos

Sumunod: 194 Pagkamtan ng Pagpapadalisay sa mga Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito