30. Matapos Gumuho ang mga Inaasahan Ko Para sa Aking Anak

Ni Chen Mo, Tsina

Ipinanganak ako sa isang pamilya ng mga intelektuwal. Itinuro palagi sa akin ng mga magulang ko na “Maliliit ang ibang paghahangad, ang mga libro ang nakahihigit sa lahat ng ito,” “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,” at “Mamukod-tangi at magbigay karangalan sa iyong mga ninuno.” Isinapuso ko ang mga kaisipan at ideyang ito, at palagi akong nagsikap na abutin ang mga iyon. Gusto kong baguhin ang aking tadhana sa pamamagitan ng pagkakamit ng kaalaman, at naniwala akong kung makakapasok ako sa kolehiyo, magkakaroon ako ng isang kagalang-galang na trabaho. Makakaupo ako sa opisina nang hindi gumagawa ng mabigat na pisikal na trabaho, at magiging mataas ang tingin sa akin ng mga tao. Pero, hindi nangyari ang mga bagay ayon sa gusto ko, at hindi ako nakapasok sa kolehiyo. Kalaunan, naging trabahador ako sa isang pabrika ng mga produktong semento. Pagkatapos kong mag-asawa, hinamak ako ng biyenan kong babae dahil isa akong ordinaryong trabahador, at madalas niyang pinahihirapan ang buhay ko. Sinasabi niyang isa lang akong walang kuwentang trabahador. Hindi ako nangangahas na sumagot kapag sinasabi ng biyenan ko ang mga mapanuya at mapanlait na bagay na ito, at labis akong nalulungkot. Nagpasya akong mag-aral ng mga akademikong asignatura habang nagpapalaki ng anak, para pagkatapos kong makapasok sa kolehiyo ay puwede akong maging opisyal at hindi na ako mamaliitin ng biyenan ko.

Noong 1986, sa wakas ay nag-exam ako para makapasok ng kolehiyo at nakakuha ako ng associate degree gaya ng inaasahan ko. Pagkatapos ng graduation, bumalik ako sa pabrika at naging opisyal doon. Kalaunan, na-promote ako bilang direktor ng feed sub-plant. Labis akong hinangaan ng mga kaklase at kasamahan ko sa trabaho, sinasabing isa akong makapangyarihang babae, at pinuri ako ng lahat ng kamag-anak at kaibigan ko. Kapag naglalakad ako sa kalye, ang mga nakakakilala sa akin ay malugod na bumabati sa akin. Nagbago rin ang saloobin ng biyenan ko, at palagi na siyang nakangiti kapag kinakausap ako. Ipinagyayabang pa niya sa mga kapitbahay ang mga abilidad ko. Sa wakas ay taas-noo na ako. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga, “Napakalaki pala talaga ng pagkakaiba ng may katayuan at walang katayuan! Kung walang kaalaman at katayuan, maaari ka lang maging taong mababa ang uri na minamaliit ng iba.” Habang nagpapakasasa ako sa papuri ng ibang tao, naisip kong mayroon pa rin akong isang responsabilidad: kailangan kong linangin nang maayos ang anak kong lalaki, para, tulad ko, magkamit siya ng mas maraming kaalaman at makapasok sa kolehiyo. Pagkatapos, sa hinaharap, hihigitan niya ako, magkakaroon siya ng propesyon sa pamahalaan, magkakamit siya ng mas mataas na kapangyarihan at katayuan, mamumukod-tangi siya sa karamihan, at magbibigay-karangalan siya sa aming mga ninuno. Kapag nangyari iyon, bilang ina niya, makikibahagi rin ako sa kanyang karangalan! Noong nasa middle school na ang anak ko, ginamit ko ang mga koneksyon ko para maipasok siya sa pinakamagandang eskuwelahan, madalas ko siyang sinasabihang mag-aral nang mabuti, hinihikayat siyang maging ambisyoso, at itinuro ko sa kanya na sa pagpasok lang sa kolehiyo siya makakakuha ng magandang trabaho at magkakaroon ng magandang kinabukasan. Hindi naman ako binigo ng anak ko, at ang kanyang performance sa pag-aaral ay laging kasama sa top six sa klase niya. Sinabi sa akin ng guro niya sa klase, “Kailangan ninyong linangin nang maayos ang anak ninyo. Napakatalino niya, at may potensyal siyang makapasok sa Tsinghua o Peking University.” Pagkarinig sa sinabi ng guro, tuwang-tuwa ako, at naisip ko, “Matalino ang anak ko, hindi magiging problema para sa kanya na makapasok sa isang nangungunang unibersidad. Magiging madali lang para sa kanya na makahanap ng magandang trabaho sa hinaharap.” Mayroon akong matagumpay na karera at napakahusay ng anak ko sa pag-aaral. Napuno ako nito ng pag-asa para sa isang mas magandang kinabukasan. Pero, ang sumunod na nangyari ay talagang hindi ko inaasahan.

Mula noong ikalawang kalahati ng 1995, mula sa pagiging kumikita ay nagsimulang malugi ang sub-plant na kinontrata ko. Sobra akong nag-alala tungkol dito. Bukod pa roon, nagkaroon ako ng malubhang tuberculosis, at sobrang hina ko kaya hindi na ako makapagtrabaho. Dahil maaga kong tinapos ang kontrata, hindi ako binayaran ng pabrika. Noong panahong iyon, maraming taon nang natanggal sa trabaho ang asawa ko at hindi siya kailanman nakahanap ng angkop na trabaho. Pagkatapos bumili ng apartment, halos maubos na ang natitira naming ipon. Malapit nang mag-high school ang anak ko, at malaki ang gastos doon. Kung walang pagkukunan ng kita, paano namin patuloy na susuportahan ang kanyang pag-aaral? Kalaunan, niyaya ako ng asawa ko na magtayo ng pwesto sa kalye kasama niya para magbenta ng mga surplus na gamit. Sobrang nahihirapan ang kalooban ko noong panahong iyon at naisip ko, “Dati akong isang respetadong direktor ng pabrika, pero ngayon ay bumagsak ako sa punto na kailangan kong magtinda sa kalye para mabuhay. Kung makikita ito ng mga kasamahan ko sa pabrika o ng mga taong nakakakilala sa akin, ganap akong mapapahiya!” Pero naisip ko rin: “Mapapahiya man ako ngayon, pero kapag nakapagtapos ng unibersidad ang anak ko at naging matagumpay, magbibigay siya ng karangalan sa akin. Para makapag-ipon ng pera para sa pag-aaral niya sa unibersidad, sulit lang na mapahiya ako nang kaunti at magtiis ng konting hirap.”

Noong Abril 1998, pinalad akong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa taon ding iyon, nagsimulang mag-high school ang anak ko. Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ang Kanyang huling gawain upang iligtas ang sangkatauhan, at na kung hindi mananampalataya ang mga tao sa Diyos at hindi nila tatanggapin ang Kanyang pagliligtas, gaano man karaming kaalaman ang makamit nila o gaano man kataas ang kanilang degree o katayuan, sa huli ay mamamatay sila. Pero ang mga kaisipan at ideya na maghangad ng kaalaman para baguhin ang tadhana ay napakalalim na nakaugat sa akin, at umasa pa rin akong mamumukod-tangi ang anak ko sa karamihan at magbibigay-karangalan sa aming mga ninuno. Sa hindi inaasahan, noong nasa unang taon siya ng high school, ayaw na niyang mag-aral at gusto na lang niyang sumali sa militar. Nagulat ako, at naisip ko, “Mahirap na trabaho ang pagiging sundalo. Anong potensyal para sa pag-unlad sa hinaharap ang mayroon doon? Sa pagpasok lang sa unibersidad at pagkakaroon ng mataas na degree ka makakahanap ng magandang trabaho. Saka ka lang magkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng mataas na posisyon at malaking sweldo, at maging nakatataas sa karaniwang tao.” Talagang hindi ko hahayaang gawin ng anak ko ang gusto niya. Kaya, sinubukan ko siyang himukin nang malumanay, sabihan na, “Anak, napakatalino mo. Sinabi ng lahat ng guro na may potensyal kang makapasok sa Tsinghua o Peking University. Dalawang taon na lang bago ang university entrance exam. Kung hihinto ka sa pag-aaral at sasali sa militar ngayon, pagsisisihan mo ito habambuhay. Kapag dini-discharge ang mga sundalo mula sa militar, palagi silang kinaklasipika na manggagawa anumang trabaho ang italaga sa kanila, at walang puwang para sa pag-unlad. Makakahanap ka lang ng magandang trabaho kung mayroon kang degree sa unibersidad. Kahit papaano, makakakuha ka ng trabaho sa opisina, isang opisyal na posisyon, isang matatag na posisyon. Hangga’t nagsisikap ka, magkakaroon ka ng maraming pagkakataon para ma-promote. Makakakuha ka lang ng matatag na posisyon sa lipunang ito kung mayroon kang matagumpay na karera at katayuan. Sa panahon ngayon, napakatindi ng kumpetisyon sa lipunan, at kung walang kaalaman at degree, isa kang taong mababa ang uri. Sinasabi ko sa iyo ang lahat ng ito para sa iyong kinabukasan.” Matapos ang paulit-ulit na panghihimok, nagpatuloy siya sa pag-aaral, bagama’t atubili. Isang umaga, nakita ng asawa ko na ayaw pumasok sa eskuwela ng anak namin at nagpapabagal-bagal ito sa bahay, kaya pinalo niya ito. Agad na naglayas ang anak ko at gabing-gabi na namin siya nahanap. Alam kong ayaw mag-aral ng anak ko at gusto niyang sumali sa militar, pero hindi ko siya mapagbigyan. Pinakiusapan ko siya sa lahat ng paraan, at sa huli, kahit atubili, pumayag siyang pumasok sa eskuwela. Kahit na araw-araw na nakasimangot ang anak ko at ni ayaw na niya kaming kausapin, naisip ko, “Maunawaan mo man ito ngayon o hindi, kapag naging sikat at matagumpay ka na sa hinaharap, mauunawaan mo ang aming masidhing layunin.” Kalaunan, nakapasok nga siya sa unibersidad, at tuwang-tuwa ako. Ang mga taon ko ng pag-aasam ay nagbunga na sa wakas. Pero, kahit masaya ako, nag-aalala rin ako sa gastos para sa pagpapaaral sa kanya sa unibersidad. Noong panahong iyon, wala kaming sobrang pera para pag-aralin siya sa unibersidad, kaya ipinagbili ko ang apartment na pinaghirapan kong bilhin sa kalahati ng buhay ko para ipambayad sa matrikula niya, at umupa kami ng apartment na walang anumang palamuti. Noong malapit nang magtapos ang anak ko, nagbayad ako ng 10,000 yuan sa isang tao para ihanap siya ng trabaho sa bangko. Inihanda ko ang lahat para sa anak ko, at hinihintay ko na lang siyang makuha ang kanyang diploma at magsimulang magtrabaho sa bangko. Gayunpaman, may isa na namang hindi inaasahang nangyari.

Isang araw noong Setyembre, sinabi sa akin ng anak ko na huminto siya sa pag-aaral sa huling taon niya sa unibersidad. Hindi niya binayaran ang matrikula niya, kaya hindi niya makukuha ang kanyang diploma. Nang marinig ko ang balitang ito, hindi ako makapaniwala. Mali ba ang pagkakarinig ko? Pero, nang makita ko ang kalmadong ekspresyon ng anak ko, alam kong totoo iyon, at hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Umiiyak ako habang pinagrereklamuhan at pinagagalitan ko ang anak ko. Sa sobrang galit ko, nanghina ang buong katawan ko. Naisip ko, “Nagsumikap ako nang husto sa mga nakaraang taon para lang mabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral sa unibersidad. Inasam ko lang naman na magiging matagumpay siya at magbibigay-karangalan sa akin bilang ina niya. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya ito. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga tao ngayon?” Noong oras na iyon, gusto ko na talagang magpakuryente para matapos na ang lahat. Noong mga panahong iyon, ayaw kong kumain, at hindi rin ako makatulog. Puno ang isip ko ng mga pag-aalala tungkol sa kinabukasan ng anak ko. “Ano na ang dapat kong gawin sa hinaharap?” Naisip ko. “Ipinagbili ko na ang apartment para suportahan ang pag-aaral niya, at wala man lang kaming matatag na tirahan ngayon. Nasira na ang lahat ng pinaghirapan ko sa kalahati ng buhay ko.” Noong nasa kasukdulan na ang sakit na nararamdaman ko, lumapit ako sa harap ng Diyos at nanalangin na akayin Niya ako para makaalis sa aking pasakit.

Habang naghahanap, narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos: Ang Kapalaran ng Tao ay Kontrolado ng mga Kamay ng Diyos. “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating na nagkukumahog at nagpapakaabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong sariling kinabukasan, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, matatawag ka pa rin bang isang nilikha? Sa madaling sabi, paano man gumagawa ang Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay alang-alang sa tao. Katulad lang ito ng kung paanong ang mga langit at lupa at ang lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos para magserbisyo sa tao: Nilikha ng Diyos ang buwan, ang araw, at ang mga bituin para sa tao, nilikha Niya ang mga hayop at mga halaman para sa tao, nilikha Niya ang tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig para sa tao, at iba pa—ang lahat ng ito ay ginawa alang-alang sa pag-iral ng tao. At kaya, paano man kinakastigo at hinahatulan ng Diyos ang tao, ang lahat ng ito ay alang-alang sa kaligtasan ng tao. Kahit na tinatanggal Niya sa tao ang makalamang mga inaasahan nito, ito ay alang-alang sa pagdadalisay sa tao, at ang pagdadalisay sa tao ay ginagawa alang-alang sa pag-iral ng tao. Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya paano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Paulit-ulit kong pinakinggan ang himnong ito, at habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at ang nag-ordena sa kapalaran ng bawat tao. Gaano mo man subukan o gaano ka man magpumiglas, hindi mo mababago ang iyong kapalaran o tadhana; lalong hindi mo mababago ang tadhana ng iba. Naisip ko ang unang kalahati ng buhay ko. Gusto kong baguhin ang aking tadhana sa pamamagitan ng pagkakamit ng mas maraming kaalaman, pero kalaunan, nalugi ang pabrika at nagkasakit ako. Wala akong lakas para patakbuhin ang pabrika, at wala akong pagpipilian kundi ang magbitiw sa trabaho. Lahat ng ito ay talagang hindi ko kontrolado. Tinuruan ko ang anak ko sa salita at gawa mula pa noong bata siya, umaasang papasok siya sa unibersidad at magiging opisyal tulad ng gusto ko. Nagsikap at nagsakripisyo ako ng dugo, pawis, at luha sa kalahati ng buhay ko para mangyari ito, pero hindi niya ginawa ang gusto ko, at sa huli ay hindi siya kailanman nakakuha ng degree sa unibersidad. Dahil sa mga katotohanang ito, napagtanto ko na kung magkakaroon ba o hindi ng magandang kinabukasan at tadhana ang anak ko ay wala sa aking kontrol. Gaano man ako magsumikap o magsakripisyo, lahat ay walang kabuluhan. Dahil isa lang akong maliit na nilikha, ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at ang nag-oordena sa aking kapalaran at sa kapalaran ng aking anak. Ni hindi ko nga makontrol ang sarili kong tadhana, pero gusto ko pang kontrolin ang kinabukasan at tadhana ng anak ko. Napakawalang-muwang ko at napakayabang! Kaya pala ako labis na nasaktan: dahil wala akong anumang pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at hindi ako makapagpasakop dito. Nang maunawaan ko ito, handa na akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at tumigil na sa pagrereklamo tungkol sa anak ko. Kung mamumuhay siya ng ordinaryong buhay, iyon ay dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at pag-oordena ng Diyos, at dapat ko siyang ipagkatiwala sa Diyos at dapat kong hayaan kung ano ang mangyayari.

Pagkatapos no’n, palagi kong pinag-iisipan: Bakit ako sobrang nasaktan noong hindi nakuha ng anak ko ang kanyang diploma? Bakit napakalaki ng pagpapahalaga ko sa kaalaman at diploma? Ano ba talaga ang pinakaugat nito? Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Iniisip ng ilang tao na ang kaalaman ay isang mahalagang bagay sa mundong ito, at na kapag mas marami ang kaalaman nila, mas mataas ang kanilang katayuan at mas mataas ang antas nila, mas marangal at may pinag-aralan, kaya hindi nila kakayanin nang walang kaalaman. Iniisip ng ilang tao na kung mag-aaral kang mabuti at pagyayamanin mo ang iyong kaalaman ay makukuha mo na ang lahat. Magkakaroon ka ng katayuan, pera, magandang trabaho at magandang kinabukasan; naniniwala silang kung walang kaalaman, imposibleng mabuhay sa mundong ito. Kung walang kaalaman ang isang tao, minamaliit siya ng lahat. Makararanas siya ng diskriminasyon, walang magnanais na makisama sa kanya; makakapamuhay lang ang mga tao na walang kaalaman sa pinaka-laylayan ng lipunan. Sa gayon ay sinasamba nila ang kaalaman, at itinuturing na napakatayog at napakahalaga nito—higit pang mahalaga kaysa sa katotohanan. … paano mo man ito tingnan, isa itong aspekto ng mga kaisipan at pananaw ng tao. May isang sinaunang kasabihan ang nagsasabing: ‘Magbasa ka ng sampung libong aklat, maglakbay ka ng sampung libong milya.’ Pero ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito ay habang mas nagbabasa ka, lalo kang nagiging mas may kaalaman at maunlad. Tataas ang pagtingin sa iyo ng lahat ng grupo ng tao at magkakaroon ka ng katayuan. Lahat ng tao ay nagkikimkim ng ganitong mga uri ng mga kaisipan sa kanilang puso. Kung ang isang tao ay hindi makakukuha ng diploma sa kolehiyo dahil sa kapus-palad na kalagayan ng pamilya, buong buhay niya itong pagsisisihan, at magiging determinado siyang dapat na mas makapag-aral, makakuha ng titulo sa unibersidad, o makapag-aral pa nga sa ibang bansa ang kanyang mga anak at apo. Ito ang pananabik ng lahat sa kaalaman, at ang paraan ng kanilang pag-iisip, pagtingin, at pagharap dito. Samakatwid, maraming magulang ang gugugol ng matinding pagsisikap o halaga para mapaunlad ang kanilang mga anak, aabot pa nga sa puntong winawaldas nila ang kayamanan ng pamilya, at lahat para lang makapag-aral ang kanilang mga anak. At paano naman ang matinding pagsisikap ng ilang magulang sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak? Tatlong oras lang ng tulog ang ipinahihintulot kada gabi, walang-tigil na sapilitang pag-aaral at pagbabasa, o pamimilit sa kanilang tularan ang mga sinaunang tao sa pagtatali ng kanilang buhok sa kisame, na ganap na nagkakait sa kanila ng tulog. Ang ganitong mga uri ng mga kuwento, ang mga trahedyang ito, ay nangyayari na noon pang sinaunang panahon magpasahanggang ngayon, at ang mga ito ang mga bunga ng pananabik at pagsamba ng sangkatauhan sa kaalaman(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Pagsasagawa Tungo sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao). Naantig ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Ang isiniwalat ng Diyos ay ang mismong perspektibang nasa kalooban ko. Naigapos ako ng mga satanikong kaisipan at ideya tulad ng “Maliliit ang ibang paghahangad, ang mga libro ang nakahihigit sa lahat ng ito,” “Magbasa ka ng sampung libong aklat, maglakbay ka ng sampung libong milya,” at “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong kapalaran,” at lalo kong sinamba ang kaalaman. Naniwala akong magdadala ng magandang kinabukasan ang kaalaman, kung saan ikaw ay magiging nakatataas na tao at hahangaan ng iba; saka lang magkakaroon ng halaga ang buhay. Naniwala akong kung walang kaalaman o diploma, kailangan mong magpagod at mamuhay nang mababa ang uri, mamaliitin ka ng iba, at mananatili ka sa pinakailalim ng lipunan habambuhay, hindi kailanman makakaangat. Naniwala akong sa pamamagitan ng kaalaman, makukuha mo ang lahat, kaya hindi ako sumuko sa pagkuha ng kaalaman, kahit na may asawa’t anak na ako. Noong nakapagtapos ako sa kolehiyo at bumalik sa pabrika, agad akong naging opisyal, at pagkatapos ay sunud-sunod na na-promote at pinagkatiwalaan ng mahahalagang tungkulin. Hindi nagtagal, lumipat kaming tatlo sa isang malaking apartment, at lahat ng nakakakita sa akin ay tumitingin nang may inggit at kusang bumabati; lubos akong iginagalang ng lahat ng empleyado sa pabrika. Nakuha ko ang kasikatan at pakinabang na gusto ko, at naniwala akong lahat ng ito ay dala ng kaalamang natamo ko sa masikap na pag-aaral at ng diplomang nakuha ko. Kaya, lalo pa akong nakumbinsi na kayang baguhin ng kaalaman ang tadhana ng isang tao, at umasa akong makakakuha ng mataas na degree ang anak ko at magiging matagumpay at sikat sa hinaharap, para hangaan siya ng mga tao at makibahagi rin ako sa karangalan niya. Nang sabihin sa akin ng anak ko na gusto niyang sumali sa militar, hindi ko tinanong kung ano talaga ang nasa isip niya. Sa halip, naniwala lang ako na walang magandang kinabukasan para sa kanya pagkatapos sumali sa militar at hindi siya hahangaan ng iba, kaya pinilit ko siyang pumasok sa unibersidad. Para makapasok sa unibersidad ang anak ko, ipinagbili ko ang apartment na pinaghirapan kong bilhin sa kalahati ng buhay ko. Nang malaman kong hindi binayaran ng anak ko ang matrikula niya sa huling taon at hindi siya makakakuha ng diploma, ganap na gumuho ang mga inaasahan ko, at namuhay ako sa ganap na kawalan ng pag-asa. Gusto ko na lang mamatay. Talagang nabulag ako ng kasikatan at pakinabang. Ang totoo, ang kapalaran ng lahat ay nasa mga kamay ng Diyos, at hindi ito mababago sa pamamagitan lang ng pagkakamit ng kaalaman. Naisip ko ang kapitbahay kong si Section Chief Wang, na hindi gaanong nakapag-aral pero ngayon ay section chief sa Personnel Bureau; sa kabilang banda, isang kaklase kong babae na mas bata sa akin ang nakapasok sa Paking University pero maraming taon na hindi makahanap ng angkop na trabaho pagkatapos ng graduation. Sa panahon ngayon, nagkalat ang mga nagsipagtapos sa unibersidad na walang trabaho, at kahit maraming may postgraduate degree ay hindi makahanap ng pormal na trabaho. Malinaw na mali ang ideyang “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong kapalaran,” at talagang wala itong basehan. Salungat ito sa katotohanan. Bagama’t nananampalataya ako sa Diyos, hindi ko naunawaan ang katotohanan at wala akong abilidad na kumilatis; hindi ko alam na ang kasikatan at pakinabang ay mga paraan ni Satanas para tuksuhin at lamunin ang mga tao. Dahil sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, sa wakas ay natauhan ako, at tahimik akong nanalangin sa Diyos sa puso ko, “Mahal na Diyos, salamat sa Iyong mga salita, na nagbigay-liwanag sa akin at nagbigay-kakayahan sa aking makilatis ang mga kaisipan at ideya ni Satanas. Ayaw ko nang maigapos ng mga kaisipan at ideyang ito. Nawa’y akayin Mo ako na matahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan.”

Nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay magsasabing ang pagkatuto ng kaalaman ay hanggang sa pagbabasa lamang ng mga aklat o pagkatuto ng ilang bagay na hindi pa nila alam upang hindi mahuli sa mga panahon o hindi mapag-iwanan ng mundo. Ang kaalaman ay pinag-aaralan lamang upang makapaglagay sila ng pagkain sa hapag, para sa kanilang sariling kinabukasan, o para matustusan ang pangunahing mga pangangailangan. Mayroon bang kahit sinong tao ang magtitiis ng isang dekada ng puspusang pag-aaral para lamang sa pangunahing mga pangangailangan, para lamang lutasin ang usapin ng pagkain? Wala, walang mga taong ganito. Kaya bakit nagtitiis sa mga paghihirap na ito ang isang tao sa lahat ng mga taon na ito? Ito ay para sa kasikatan at pakinabang. Ang kasikatan at pakinabang ay naghihintay para sa kanila sa di-kalayuan, tumatawag sa kanila, at naniniwala sila na sa pamamagitan ng kanilang sariling sipag, mga paghihirap at pagpupunyagi saka lamang nila masusundan ang daan na magdadala sa kanila sa kasikatan at pakinabang. Ang gayong tao ay dapat pagdusahan ang mga paghihirap na ito para sa kanilang sariling landas sa hinaharap, para sa kanilang kasiyahan sa hinaharap at upang magkamit ng mas magandang buhay(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Ano ang ginagamit ni Satanas upang mapanatili ang tao sa mahigpit nitong kontrol? (Kasikatan at pakinabang.) Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang mga kaisipan ng mga tao, idinudulot sa mga tao na wala nang ibang isipin kundi ang dalawang bagay na ito. Nakikibaka sila para sa kasikatan at pakinabang, dumaranas ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan at nagbubuhat ng mabibigat na pasanin para sa kasikatan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gumagawa sila ng lahat ng paghuhusga o pagpapasya alang-alang sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, naglalagay si Satanas ng mga di-nakikitang kadena sa mga tao, at, nang may mga kadenang ito, wala silang abilidad ni tapang na makaalpas. Nang di-namamalayan, dala nila ang mga kadenang ito sa bawat hakbang ng paglalakad nila, nang may labis na paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumilihis ang sangkatauhan mula sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga kilos ni Satanas, hindi ba lubos na kamuhi-muhi ang masasamang motibo nito? Marahil ay hindi pa rin ninyo nakikilatis ngayon ang masasamang motibo ni Satanas dahil iniisip ninyo na mawawalan ng kabuluhan ang buhay kung walang kasikatan at pakinabang, at iniisip ninyo na kung tatalikuran ng mga tao ang kasikatan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa kanilang harapan, hindi na nila makikita ang kanilang mga layon, at magiging madilim, malabo at mapanglaw ang kanilang hinaharap. Ngunit, unti-unti, balang araw ay mauunawaan ninyong lahat na ang kasikatan at pakinabang ay malalaking kadenang inilalagay ni Satanas sa tao. Pagdating ng araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at ang mga kadenang dinadala sa iyo ni Satanas. Pagdating ng oras na nais mong palayain ang sarili mo mula sa lahat ng bagay na ito na ikinintal sa iyo ni Satanas, ganap kang hihiwalay kay Satanas at talagang kamumuhian mo ang lahat ng naidulot ni Satanas sa iyo. Saka ka lamang magkakaroon ng tunay na pagmamahal at pananabik sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Napakapraktikal ng isinisiwalat ng Diyos sa mga siping ito. Ang dahilan sa likod ng paghahangad ng mga tao sa kaalaman ay para magkamit ng kasikatan at pakinabang. Nagpapakahirap at nagtitiis ang mga tao para sa kasikatan at pakinabang at handa pa nga silang magbayad ng anumang halaga para dito. Nakita kong ginagamit ni Satanas ang kaalaman para tuksuhin ang mga tao, at ginagamit ang kasikatan at pakinabang para kontrolin sila, para gawin silang tiwali nang hindi nila namamalayan. Ganoong-ganoon ako. Naalala ko kung paano ako tinuruan ng tatay ko mula pagkabata na ang pagkabisa ng mas maraming kaalaman ay gagawin akong nakatataas na tao, at maaari kong gamitin na lang ang aking talino sa halip na magpagod. Kung walang kaalaman, puwede lang akong maging isang taong mababa ang uri at gumawa ng mabigat na pisikal na trabaho. Tinuruan din kami ng mga guro na magkaroon ng matatayog na mithiin, at hangarin na mamukod-tangi sa karamihan at magbigay-karangalan sa aming mga ninuno. Bago ko namalayan, tinanggap ko na ang mga kaisipan at ideyang ito. Para makuha ang kasikatan, pakinabang, at katayuan na gusto ko, handa akong magtiis ng anumang hirap at magbayad ng anumang halaga. Hindi ko lang hinangad mismo ang mga bagay na ito, pinilit ko rin ang anak ko na hangarin ang mga ito. Nang hindi makuha ng anak ko ang kanyang diploma, biglang gumuho ang mga pangarap ko, at nakaramdam ako ng napakatinding sakit na gusto ko nang takasan ito sa pamamagitan ng kamatayan. Ang pinakaugat ng lahat ng ito ay dahil kontrolado ako ng mga ideya ng paghahangad ng kasikatan at pakinabang na itinanim sa akin ni Satanas. Hindi lang ito nagdulot ng matinding pasakit sa akin, napinsala rin nito ang isip at katawan ng aking anak. Isinuot sa akin ni Satanas ang mga hindi nakikitang tanikala ng kasikatan at pakinabang, na naging dahilan para palagi akong maghangad ng kasikatan at pakinabang, lumaban, magsumikap, at magpakapagod ng katawan at isipan para sa mga ito. Wala akong abilidad na makawala rito. Nagpasalamat ako sa Diyos para sa pagsasaayos ng ganitong kapaligiran para iligtas ako, na pumilit sa aking lumapit sa Kanya para hanapin ang katotohanan, magkaroon ng kaunting pagkakilala sa mga pamamaraan ni Satanas sa pamiminsala sa mga tao, at mapagtanto na ang paghahangad ng kasikatan at pakinabang ay hindi ang tamang landas sa buhay: Aakayin lang ako nito na ipagkanulo ang Diyos at lumayo sa Kanya. Hindi na ako puwedeng malinlang at maigapos pa ng kasikatan at pakinabang. Kailangan kong manatili nang wasto sa aking posisyon bilang isang nilikha at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos.

Kalaunan, sinabi ko sa isang sister ang tungkol sa kalagayan ko, at naghanap siya ng isang sipi ng mga salita ng Diyos para sa akin: “Una sa lahat, tama ba o mali itong mga hinihingi at mga pamamaraan ng mga magulang sa kanilang mga anak? (Mali ang mga ito.) Kung gayon, sa huli, ano ang ugat ng problema pagdating sa mga pamamaraang ito na ginagamit ng mga magulang sa kanilang mga anak? Hindi ba’t ito ang mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak? (Oo.) Sa loob ng personal na kamalayan ng mga magulang, iniisip, pinaplano, at itinatakda nila ang iba’t ibang bagay tungkol sa kinabukasan ng kanilang mga anak, at bilang resulta, nagkakaroon sila ng mga ganitong ekspektasyon. … Ang mga inaasam ng kanilang mga magulang sa mga anak nila ay ganap na nakabatay sa kung paano tinitingnan ng isang taong nasa hustong gulang ang mga bagay-bagay, pati na rin sa mga pananaw, perspektiba, at mga kagustuhan ng isang taong nasa hustong gulang na tungkol sa mga usapin ng mundo. Hindi ba’t pansariling saloobin lang ito? (Oo.) Kung pagagandahin mo ang pagsasalarawan dito, maaari mong sabihin na pansariling saloobin lang ito, ngunit ano ba talaga ito? Ano ang iba pang pakahulugan dito? Hindi ba’t ito ay pagiging makasarili? Hindi ba’t ito ay pamimilit? (Ganoon na nga.) Gusto mo ang isang partikular na propesyon, gusto mong maging isang opisyal, yumaman, maging tanyag at matagumpay sa lipunan, kaya pinahahangad mo rin sa mga anak mo na maging ganoong uri ng tao at pinapatahak mo sila sa ganoong landas. Pero magugustuhan ba ng mga anak mo na mamuhay sa ganoong kapaligiran at gawin ang ganoong trabaho sa hinaharap? Angkop ba sila roon? Ano ang kanilang tadhana? Ano ang kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos para sa kanila? Alam mo ba ang mga bagay na ito? May ilang taong nagsasabi na: ‘Wala akong pakialam sa mga bagay na iyon, ang mahalaga ay ang mga bagay na gusto ko, bilang kanilang magulang. Mag-aasam ako para sa kanila batay sa sarili kong mga kagustuhan.’ Hindi ba’t masyadong makasarili iyon? (Oo.) Masyadong makasarili ito! Kung pagagandahin ang pagsasalarawan dito, ito ay pansariling saloobin lang, ito ay pagpapasya nang sila lamang, pero ano ba ito, sa realidad? Ito ay sobrang makasarili! Hindi isinasaalang-alang ng mga magulang na ito ang kakayahan o mga talento ng kanilang mga anak, wala silang pakialam sa mga pagsasaayos ng Diyos sa bawat tadhana at buhay ng tao. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga bagay na ito, ipinipilit lang nila sa kanilang mga anak ang sarili nilang mga kagustuhan at plano bunga ng sarili nilang mga inaakala(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). Pagkabasa sa siping ito ng mga salita ng Diyos, bigla akong natauhan. Dati, inakala kong lahat ng ginawa ko ay para sa kapakanan ng kinabukasan at tadhana ng anak ko, at hindi ko ito naunawaan ayon sa aking makasariling kalikasan. Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko na ang intensyon sa likod ng aking mga kilos ay palaging upang bigyang-kasiyahan ang aking pagnanais ng kasikatan, pakinabang, at katayuan. Dahil gusto ko ang kapangyarihan at katayuan, ang karangalan ng pagiging isang opisyal, at ang paghanga ng iba, ipinilit ko ang sarili kong mga kagustuhan at pagnanais sa aking anak. Umasa akong mag-aaral siyang mabuti at mamumukod-tangi sa hinaharap, makakakuha ng mataas na posisyon ng opisyal at magandang sahod, at makikibahagi rin ako sa karangalan niya. Lahat ng ginawa ko ay para sa kapakanan ng sarili kong mga ambisyon at pagnanais, at hindi ko man lang isinaalang-alang ang mga kagustuhan at nais ng anak ko. Nang sabihin niyang ayaw niyang pumasok sa unibersidad at gusto niyang sumali sa militar, ginawa ko ang makakaya ko para makumbinsi siyang huwag gawin iyon, at pinilit ko siyang pumasok sa unibersidad nang labag sa kanyang kalooban. Ang layon ko rito ay para himukin siyang magkaroon ng karera ng isang opisyal at magkamit ng kapangyarihan at katayuan para umangat din ang tingin sa akin ng mga tao. Sa panlabas, lahat ng ginawa ko ay para sa kapakanan ng kinabukasan at tadhana ng anak ko. Ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko para linangin ang anak ko. Pero, sa diwa, lahat ng ito ay para bigyang-kasiyahan ang sarili kong pagnanais para sa katayuan, sa kagustuhan kong matamasa ang respeto at paghanga ng mas maraming tao sa pamamagitan ng anak ko, at matamasa ang mas masaganang materyal na buhay. Sa wakas ay malinaw kong nakita na ang lahat ng ginawa ko ay hindi talaga para sa ikabubuti ng anak ko. Lahat ng iyon ay para bigyang-kasiyahan ang sarili kong mga ambisyon at pagnanais. Labis na makasarili, ubod ng sama, at pangit ang kalikasan ko! Ang totoo, ayaw ng anak ko na magkaroon ng karera sa gobyerno. Minsan niyang sinabi sa akin, “Ma, pabayaan mo na lang ako. Hindi talaga ako bagay na maging opisyal. Kung gusto mong magkaroon ng matatag na posisyon sa gobyerno sa lipunang ito, kailangan ay kaya mong magpainom ng alak, manlibre ng pagkain, mambola, at manlinlang. Kailangan mo rin ng tamang pamilyang pinagmulan at mga koneksyon, at kailangan mong maging malupit at masama. Wala ako ni isa sa mga iyan. Mabuti nang maging isang ordinaryong tao lang.” Nang isipin kong muli ang sinabi ng anak ko, napakamakatotohanan niyon, pero noong panahong iyon, wala akong pakialam sa iniisip niya, at, batay sa sarili kong kagustuhan, pinilit ko siyang pumasok sa unibersidad at tahakin ang landas ng paghahangad ng kasikatan at pakinabang. Naisip ko ang anak ng pinakamatanda kong ate, na deputy director sa Kawanihan ng Industriya at Kalakalan. Minsan niyang sinabi sa akin, “Sa sandaling maging opisyal ka na, hindi mo na kontrolado ang sarili mo. Nagpapakana at nagpaplano ang mga tao laban sa isa’t isa, at hindi mo puwedeng sabihin kaninuman kung ano ang iniisip mo at hindi ka puwedeng masyadong mapalapit sa kanila. Hindi mo alam kung ano ang masasabi mo na makasasama ng loob ng isang tao. Maaaring ayaw mong makasakit ng iba, pero sasaksakin ka pa rin nila sa likod. Kailangan mong mamuhay na laging pinagmamasdan ang ekspresyon ng mga tao. Nakakapagod mabuhay bilang opisyal!” Napagtanto ko rin ang isang bagay—ang pagiging opisyal ay hindi isang magandang bagay. Ang pagiging opisyal ay parang isang malaking tangke ng pangkulay, at kung pumasok ang anak ko roon tulad ng gusto ko, pagkatapos ng isang dekada o higit pa, hindi niya mapipigilan na mamantsahan siya ng lahat ng uri ng masasamang gawi. Magiging tuso siya, mapanlinlang, at mapagpaimbabaw; magsisinungaling siya, mandadaya, maghahangad ng kasikatan at pakinabang, makikipagkumpitensya sa iba, at baka makagawa pa nga ng masasamang bagay. Pagkatapos, hindi na siya makakapamuhay nang normal at payapa. Magdudulot iyon sa kanya ng malaking pinsala at walang katapusang pasakit sa katawan at isip. Ayaw ng anak kong maging opisyal, at gusto lang niyang maging isang ordinaryong tao. Hindi ba’t magandang bagay iyon? Ngayon, may pormal na siyang trabaho, at ang buwanan niyang sahod ay sapat na para sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya. Hindi niya tinututulan ang pananampalataya ko sa Diyos at handang-handa siyang tumulong kapag kailangan ng iglesia ang tulong niya sa mga bagay-bagay. Kapag nakikita kong nakangiti at walang inaalala ang anak ko araw-araw, dapat akong maging masaya para sa kanya.

Pagkatapos ng karanasang ito, lalo kong napagtatanto na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at ang nag-oordena kung anong uri ng trabaho ang ginagawa ng bawat tao at kung ano ang ikinabubuhay nito. Gaya ng sinasabi ng Diyos: “Inorden ng Diyos na maging isang ordinaryong manggagawa ang isang tao, at sa buhay na ito, magagawa lamang niyang kumita ng kaunting sahod para pakainin at bihisan ang kanyang sarili, ngunit iginigiit ng kanyang mga magulang na siya ay maging tanyag, mayaman, mataas na opisyal, pinaplano at isinasaayos ang mga bagay-bagay para sa kanyang kinabukasan bago pa siya umabot sa hustong gulang, binabayaran ang iba’t ibang uri ng halaga, sinusubukang kontrolin ang kanyang buhay at kinabukasan. Hindi ba’t kahangalan iyon? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). Ipinatanto sa akin ng siping ito ng mga salita ng Diyos na hindi lang ako hangal: Ganap at sukdulan ang katangahan ko! Lahat ng pagdurusa na tiniis ko ay bunga ng sarili kong mga gawa. Nang bitiwan ko ang mga inaasahan ko para sa aking anak, tigilan ang pakikipaglaban sa tadhana, tigilan ang pagtahak sa landas ng paghahangad ng kasikatan at pakinabang at paglaban sa Diyos, at bilang isang nilikha ay nagawa ko na tanggapin, harapin, at danasin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos nang may positibo at mapagpasakop na saloobin, nakita ko na napakaganda ng mga pagsasaayos ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 25. Nang Malaman Kong Paaalisin ang Nanay Ko

Sumunod: 33. Ano ang Dapat Hangarin ng mga Tao sa Buhay?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito