69. Sa Panganib, Hindi Ko Na Tinatalikuran Ang Aking Tungkulin

Ni Ye Ping, Tsina

Noong Oktubre 2021, nagsimula akong gampanan ang tungkulin ko bilang isang lider sa Daybreak Church. Noong kinagabihan ng ika-10 ng Disyembre, nakatanggap ako ng liham na nagsasabing ang diyakono ng ebanghelyo na si Yang Hui at ang kanyang pamilya ay inaresto ng pulisya noong hapon ng ika-8. Bigla kong naalala na kinabukasan, nakatakdang makipagkita ang isa sa mga katuwang ko na si Brother Li Zhi kay Yang Hui at sa iba pa. Tinalakay ko ito sa isa ko pang katuwang na si Sister Zhang Xin, at nagpasya kaming agad na ipaalam kay Li Zhi kinabukasan ang tungkol sa pagkakaaresto kay Yang Hui. Noong sumunod na araw, pumunta si Zhang Xin, subalit sa tanghali ng ika-12, hindi pa rin siya nakakabalik. Nakaramdam ako ng pagkabalisa at takot, nag-aalala na baka inaresto na rin si Zhang Xin. Kapag nahuli silang lahat, maraming madadamay na kapatid, at ang mga aklat ng mga salita ng Diyos ng iglesia ay manganganib. Kung hindi kami magmamadaling ilipat ang mga aklat bago maghalughog ang pulisya, magiging malaking kawalan ito at magiging matindi ang aking pagsalangsang. Mas lalo akong natakot nang maisip ko ang mga bagay na ito. Patuloy akong nagdasal sa Diyos sa aking puso, “O Diyos! Napakababa ng aking tayog, at hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang sitwasyong ito. Bigyang-liwanag at gabayan Mo ako, at bigyan Mo ako ng pananalig at lakas ng loob na harapin nang maayos ang kinahinatnang ito.” Pagkatapos magdasal, agad akong sumulat ng liham upang magsaayos ng pagpupulong kasama ang dalawang kapatid para talakayin ang paglilipat ng mga aklat ng mga salita ng Diyos. Noong paalis na ako, nag-aalalang sinabi ng sister na nagpapatira sa akin na, “Hindi ka maaaring umalis! Kung lalabas ka at hindi na babalik, ano na ang mangyayari sa gawain ng iglesia?” Nang makita ko ang takot sa kanyang mukha, lalo akong nag-alala: “Hindi pa sila bumabalik, kaya malamang inaresto sila. Kung lalabas ako, may susunod ba sa akin? Paano kung talagang hindi na ako makabalik?” Sa puso ko, patuloy akong nagdasal sa Diyos at naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang pananampalataya ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit nang mahigpit sa buhay ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang buhay nila ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba. Kung ang tao ay nagkikimkim ng mga mahiyain at matatakuting saloobin, iyon ay dahil naloko siya ni Satanas, natatakot na tatawirin natin ang tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos. Sinusubukan ni Satanas ang lahat ng posibleng paraan para ipadala sa atin ang mga ideya nito. Dapat nating ipanalangin sa Diyos sa bawat sandali na tanglawan at bigyang-liwanag tayo, sumandig sa Diyos sa bawat sandali na linisin ang lason ni Satanas mula sa ating kalooban, magsanay sa ating espiritu sa bawat sandali kung paano mapalapit sa Diyos, at hayaang magkaroon ang Diyos ng kapamahalaan sa ating buong katauhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Ngayon na ang iglesia ay nahaharap sa mga pag-aresto, responsabilidad at agarang tungkulin ko na protektahan ang mga kapatid at ang mga aklat ng mga salita ng Diyos. Ang takot ko na maaresto ay isang kaisipang ipinadala ni Satanas. Kailangan kong iwasang mahulog sa patibong ni Satanas. Kung magtatago ako dahil sa takot na maaresto at hindi ko agad maililipat ang mga aklat ng mga salita ng Diyos, at mapapasakamay ng pulisya ang mga aklat, magkakaroon ako ng pagsalangsang. Isang kahihiyan ang pagkabigong protektahan ang mga interes ng iglesia sa kritikal na sandaling ito. Bagamat delikado ang proseso ng paglilipat, naniniwala ako na makapangyarihan sa lahat ang Diyos, at nasa ilalim ng kontrol ng Diyos ang lahat ng bagay. Itinakda ng Diyos kung maaaresto ba ako; kung hindi ito pahihintulutan ng Diyos, hindi gagalawin ng pulis kahit isang hibla ng buhok ko. Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, nabawasan ang aking takot. Pagkatapos makipagtalakayan kasama ang dalawang sister, agad kaming naghiwalay upang kumilos. Nagtungo ang isa sa amin upang ipaalam sa mga kapatid, at ako, kasama ang isa pang sister, ang nangasiwa sa paglilipat ng mga aklat ng mga salita ng Diyos. Noong ang lahat ng aklat ng mga salita ng Diyos ay ligtas nang nailipat, saka lang ako napanatag.

Kinalaunan, dahil sa pagkakanulo ng isang Hudas, mas marami pang tao sa iglesia ang naaresto, at patuloy na kinumpiska ng mga pulis ang mga aklat ng mga salita ng Diyos. Noong ika-14 ng Enero, 2022, si Yang Hong, na nagpapatuloy sa akin, ay inaresto rin ng mga pulis. Sa kawalan ng maayos na lugar na matutuluyan, naisip kong magmadaling tumakas, iniisip na, “Kung mahuhuli ako ng mga pulis, daranas ako ng matinding pagpapahirap. Kung hindi ko ito kakayanin at ipagkakanulo ko ang Diyos tulad ni Hudas, hindi masusukat ang magiging kahihinatnan.” Sa wakas, nakakita ako ng medyo ligtas na lugar, ngunit hindi nagtagal, ipinagkanulo rin ng isang Hudas ang lugar na ito, kaya kailangan ko na namang lumipat. Sa kawalan ng maayos na lugar na matutuluyan, pakiramdam ko ay wala ni isang lugar ang ligtas para sa amin. Nakaramdam ako ng labis na kawalan ng pag-asa at pagkabalisa, at hindi ko maiwasang magreklamo, “Kailan ba matatapos ang mga araw na ito na ginugugol sa pamumuhay nang laging takot at balisa? Mas mabuti pang arestuhin na lang ako ng pulis at bugbugin hanggang mamatay.” Sa aking matinding paghihirap, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kailangan mong tiisin ang lahat; para sa Akin, kailangan mong maging handang bitawan ang lahat ng pag-aari mo at gawin ang lahat ng iyong magagawa upang sumunod sa Akin, at maging handang magbayad ng anumang halaga. Ngayon ang panahon na susubukin kita: Ihahandog mo ba ang iyong katapatan sa Akin? Makasusunod ka ba sa Akin hanggang sa dulo ng daan nang may katapatan? Huwag matakot; sa suporta Ko, sino ang makakahadlang sa daang ito? Tandaan ito! Huwag kalimutan! Ang lahat ng nagaganap ay sa pamamagitan ng Aking kabutihang-loob, at ang lahat ay nasa ilalim ng Aking pagmamasid. Masusunod mo ba ang Aking salita sa lahat ng sinasabi at ginagawa mo? Kapag ang mga pagsubok ng apoy ay sumapit sa iyo, luluhod ka ba at tatawag? O yuyukod ka ba at hindi na kakayaning sumulong?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na bagamat ang daluyong na ito ng pag-uusig at mga pag-arestong kinakaharap ng iglesia, kasama na ang pagkabunyag sa ilang Hudas at ang kawalan ng mga ligtas na lugar upang magsagawa ng mga tungkulin, ay nagbigay sa amin ng maraming paghihirap, nagawa ng mga paghihirap na ito na maperpekto ang aking pananalig at mabunyag ang aking katiwalian. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay naglalayong subukin ang pananalig ng mga tao sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng pag-uusig, pagdurusa, pagsubok at pagpipino, ibinubunyag kung sino ang tunay na nananampalataya at kung sino ang hindi. Ang mga patuloy na nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nananatiling tapat sa kanilang mga tungkulin sa gitna ng panganib at paghihirap, at naninindigan sa patotoo sa harap ng malaking pulang dragon kahit sila man ay maaresto, ang mga tunay na mananampalataya at tagasunod ng Diyos. Sa kabilang banda, ang mga natatakot, nag-aabandona ng kanilang mga tungkulin, at nagkakanulo sa Diyos upang protektahan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pag-uusig at pagdurusa ang masasamang damo at ang mga hindi mananampalataya na nabubunyag sa pamamagitan ng gawain ng Diyos at sa huli ay ititiwalag sila. Ito ang karunungan ng gawain ng Diyos. Dati, akala ko ay mayroon akong matibay na pananalig at pagtitiwala sa Diyos, ngunit ipinakita ng mga katunayan na wala akong tunay na katapatan at pagpapasakop. Sa ganitong sitwasyon, palagi akong nagtatago at nagpapalipat-lipat, nagrereklamo at tumatangging magpasakop sa tuwing nahaharap ako sa pisikal na paghihirap, at iniisip ko pa ngang hayaan na lang ang mga pulis na hulihin at bugbugin ako hanggang mamatay upang maiwasan ang pamumuhay na laging takot. Nakita ko kung gaano ako naging mapaghimagsik! Nabigo akong magpatotoo sa Diyos sa mahahalagang pagkakataon, at sa halip, nakipagkompromiso ako kay Satanas. Tunay kong binigo ang Diyos! Napagtanto ko rin na, sa harap ng pag-uusig at paghihirap, dapat akong manatiling tapat sa Diyos, at dapat kong tiisin ang anumang paghihirap hanggang sa huli, ito ang nararapat gawin ng mga tunay na mananampalataya. Sa pagkaunawang ito, lumakas ako.

Noong Marso 2022, isang sister na pinalaya ang nagpabatid sa akin na alam ng pulisya na isa akong lider ng iglesia at na ginagamit nila ang Skynet surveillance system upang sundan ako, ipinagyayabang na huhulihin nila ako sa sandaling lumabas ako ng bahay. Ang impormasyong ito ay nagdulot sa akin ng matinding pagkabalisa at takot, at pakiramdam ko ay parang palagi akong nanganganib na mahuli. Naisip ko na, “Kung mahuhuli ako ng mga pulis, tiyak na hindi nila ako basta-basta pakakawalan. Dahil partikular na pinupuntirya nila ang mga lider, tiyak na pupuwersahin nila akong ipagkanulo ang mga kapatid. Kung hindi ko sila ipagkakanulo, tiyak na gagamit ang mga pulis ng matinding pagpapahirap sa akin, maaaring bugbugin nila ako hanggang mamatay ako o kaya ay lumpuhin. Kung bubugbugin ako hanggang mamatay, hindi ba’t magtatapos na ang paglalakbay ko na manampalataya sa Diyos? Hindi ba’t mawawala ang pagkakataon kong maligtas?” Hindi ko na kayang pag-isipan pa ito nang mas malalim. Makalipas ang ilang araw, nakatanggap ako ng liham mula sa isang nakatataas na lider na nag-uutos sa amin ni Sister Chen Li na lumipat sa Morning Star Church. Lihim akong natuwa, iniisip ko na, “Sa wakas, makakaalis na rin ako sa lugar na ito. Masyadong nakakatakot ang sitwasyon dito; mahigit nobentang tao na ang inaresto ng pulisya. Napakamapanganib na manatili rito!” Habang naghihintay na malipat, nakatanggap ako ng isa pang liham mula sa Morning Star Church. Sinabi nila na dalawang lider ng iglesia at dose-dosenang kapatid na ang inaresto, at ilan sa mga aklat ng mga salita ng Diyos ay kinumpiska ng pulisya. Dahil pamilyar si Chen Li sa sitwasyon doon, kinailangan niyang pumunta agad nang gabing iyon upang asikasuhin ang kinahinatnan, na nakaantala sa paglipat ko. Sinabi ni Chen Li na, “Napakapangit ng sitwasyon, at kailangan nating pumunta sa Morning Star Church upang asikasuhin ang kinahinatnan. Kung aalis ka ngayon, ano na ang mangyayari sa gawain ng iglesia nating ito?” Nakaramdam ako ng matinding pagkakasala sa kanyang mga salita. Inilalagay ng mga kapatid sa panganib ang buhay nila upang asikasuhin ang kinahinatnan habang iniisip ko naman ang agarang pag-alis. Bilang isang lider ng iglesia, hindi ko pinoprotektahan ang gawain ng iglesia o isinasaalang-alang ang paghihirap ng mga kapatid sa kritikal na oras na ito, at ang nais ko lamang ay umalis. Paano ako naging napakamakasarili? Nang mapagtanto ko ito, ipinaliwanag ko ang sitwasyon sa nakatataas na lider at ipinahayag ko ang kahandaan kong manatili at mangasiwa sa gawain ng iglesia. Sa sandaling ito, lumapit ako sa Diyos upang magdasal at maghanap, “Ano ba ang layunin ng Diyos sa pagpapahintulot ng ganitong kalagayan? Paano ko dapat pagnilayan at kilalanin ang aking sarili?” Sa oras na iyon, nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag malinaw na alam ng mga tapat sa Diyos na mapanganib ang isang kapaligiran, hinaharap pa rin nila ang panganib ng paggawa sa gawain ng pangangasiwa sa mga naiwang pinsala, at sinisikap nilang panatilihing kakaunti lang ang mga kawalan sa sambahayan ng Diyos bago sila mismo ang umatras. Hindi nila inuuna ang kanilang sariling seguridad. Sabihin mo sa Akin, sa buktot na bansang ito ng malaking pulang dragon, sino ang makatitiyak na walang anumang panganib sa pananampalataya sa Diyos at sa paggawa ng isang tungkulin? Anuman ang tungkuling akuin ng isang tao, may nakapaloob na panganib dito—gayumpaman, ang pagganap sa tungkulin ay iniatas ng Diyos, at habang sinusunod ang Diyos, dapat akuin ng isang tao ang panganib sa paggawa ng kanyang tungkulin. Dapat gumamit ng karunungan ang isang tao, at kailangan niyang gumamit ng mga hakbang para matiyak ang kanyang seguridad, ngunit hindi niya dapat unahin ang pansarili niyang seguridad. Dapat niyang isaalang-alang ang layunin ng Diyos, unahin ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ang pagkumpleto sa atas ng Diyos sa kanila ang pinakamahalaga, at ito ang prayoridad(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga tunay na nananampalataya sa Diyos at tapat sa Kanya, kapag nakikita nila ang malaking pulang dragon na marahas na inaaresto ang mga hinirang ng Diyos, kaya nilang maghimagsik laban sa laman, isantabi ang kanilang sariling kaligtasan, at itaguyod ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Isa itong tao na isinasaalang-alang ang layunin ng Diyos, isang tao na may pagkatao at konsensiya. Ngunit nang makita ko na nangangailangan ng pagtutulungan ang gawain ng iglesia, inisip ko lamang ang sarili kong kaligtasan at kung paano makaalis agad sa lugar na ito, upang hindi ko na kailangang gugulin ang mga araw ko nang palaging nabubuhay sa takot at pagkabahala. Hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia o dinamayan sa paghihirap ang mga kapatid, at ang nais ko lamang ay takasan ang mga responsabilidad ko at magtago tulad ng isang pagong sa kanyang bahay. Napakaduwag ko, at ganap na walang pagkatao! Nang maharap ako sa hirap, pinrotektahan ko ang sarili ko at binalewala ko ang gawain ng iglesia, na nagpapakita ng makasarili at kasuklam-suklam kong kalikasan. Kung hindi ko aayusin ang mga pagkakamali ko, tiyak na mararanasan ko ang pagkamuhi at pagtaboy ng Diyos. Hindi na ako puwedeng sumunod sa laman at magpakaduwag. Gaano man kadelikado ang kapaligiran o gaano man kalaki ang mga paghihirap, kailangan kong magsikap nang todo upang maitaguyod ang gawain ng iglesia. Ito ang katapatan at pagpapasakop na dapat taglayin ng isang nilikha, at ito ay patotoo ng pagtatagumpay laban kay Satanas. Handa akong manatili at magtrabaho kasama ng mga kapatid upang asikasuhin ang kinahinatnan.

Kalaunan, binasahan ako ng mga kapatid ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, na tinatalakay ang kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ginagawa ng mga anticristo ang kanilang makakaya para protektahan ang kanilang seguridad. Ang iniisip nila ay: ‘Dapat ko talagang tiyakin ang seguridad ko. Sinuman ang mahuli, hindi dapat ako iyon.’ … Kung ligtas ang isang lugar, pipiliin ng mga anticristo ang lugar na iyon upang doon sila gumawa, at, tunay nga, magmumukha silang napakasipag at positibo, ibinibida nila ang kanilang matinding ‘pagiging responsable’ at ‘katapatan.’ Kung may gawain na talagang delikado at malamang na mahaharap sa isang insidente, na matutuklasan ng malaking pulang dragon ang gumagawa ng gawaing ito, nagdadahilan sila at tinatanggihan ito, at naghahanap ng pagkakataong matakasan iyon. Sa sandaling magkaroon ng panganib, o sa sandaling may tanda ng panganib, nag-iisip sila ng mga paraan para makaalis at inaabandona nila ang kanilang tungkulin, nang walang malasakit sa mga kapatid. Ang tanging iniisip nila ay makalayo sila sa panganib. Maaaring sa puso nila ay handa sila: Sa sandaling lumitaw ang panganib, iniiwanan nila kaagad ang kanilang gawain, nang walang pakialam kung ano ang mangyayari sa gawain ng iglesia, o kung ano ang mawawala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o sa seguridad ng mga kapatid. Ang mahalaga sa kanila ay makatakas. … Ayaw ng mga taong ito na makaranas ng pang-uusig dahil sa pananampalataya sa Diyos; takot silang maaresto, mapahirapan, at mahatulan. Ang totoo ay matagal na silang sumuko kay Satanas sa puso nila. Takot na takot sila sa kapangyarihan ng satanikong rehimen, at mas takot na maranasan ang mga bagay na tulad ng pagpapahirap at marahas na interogasyon. Para sa mga anticristo, samakatwid, kung maayos ang lahat, at walang anumang peligro o isyu sa kanilang seguridad, at hindi posibleng magkaroon ng panganib, maaaring ialay nila ang kanilang kasigasigan at ‘katapatan,’ at maging ang kanilang mga ari-arian. Ngunit kung masama ang sitwasyon at maaari silang arestuhin anumang oras dahil sa pananampalataya sa Diyos at paggawa ng kanilang tungkulin, at kung maaari silang mapatalsik sa kanilang opisyal na posisyon o maabandona ng mga kamag-anak at kaibigan dahil sa kanilang pananampalataya sa Diyos, lalo silang nag-iingat, hindi sila mangangaral ng ebanghelyo at magpapatotoo sa Diyos, ni hindi nila gagampanan ang kanilang tungkulin. Kapag may kaunting tanda ng problema, umuurong sila na parang isang pagong na nagtatago sa talukab nito; kapag may kaunting tanda ng problema, agad nilang ninanais na ibalik sa iglesia ang kanilang mga aklat ng mga salita ng Diyos at anumang may kaugnayan sa pananampalataya sa Diyos, upang sila ay manatiling ligtas at hindi mapahamak. Hindi ba’t mapanganib sila? Kung maaresto, hindi ba sila magiging Hudas? Ang mga anticristo ay masyadong mapanganib na maaari siyang maging Hudas anumang oras; laging may posibilidad na ipagkakanulo nila ang Diyos. Bukod pa riyan, makasarili sila at lubhang kasuklam-suklam. Natutukoy ito sa kalikasang diwa ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Isinisiwalat ng Diyos na nais talikuran ng mga anticristo ang kanilang mga tungkulin kapag nahaharap sa panganib, upang protektahan ang kanilang mga sarili. Binabalewala nila ang gawain ng iglesia at iniisip lamang kung paano sila makakalabas nang buhay. Makasarili at kasuklam-suklam ang ganitong mga tao. Napagtanto ko na ang pag-uugali ko ay kahalintulad ng sa isang anticristo. Noong walang panganib, nagawa ko nang maagap ang mga tungkulin ko. Subalit nang maraming lider at manggagawa ang inaresto, na ang ilan ay naging Hudas, at ipinagkanulo rin ako, napanghinaan ako ng loob at natakot, ninanais na lisanin ang mapanganib na lugar na ito sa lalong madaling panahon. Nakita ko na napakamakasarili at kasuklam-suklam ko, palaging isinasaalang-alang ang mga sarili kong pisikal na interes, at hindi ko naisip na makipagtulungan sa mga kapatid bilang isa na mag-aasikaso sa kahihinatnan at babawas sa mga kawalan. Sa mga tungkulin ko, wala akong ganap na katapatan at ipinakita ko ang makasarili at kasuklam-suklam na disposisyon ng isang anticristo. Kung wala ang pagsisiwalat ng mga salita ng Diyos, hindi ko malalaman na disposisyon ito ng isang anticristo.

Kalaunan, nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, na nakapagbigay linaw sa puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga ganitong tao ay sadyang mahina ang loob, at talagang hindi natin sila maaaring bansagan na mga anticristo batay lang sa pagpapamalas na ito, pero ano ang kalikasan ng pagpapamalas na ito? Ang diwa ng pagpapamalas na ito ay katulad ng sa isang hindi mananampalataya. Hindi sila naniniwala na kayang protektahan ng Diyos ang seguridad ng mga tao, at lalong hindi sila naniniwala na ang pag-aalay ng sarili sa paggugol para sa Diyos ay isang paglalaan ng sarili sa katotohanan, at na isa itong bagay na sinasang-ayunan ng Diyos. Wala silang takot sa Diyos sa kanilang puso; kay Satanas lang sila natatakot at sa mga buktot na partidong pampulitika. Hindi sila naniniwala sa pag-iral ng Diyos, hindi sila naniniwala na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at lalong hindi sila naniniwala na sasang-ayunan ng Diyos ang isang taong gumugugol ng lahat para sa Kanya, at alang-alang sa pagsunod sa Kanyang daan, at pagkumpleto sa Kanyang atas. Hindi nila nakikita ang alinman dito. Ano ang pinaniniwalaan nila? Naniniwala sila na kung mahuhulog sila sa mga kamay ng malaking pulang dragon, mapapahamak ang sarili nila, maaaring masentensiyahan sila o manganib na mawalan ng buhay. Sa puso nila, isinasaalang-alang lang nila ang kanilang sariling seguridad at hindi ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t mga hindi mananampalataya ang mga ito?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos ang tunay kong kalagayan. Palagi kong ipinapahayag na nananampalataya ako sa Makapangyarihang Diyos, ngunit nang maharap ako sa mga pag-aresto ng CCP, hindi ako tunay na nanampalataya na nasa mga kamay ng Diyos ang lahat, lalong hindi ako nanampalataya sa natatanging awtoridad ng Diyos. Nang malaman ko na ipinagkanulo ako ng isang Hudas at pinaghahanap ako ng mga pulis, natakot akong mahuli, malumpo o mabugbog hanggang mamatay, at nakaramdam pa nga ako ng pagnanais na ipagkanulo ang Diyos. Sa pagkabunyag ng mga katunayan, nakita ko kung gaano talaga ako kahina at kaduwag, at na wala akong anumang pagkaunawa sa awtoridad ng Diyos. Kumilos ako na para bang nasa mga kamay ni Satanas ang buhay ko. Labis akong natakot sa malawakang pag-aresto ng CCP na tuluyan akong nawalan ng lakas ng loob. Napakadesperado ko! Ang totoo, kahit anong paraan o makabagong teknolohiya ang gamitin ng CCP para subaybayan o hulihin ako, kung walang pahintulot ng Diyos, hindi magtatagumpay ang kanilang mga pakana. Naalala ko isang araw noong 2021, noong bibisita sana ako sa bahay ng isang sister para sa isang pagpupulong. Noong paakyat na ako sa hagdan, naalala ko ang isang agarang usapin sa iglesia at nagpasya akong hindi na umakyat. Kinabukasan, nalaman kong sinalakay ng mga pulis ang kanyang bahay sa mismong oras na iyon. Kung wala ang proteksyon ng Diyos, napasakamay na ako ng pulisya. Gayundin, kahit na ipinagkanulo na ako ng mga Hudas at alam ng CCP na isa akong lider ng iglesia at gumagamit sila ng makabagong teknolohiyang pansubaybay upang sundan ako, alam ko na kung walang pahintulot ng Diyos, anumang paraan ang subukan ng malaking pulang dragon upang hulihin ako, magiging walang saysay ang mga pagsisikap nito. Kung papahintulutan ng Diyos, hindi ako makakatakas kahit na subukan ko pa. Ang buhay at kamatayan ko ay nasa Kanyang mga kamay, at wala kay Satanas. Nang maharap ako sa panganib, ang pagnanais kong makatakas ay nag-ugat sa labis kong takot sa kamatayan at pagiging sakim na mabuhay. Itinuturing kong pinakamahalaga ang buhay ko, iniisip ko na kapag nawalan ako ng buhay, hindi na ako makapaghahangad ng kaligtasan at mawawalan na ako ng magandang kalalabasan at destinasyon. Kaya nang dumating ang panganib, palagi kong nais protektahan ang buhay ko. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang nakasusumpong ng kanyang buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa Akin ay makasusumpong niyaon(Mateo 10:39). Sa buong kasaysayan, ang mga disipulo at apostol ng Panginoon, habang nagpapalaganap ng ebanghelyo, ay binato hanggang mamatay at pinakaladkad sa mga kabayo hanggang sa magkaputol-putol sila. Bagamat namatay ang kanilang mga katawan, nagpatotoo sila sa Diyos sa harap ni Satanas, na pag-usig dahil sa pagiging matuwid at na ginugunita ng Diyos. Sa kabilang banda, ang mga tao na kapag nahaharap sa panganib ay nagkakanulo sa Diyos, nagiging mga Hudas, o tumatalikod sa kanilang mga tungkulin dahil sa kasakiman na mabuhay, ay maaaring tila buhay sa laman, ngunit nawala na ang kanilang patotoo sa harap ng Diyos, at hindi sila pinupuri ng Diyos. Maswerte akong makatanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, isa itong malaking biyaya. Kung pahihintulutan ng Diyos na mahuli ako, dapat akong magpatotoo sa Diyos sa harap ni Satanas nang walang anumang personal na pagpapasya, nang alam na kahit mahuli o mamatay pa ako, magiging makabuluhan at may halaga ito. Kalaunan, maraming miyembro ng iglesia ang ipinagkanulo ng mga Hudas, at nagambala ang mga normal na pagtitipon at tungkulin. Namuhay sa takot ang mga kapatid. Sa harap ng ganitong sitwasyon, mahina rin ako at madalas na nagdadasal sa Diyos, humihiling ng pananalig at lakas ng loob. Napagpasyahan kong anuman ang mga paghihirap, aasa ako sa Kanya upang asikasuhin ang mga kahihinatnan. Isang iglesia ang agarang nangailangan ng mga bagong lider, at kinailangan kong pumunta roon at mag-organisa ng isang halalan. Bagamat may mga alalahanin ako, lalo na tungkol sa posibilidad na masundan ako ng mga pulis sa pamamagitan ng Skynet surveillance system, at napanghihinaan ako ng loob at natatakot, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit na ang isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na galawin man lamang ang mga langgam sa lupa, lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Pinalakas ng mga salita ng Diyos ang pananalig ko. Si Satanas ay isa lamang gamit-panserbisyo sa mga kamay ng Diyos, isang hambingan, at wala akong dapat na ikatakot. Kailangan kong magdasal at magtiwala sa Diyos, ilagay ang sarili ko sa Kanyang mga kamay, at tuparin ang mga tungkulin ko. Pagkatapos, nagtiwala ako sa Diyos sa pag-oorganisa ng halalan para sa lider ng iglesia, at sa pagsasagawa nang ganito, nakaramdam ako ng kapayapaan at katatagan sa aking puso.

Sa karanasang ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa makasarili at kasuklam-suklam na tiwaling disposisyon ko, ng isang mas tunay na pagkaunawa sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at pagkakilala sa diwa ng CCP sa paglaban sa Diyos. Ito ay mga kabatiran na hindi ko makakamtan sa isang komportableng kapaligiran.

Sinundan: 68. Paano Dapat Tratuhin ang Kabutihan ng Magulang

Sumunod: 70. Paano Ko Isinantabi ang Naramdaman Kong Poot

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito