Tanong 1: Sa Biblia, sinabi ni Pablo na kailangan nating sundin iyong mga nasa awtoridad. Kung isasabuhay natin ang mga salita ni Pablo, dapat lagi tayong makinig sa namumunong rehimen. Hindi lang ipinagbabawal ng CCP na manampalataya tayo sa Panginoon, hinuhuli at inuusig din iyong mga nagkakalat ng ebanghelyo ng Diyos. Ngunit laging inuusig ng walang kinikilalang Diyos na CCP ang mga taong relihiyoso at kumikilos bilang isang kalaban ng Diyos. Kung susundin natin ito at hindi manampalataya sa Panginoon o ikakalat ang Kanyang ebanghelyo, hindi ba’t tayo’y kumakampi kay Satanas sa panlalaban at pagtataksil sa Panginoon? Hindi ba tayo magiging iyong mga nakatadhanang mapuksa? Hindi ko talaga maintindihan ito. Pagdating sa kung paano natin ituturing ang namumunong awtoridad, ano ang dapat nating gawin para masiguro na tayo’y naaayon sa kalooban ng Diyos?

Sagot: Sa Biblia, sinabi ni Pablo na dapat nating sundin ang mga awtoridad. Ang kanyang mga salita ay ang mga sumusunod: “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Diyos. Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Diyos sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili” (Roma 13:1–2). Dahil sa mga salita ni Pablo, akala ng maraming taong naniniwala sa Panginoon na ang namumunong awtoridad ay itinakda ng Diyos. Kaya, ang pagsunod sa namumunong rehimen ay pagsunod sa Diyos. Iniisip pa ng ilang tao na kahit gaano pa hinahadlangan at hinihigpitan ng mga awtoridad ang mga tao sa pananampalataya sa Diyos, dapat silang masunod. Sabi din nila na ang paglaban sa gobyerno ay paglaban sa Diyos. Tama ba talaga ang mga pananaw na ito? Naaayon ba talaga ang mga ito sa kalooban ng Diyos? Kung gayon, ano ba talaga ang dapat nating isipin tungkol sa bagay na ito? Sa totoo lang, mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi kailanman sinabi ng Diyos na dapat sundin ng tao ang mga namumunong rehimen. Tignan na lang natin ang Kapanahunan ng Kautusan bilang halimbawa. Ang taga Egiptong Faraon, ang sinumpaang kalaban ng mga Israelita, ay isang namamahala, Paano sila itinuring ng Diyos? Pinigilan niya ang mga Israelita na makaalis sa Egipto, at nagpadala ang Diyos ng mga kalamidad sa kanya. Kung hindi niya pinakawalan ang mga Israelita matapos ’yon, baka winasak siya ng Diyos. Nang hinahabol ng hukbo ng mga taga-Egipto ang mga Israelita, nagbukas ang Dagat na Mapula. Pagkatapos ang mga taga-Egiptong sundalo na humabol sa mga Israelita ay nalipol; nalunod sila sa dagat. Noong Kapanahunan ng Kautusan, ang lahat ng mga malademonyong namamahala na kumalaban sa Diyos ay nilipol Niya sa huli. Ngayon tignan natin ang Kapanahunan ng Biyaya. Bakit hindi pumunta sa sinagoga ang Panginoong Jesus para mangaral? Bakit nangaral ang Panginoong Jesus sa kaparangan at kasama ng mga karaniwang tao? Dahil kinakalaban ng namumunong rehimen at mga relihiyosong pinuno ang Diyos. Itinuring nilang lahat bilang kanilang kalaban ang Panginoon. Ito ang dahilan kung bakit maaari lang mangaral ang Panginoong Jesus sa kaparangan at kasama ng mga karaniwang tao. Kung sinunod ng mga alagad ng Panginoong Jesus ang mga awtoridad, makakapagpatuloy ba sila na sundin Siya? Makukuha pa rin ba nila ang Kanyang papuri? Hindi rin nila magagawa iyon! Mula dito, masasabi dapat ng lahat ng tunay na naniniwala sa Panginoon kung paano natin dapat ituring ang CCP ayon sa kalooban ng Diyos. Kung sa loob ng napakaraming taon naniwala ang isang tao sa Panginoon, subalit hindi pa rin makita na ang namumunong rehimen ay kalaban ng Diyos, naiintindihan ba talaga ng taong ’yon ang Biblia? Kilala ba talaga nila ang Panginoon? Maraming tao ang hindi nakikita ang kaibahan. Hindi nila nauunawaan ang bagay na ito. Dahil binabasa nila ang mga salita ni Pablo sa Biblia, hindi nila alam ang gagawin. Iniisip pa ng ilang tao na ang pagsunod sa namumunong rehimen ay pagsunod sa Panginoon, at iyong mga nagrerebelde laban sa gobyerno ay nagrerebelde laban sa ordinansa ng Diyos, humihingi lamang sila ng kaparusahan. Hindi ba’t maling-mali ang opinyong ito? Hindi ba’t ito’y malubhang hindi pagkakaintindi at panlalaban sa Diyos? Isa itong maling pananaw na nanlilinlang at nananakit ng mga tao! Alam nating lahat, ang CCP ay isang partidong walang kinikilalang Diyos. Nasa kapangyarihan ang mga Ateista at ibig sabihin niyan nasa kapangyarihan si Satanas. Itinuturing ng CCP na kalaban ang Diyos. Sa sandaling makita nila na nagpakita si Cristo at ginawa ang Kanyang gawain, ipapadala nila ang hukbong sandatahan at hindi kailanman aatras hangga’t ang gawain ni Cristo ay lubusang napuksa. Hindi sila kailanman hihinto hangga’t maipako nila sa krus si Cristo! Simula nang umupo sa kapangyarihan ang CCP, hayagan nilang itinatanggi ang Diyos, isinusumpa ang Diyos at nilalapastangan. Itinuring nilang isang masamang kulto ang Cristianismo at isang masamang aklat ang Biblia; kinukumpiska ito at sinusunog ito! Idineklara nila ang mga relihiyosong grupo bilang mga organisasyon ng kulto at isinailalim sila sa pang-aapi at pag-uusig. Lalo na pagdating sa mga Cristianong naniniwala sa tunay na Diyos, at pumapatotoo sa Kanya, ang CCP ay laging panatikong sinusupil, hinuhuli at inuusig sila. Nagsasagawa sila ng mga hindi makataong pagpapahirap at nagdudulot ng malulupit na pinsala. Isa talaga itong walang-awang, hindi makatwirang pagpatay!

Nilalabanan ng mga demonyong CCP ang Langit at kalooban ng Diyos. Ang masamang pag-uugali nito na pagsuway sa Diyos ay hindi mabilang at napakarami ng mga kasalanan nito! Sapat na ang mga katunayan para ipakita na ang CCP ay isang masamang puwersa ni Satanas, isang kalaban ng Diyos. Bakit kinapopootan at inuusig ng todo ng CCP iyong mga naniniwala sa tunay na Diyos? Ano ang layunin nito? Natatakot ito na ang mga Tsino ay magsisimulang maniwala at sumunod sa Diyos. Natatakot ito na hahanapin ng mga tao ang katotohanan at makakamit ang kaligtasan. Kung magkagayon, wala nang aalipinin o kailangan pang magsilbi sa CCP. Samakatuwid, gumagamit ang demonyong CCP ng anumang paraan para usigin ang mga Cristiano. Gusto nitong ipagbawal ang gawain ng Diyos at ipagbawal ang Cristianismo; sinisikap nito na gawing isang walang Diyos na bansa ang Tsina, para masiguro nito ang kanyang lugar bilang diktador ng Tsina sa libu-libong henerasyon. Sinasabi ng mga salitang ito ang pinaka-ugat ng mga bagay. Sapat na ito para ipakita na ang CCP ay ang masamang rehimen ni Satanas na pinakagalit sa katotohanan at galit sa Diyos. Isa itong malademonyong organisasyon na nilalabanan ang Diyos! Ang pamumuno ng CCP ay pamumuno ni Satanas. Ang panlalaban ng CCP sa Diyos ay isang kahindik-hindik na kasalanan. Ang paghahari nito ay paghahari ni Satanas.

Sa loob nitong mga taon ng pamamahala ng CCP, nagrebelde sila laban sa Diyos at inusig ang Kanyang mga pinili. Hindi ba’t nakagawa sila ng isang litanya ng mga kasalanan? Ang gobyerno ng CCP ay gumagamit ng lahat ng uri ng paraan para makasakit at pumatay ng napakaraming Cristiano! Hind ba’t nagdala sila ng kapahamakan sa sambahayan ng napakaraming Cristiano? Ayon sa mga katunayang ito, maaari nating kumpirmahin na ang gobyerno ng CCP ay ang pinakamasamang rehimen ni Satanas sa mundo. Ito ay grupo ng mga demonyo na nagrerebelde laban sa Diyos! Kaya itinatakwil natin sila at tinatalikuran natin sila. Hindi ba ito’y pagkilos ayon sa kalooban ng Diyos? Ang totoo, ibinunyag ito ng Panginoong Jesus sa amin matagal na panahon na. “Ang lahing ito’y isang masamang lahi(Lucas 11:29). “At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa(Juan 3:19). Sinasabi rin ng Biblia, “Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama(1 Juan 5:19). Ipinaliwanag ng Panginoong Jesus ang ugat ng problema at ibinunyag ang tunay na kalagayan at pinagmulan nitong masamang kadiliman ng mundo. Ang buong sangkatauhan ay nananahan sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Walang puwang para sa Diyos o sa katotohanan para umiral. Sa mga relihiyosong komunidad, walang sinuman ang naglalakas-loob na hayagang magpatotoo sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa iglesia. Tiyak na walang sinumang tao ang maglalakas-loob na pumatotoo sa iglesia o sa publiko patungkol sa katotohanan na ipinapahayag ni Cristo. Kung sino man sa anumang denominasyon ang makitang pumapatotoo patungkol sa nagkatawang-taong Cristo, sila’y hahatulan ng kasalanan. Palalayasin sila sa iglesia o di kaya’y ibibigay sa gobyerno. Hindi ba’t ang sangkatauhang ito ay ang pinakamasamang iyong maaaring makamit? Ang bawat sulok ng mundo ay puno ng tunog ng pagkakaila sa Diyos, pagkakaila sa katotohanan o paghatol kay Cristo. Hind ba’t ito’y dahil ang mundong ito ay pinamumunuan ng mga masasamang puwersa ni Satanas na kumakalaban sa Diyos? Balikan natin ang nakalipas na 2000 taon, nang isinilang ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao, tinugis Siya ng gobyerno ng Roma. Nang nangangaral ang Panginoong Jesus at ginagawa ang Kanyang gawain, ipinako Siya sa krus sa pamamagitan ng alyansa ng mga pinuno ng Judio at mga opisyal ng Roma. Nang dumating sa Tsina ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus, sinalubong ito ng panatikong pagsusumpa at panlalaban ng gobyerno ng Tsina. Hindi nga natin alam kung gaano karaming mga misyonaryo ang pinahirapan o pinatay. Simula nang pumalit ang CCP, mas lalong mahirap bilangin ang dami ng mga Cristianong nahuli o pinatay. Ano ang pinapatunayan ng lahat ng ito? Bakit labis na kinapopootan ng CCP ang mga mananampalataya? Bakit labis na inuusig ang mga Cristiano sa buong kasaysayan? Bakit laging itinatakwil ng mga tao at sinusumpa ang katotohanan? Bakit hindi maisagawa ang kalooban ng Diyos sa mundo at sa lahat ng mga bansa sa daigdig? Dahil kinokontrol ni Satanas ang sangkatauhan. Dahil ang buong daigdig ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas. Dahil ang mundo ay pinamumunuan ng masasamang puwersa ni Satanas at mga rehimeng walang kinikilalang Diyos na kumakalaban sa Diyos! Isang karaniwang halimbawa ang rehimen ng CCP ng masasamang puwersa ni Satanas. Iyon ang dahilan na ang sangkatauhan ay puno ng kasamaan at kadiliman. Hindi ba’t karaniwang tanggap na katotohanan ito? Gayun pa man, sinusunod pa rin ng ilang tao ang mga salita ni Pablo, “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan.” Akala nila na iyong pagsunod sa awtoridad ay pagsunod sa Diyos. Kung gayon, tatanungin ko kayo: pinagbabawalan at hinahadlangan tayo ng masamang CCP sa pananampalataya o pagsamba sa Diyos; kailangan din ba natin silang sundin? Hinuhuli at inuusig ng CCP ang mga Cristiano; pinipilit nitong pumirma tayo ng mga deklarasyon ng pagsisisi; pinipilit nitong ikaila natin ang Diyos, itakwil ang Diyos, at ipagkanulo ang Diyos. Inuudyukan pa nito ang mga Cristiano na isumpa ang Diyos at lapastanganin ang Diyos. Maaari ba tayong sumunod sa isang rehimen na nagsasagawa ng mga ganoong aktibidad? Pinagbabawalan tayo ng CCP sa pag-eebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, pinipilit tayong ibenta ang Panginoon at ang iglesia natin, at inuudyukan tayong magsilbi bilang kanilang mga kasabwat at mga utusang aso; dapat ba natin silang sundin? Kung susundin natin ang malademonyong CCP, hindi ba’t pumapanig tayo kay Satanas, kinakalaban at pinagtataksilan ang Diyos? Tignan natin ngayon kung ano ang sinabi ni Pablo, “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan.” Maaari ba nating isabuhay ito? Naaayon ba ang mga ito sa katotohanan? Lalo na ang sinabi ni Pablo na, “Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Diyos sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili” (Roma 13:2). Ngayon, habang tinitignan ang mga salita ni Pablo, malinaw na may mga problema ang mga ito; lubhang kaduda-duda ang mga iyon! Maaari kayang hindi nakikita ni Pablo ang kapanahunan ng kasamaan at kadiliman? Minsan nang inaresto at ikinulong si Pablo sa pagpapakalat ng ebanghelyo. Ayon sa lohiko, mas malaki dapat ang kaalaman niya sa masamang diwa ng rehimen ni Satanas kaysa sa atin. Gayun pa man, iyong mga salitang sinabi ni Pablo ay talagang nakakagulo sa isipan!

Dapat nating malaman lahat na hinahayaan ng Diyos si Satanas na gawing tiwali ang sangkatauhan at pamunuan ang mundo. Bahagi ito lahat ng karunungan at pagpaplano ng Diyos. Ang pangunahing layunin ng Diyos sa pagligtas sa sangkatauhan ay para talunin si Satanas, at baguhin iyong mga ginawang tiwali ni Satanas para maging iyong mga sumusunod at sumasamba sa Diyos. Ito ang paraan para tuluyang talunin at ipahiya si Satanas, at sa huli ay pagpasyahan ang tadhana nito. Samakatuwid, hinahayaan ng Diyos na mamuno si Satanas sa mundo at gawing tiwali ang sangkatauhan. Gustong hayaan ng Diyos ang mga tao na makilala si Satanas sa kanilang mga sarili; gusto Niyang makita nila ang diwa ni Satanas. Gusto ng Diyos na kapootan at itakwil ng sangkatauhan si Satanas, at hindi kailanman sinabi ng Diyos na dapat sundin ng tao si Satanas. Bukod dito, hindi Niya talaga kailanman sinabi na ang pagrerebelde laban sa makademoniyong rehimen ay paghingi ng kaparusahan. Ayon sa pananaw ni Pablo, iyong mga santo na inuusig at tinutugis ng mga makademoniyong rehimen o naging martir pa para sa Panginoon ay hinihingi ito dahil sila’y nagrebelde sa namumunong awtoridad? Talaga? Gumugol ng oras sa kulungan ang mga santo. Hindi ba’t iyon ay isang maganda, matunog na patotoo sa Panginoon? Gayun pa man, ayon sa mga salita ni Pablo, ang pag-uusig at pagpatay sa mga santong ito sa buong kapanahunan ay hindi bumuo ng makinang na patotoo sa Panginoon; sila ay humihingi ng kaparusahan dahil nagrebelde sila laban sa mga nasa awtoridad. Sa parehong paraan, mismong si Pablo ay kinulong dahil sa pagpapakalat ng ebanghelyo. Hindi ba ito walang saysay? Kung gayon, bakit ginagamit ni Pablo ang kanyang paghihirap bilang patotoo kapag siya’y nakikipag-usap sa iba? Hindi ba’t may likas na pagkakasalungat dito? Naniniwala tayo sa Panginoon, nagpapakalat at nagpapatotoo sa ebanghelyo ng Panginoon, ito ay isang mandato mula sa Langit. Amen! Ngunit ginagawa ng mga malademoniyong gobyerno ang lahat para usigin ang mga Cristiano. Pinipigilan nila ang pagkalat ng ebanghelyo at ang pagsasagawa ng kalooban ng Diyos. Lubos na isinisiwalat nito ang kanilang malademonyong diwa: Kinapopootan nila ang katotohanan at mga kaaway ng Diyos. Malupit na inuusig ang mga tao ng mga malademoniyong rehimen dahil tumatalima sila sa tunay na daan at kinakalat ang ebanghelyo ng Panginoon. Iyan ang kahulugan ng inuusig para sa pagkamatuwid at lubos na inaaprubahan ng Panginoon. Paano natin masasabing humihingi sila ng kaparusahan? Nilinaw itong mabuti ng Panginoong Jesus nang minsan Niyang sinabing, “Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:10). Hindi ba alam ni Pablo kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus? Tulad ng nakikita n’yo, halatang sinasalungat ng mga salita ni Pablo iyong sa Panginoong Jesus! Samakatuwid, ang sinabi ni Pablo ay hindi talaga nakahanay sa kung anong sinabi ng Panginoong Jesus. Hindi ito umaayon sa katotohanan. Hindi natin ito maaaring gamitin para gabayan ang ating pagkilos. Nilalang tayo ng Diyos; tayo’y para sa Diyos. Dapat laging tayong makinig sa mga salita ng Diyos at sundin ang Kanyang awtoridad, kahit ano pa man. Ito ay matuwid at makatarungan!

mula sa iskrip ng pelikulang Pananalig sa Diyos

Sinundan: Tanong 6: Ang CCP ay ateistang partido, isang grupong makademonyo na pinakamalupit sa Diyos at sa katotohanan. Ang demonyo ay ang pagsasatao ni Satanas. Ang muling pag-aanyong tao ni Satanas at ng masasamang espiritu ay demonyo, ang mga kalaban ng Diyos. Samakatwid, kapag ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao at gumagawa sa Tsina sa mga huling araw, ang baliw na pagpigil at pang-aapi sa Kanya ng gobyernong CCP, ay hindi maiiwasan. Ngunit ang karamihan sa mga pastor at elder sa mga relihiyon ay mga lingkod ng Diyos na maalam sa Biblia. Hindi lang sa hindi nila hinahanap at pinag-aaralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip sila’y humahatol, nagkokondena at galit na galit na kumakalaban. Hindi ito kapani-paniwala! Hindi nakakagulat na kinokondena ng gobyernong CCP ang gawain ng Diyos. Bakit kinakalaban at kinokondena rin ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos?

Sumunod: Tanong 2: Nalaman ng mga elder at pastor na ikaw ay sumasaksi sa Makapangyarihang Diyos sa amin. Umiikot silang nagkakalat ng mga heresiya at kasinungalingan at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos. Sinara nila ang iglesia at nagsimulang manggipit at magpigil sa ating mga kapatiran na sumusubok makinig sa iyong mga sermon. Nakikita nila kami bilang mga tinik sa kanilang mga mata, at pinaka-kinapopootan ng lahat. Sinasabi rin nila na ang lahat ng mga tatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay ititiwalag sa iglesia. Malinaw na naghiwalay sa dalawang pangkat ang iglesia. Ang ilan sa mga kapatiran ay gustong kasama kami na pag-aralan ang tunay na daan. Ang iba ay sumusunod sa mga pastor at elder sa paglaban at pagbatikos sa Kidlat ng Silanganan. Itinuturing din nila kami bilang mga kaaway nila. Bakit ang laki ng pinagbago ng iglesia sa loob lang ng ilang mga araw?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 3: Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?

Sagot: Ang tanong na ito ay napakahalaga, at iilan lamang sa buong sangkatauhan ang makauunawa dito nang lubusan! Ang dahilan ng matinding...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito