70. Paano Ko Isinantabi ang Naramdaman Kong Poot

Ni Li Jia, Tsina

Si Li Xin ang katuwang ko sa pangangasiwa sa tekstuwal na gawain, pero kalaunan, pinalitan siya dahil hindi siya makagawa ng praktikal na gawain. Hindi niya matanggap na pinalitan siya at patuloy siyang nakikipag-agawan para sa katayuan at nakikipagkumpitensya sa akin. Masasabi ko na masama ang saloobin ni Li Xin sa akin—hindi niya ako pinapansin kapag kinakausap ko siya at hindi siya maagap sa pakikipagtalakayan tungkol sa gawain, na nagdulot ng mga pagkaantala sa pag-usad ng ilang proyekto. Kinukutya din niya ang mga kakulangan sa gawain ko, ipinagyayabang niya sa akin kung paano siya magtrabaho noon, at tinutukoy niya ang katiwalian ko nang may mga mapanirang komento. Medyo napigilan ako at patuloy akong naniwala na masyado akong nag-aalala sa reputasyon ko. Inisip ko na hindi ako gaanong mahusay na manggagawa kumpara sa kanya at na hindi ako angkop na maglingkod bilang isang lider ng grupo. Medyo naging negatibo ako, at inisip ko pa nga na magbitiw at hayaan na si Li Xin ang pumalit. Kalaunan, saka lang medyo bumuti ang kalagayan ko nang makipagbahaginan at tumulong sa akin ang aking lider, pero pakiramdam ko ay napipigilan pa rin ako kapag nakakatrabaho ko si Li Xin. Nang maglaon, nang malaman ng lider ko na si Li Xin ay may pagka-sutil, madalas na nakikipagkumpetensiya para sa katayuan at inaatake at binubukod ang iba, sinuri at inilantad niya ang mga isyu ni Li Xin. Noong una, nagawa kong tratuhin si Li Xin nang tama, at buong pagmamahal ko rin siyang tinulungan at ginabayan na magnilay-nilay sa kanyang mga isyu, pero kalaunan, nang makita ko ang isinulat niya sa kanyang pagninilay-nilay, tuluyan na akong nawalan ng pasensiya. Isinulat niya na bukod sa inatake at ibinukod niya ako nang harapan, binatikos niya rin ako kasama ang iba pang miyembro at ang lider habang nakatalikod ako. Nagdalamhati ako at sumama ang loob ko nang husto, at napaisip ako kung paano niya ako nagawang tratuhin nang ganoon. Hindi ba’t sinisira niya ang reputasyon ko habang nakatalikod ako? Hindi ko matanggap na tatratuhin niya ako nang ganoon matapos ng mapagmahal kong pagbabahagi at pagtulong sa kanya noong negatibo at mahina siya. Naisip ko na napakahangal ko para pagtiyagaan at pagpasensiyahan siya, at sarili ko lang ang pinagnilayan ko at nagsimula akong mamuhi nang kaunti kay Li Xin. Bakit palagi akong nagpapatawad sa iba? Hindi ba’t nagmukha akong isang taong madaling lokohin at walang silbi? Sa pagkakataong ito, hindi ko siya basta-basta mapapatawad, kailangan kong ipakita sa kanya na kaya kong maging matigas at hindi ako dapat maliitin.

Labis akong nanlumo sa dalawang araw na iyon, at nabalot ako ng galit at poot. Minsan, kapag sinusubukan akong kausapin ni Li Xin tungkol sa gawain, gusto ko siyang makausap nang normal tulad ng dati, subalit pumapasok lahat sa isipan ko ang mga alaala ng nangyari noon, at mas lalo akong nagkakaroon ng matibay na paniniwala: “Hindi ako maaaring basta-bastang makipagkompromiso sa kanya, kailangan kong maging matigas. ‘Ang mabait na tao ay inaapi, gaya ng maamong kabayo na sinasakyan.’ Hindi ako pwedeng magmukhang sobrang mabait at maging magiliw sa kanya. Sobrang pangit ng pagtrato niya sa akin noon, kaya bakit hindi ko pwedeng ipadama sa kanya ang kaunting kirot?” Pagkatapos niyon, kapag kinakausap ako ni Li Xin, normal akong sumasagot, pero malamig at masungit ang ekspresyon ko, at iniiwasan ko ring tingnan siya sa mga mata. Noong mga panahong iyon, masyado akong hindi mapalagay, at gusto ko lang mapag-isa nang mapayapa at tahimik. Sinubukan kong huwag isipin ito, pero hindi ko talaga maiwaksi sa isip ko ang mga bagay na iyon. Nang maglaon, pinigilan ko ang mga negatibong emosyong iyon at nakausap ko si Li Xin nang normal tungkol sa gawain, pero talagang nabagabag pa rin ako. Palagi kong gustong ilabas ang aking pagkadismaya, galit at poot kay Li Xin. Matindi ang pasakit at sama ng loob ko at hindi ko alam kung paano itama ang kalagayan ko. Ang tanging nagagawa ko ay iharap sa Diyos ang mga iniisip ko sa aking kaloob-looban, Nagdarasal ako sa kanya, nang paulit-ulit: “O Diyos, pagkatapos ng ginawa ni Li Xin sa akin, galit na galit ako. May nararamdaman akong poot sa kanya at gusto ko pa ngang maghiganti. O Diyos, ayaw kong mamuhay ayon sa aking tiwaling disposisyon, at gusto kong makipag-ugnayan nang normal kay Li Xin, pero hindi ko talaga kaya, masyadong maliit ang tayog ko. Pakiusap, tulungan at gabayan Mo po ako.”

Kalaunan, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kung may nanakit sa iyo dati, at ganoon mo rin siya tinatrato, naaayon ba ito sa mga katotohanang prinsipyo? Kung, dahil sa sinaktan ka niya—sinaktan ka nang husto—ay sinubukan mo sa patas o maruming paraan na gantihan at parusahan siya, ayon sa mga hindi mananampalataya, ito ay makatarungan at makatwiran, at walang maipipintas dito; ngunit anong uri ng paraan ng pagkilos ito? Ito ay pagkamainitin ng ulo. Sinaktan ka niya, kung saan ang paraan ng pagkilos na ito ay pagpapamalas ng tiwaling satanikong kalikasan, ngunit kung gaganti ka sa kanya, hindi ba’t katulad ng sa kanya ang iyong paraan ng pagkilos? Ang mentalidad, pinagsisimulan, at pinagmumulan ng iyong paghihiganti ay pareho ng sa kanya; walang ipinagkaiba. Kaya, ang katangian ng iyong mga kilos ay tiyak na mainitin ang ulo, natural, at sataniko. Sapagkat ito ay sataniko at mainitin ang ulo, hindi ba’t dapat mong baguhin ang pagkilos mong ito? Dapat bang magbago ang pinagmulan, intensiyon, at motibasyon sa likod ng iyong mga kilos? (Oo.) Paano mo babaguhin ang mga ito? Kung maliit na bagay ang nangyayari sa iyo, kahit na hindi ka komportable rito, kapag hindi ito nakakaapekto sa iyong sariling mga interes, o nakakapanakit sa iyo nang husto, o nagsasanhi sa iyo na kamuhian ito, o inuudyukan kang itaya ang buhay mo para gumanti, kung gayon, maaari mong isuko ang iyong poot nang hindi umaasa sa pagkamainitin ng ulo; sa halip, maaari kang umasa sa iyong katwiran at pagkatao para mapangasiwaan nang tama at mahinahon ang bagay na ito. Maaari mong prangka at taimtim na ipaliwanag ang bagay na ito sa taong iyon, at lutasin ang iyong poot. Pero kung masyadong malalim ang poot na ito, kung kaya’t umabot ka sa punto na gusto mong gumanti at nakararamdam ka ng mapait na poot, makakayanan mo pa bang magtimpi? Kapag nagagawa mong hindi umasa sa pagkamainitin ng ulo, at mahinahon mong masasabi na, ‘Dapat maging makatwiran ako. Dapat akong mamuhay ayon sa aking konsiyensiya at katwiran, at mamuhay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi ko pwedeng tugunan ang kasamaan ng kasamaan, kailangan kong manindigan sa aking patotoo at ipahiya si Satanas,’ hindi ba’t ibang kalagayan ito? (Iba nga.) Anong mga uri ng kalagayan ang mayroon kayo noon? Kung may ibang taong nagnakaw ng isang bagay na pag-aari mo, o kumain ng pagkain mo, hindi ito katumbas ng isang malaking, matinding poot, kaya hindi mo iisipin na kailangang makipagtalo sa kanya hanggang sa mamula ang mukha mo dahil sa isyung ito—hindi mo ito dapat pagtuunan ng pansin, at hindi karapat-dapat pag-aksayahan ng oras. Sa ganitong uri ng sitwasyon, mapapangasiwaan mo ang usapin nang makatwiran. Ang kakayahang pangasiwaan ang bagay nang makatwiran ay katumbas ba ng pagsasagawa sa katotohanan? Katumbas ba ito ng pagkakaroon ng katotohanang realidad sa usaping ito? Talagang hindi. Ang pagkamakatwiran at pagsasagawa sa katotohanan ay dalawang magkahiwalay na bagay. Kung makatatagpo ka ng isang bagay na talagang ikinagagalit mo, ngunit nagagawa mong harapin ito nang makatwiran at mahinahon, nang hindi hinahayaang lumabas ang init ng ulo o katiwalian mo—hinihingi nito na maunawaan mo ang mga katotohanang prinsipyo at umasa sa karunungan para harapin ito. Sa gayong sitwasyon, kung hindi ka mananalangin sa Diyos o maghahanap sa katotohanan, madaling lilitaw sa iyo ang pagkamainitin ng ulo—maging ang karahasan. Kung hindi mo hahanapin ang katotohanan, gagamitin lamang ang mga pamamaraan ng tao, at haharapin ang isyu ayon sa sarili mong mga kagustuhan, hindi mo ito malulutas sa pamamagitan ng pangangaral ng kaunting doktrina o pag-upo at paglalantad sa puso mo. Hindi iyon ganoon kasimple(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, nagsimula akong makonsensya. Dahil inakala kong sinira ni Li Xin ang aking reputasyon sa pamamagitan ng pagpuna sa akin sa harap ng iba, ginusto kong maghiganti sa kanya at pahirapan siya. May pagkakaiba pa ba ang mga kilos ko sa kanya? Hindi ba’t hinahayaan ko lang na ang aking mga emosyon at tiwaling disposisyon ang magdikta sa aking mga kilos? Hindi ba’t si Satanas ang ugat ng lahat ng ito? Hindi ko isinasagawa ang katotohanan! Palagi kong itinuturing ang sarili ko bilang napakabait at bukas na tao at karaniwang hindi makitid ang isip ko at hindi rin ako nangmamanipula ng mga tao. Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, saka ko lang napagtanto na hindi ito ang tunay kong tayog. Hindi lang makitid ang isip ko sa mga bagay na walang kinalaman sa akin. Sa tingin ko, hindi kinakailangang masyadong mag-alala sa mga maliit at di-mahalagang bagay. Kung masyado akong mababaw, tila wala akong dangal at makitid ang isip ko, nagawa kong harapin ang mga isyung ito nang makatwiran At magmukha akong mapagparaya at mapagpatawad. Noong una, noong may masamang saloobin si Li Xin akin, nagawa ko siyang harapin nang tama at naintindihan ko ang sitwasyon niya. Pakiramdam ko ay normal lang na magpakita siya ng katiwalian at umakto ako bilang mapagpatawad. Ngunit nang mabalitaan ko na pinupuna ako ni Li Xin sa harap ng iba pang miyembro ng pangkat at sa harap ng lider, itinuring ko ito bilang isang malaking paghamak sa aking dignidad; hindi ko na talaga ito makayanan at nabalot ako ng galit at poot. Nakita ko na hindi ako tunay na mapagpasensya at mapagparaya. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kung makatatagpo ka ng isang bagay na talagang ikinagagalit mo, ngunit nagagawa mong harapin ito nang makatwiran at mahinahon, nang hindi hinahayaang lumabas ang init ng ulo o katiwalian mo—hinihingi nito na maunawaan mo ang mga prinsipyo ng katotohanan at umasa sa karunungan para harapin ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago). Naisip ko: “Anong mga katotohanan ang dapat kong maunawaan para alisin itong nararamdaman kong poot?”

Sa aking paghahanap, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pag-atake at paghihiganti ay isang uri ng pagkilos at pagpapamalas na nagmumula sa mapaminsala at satanikong kalikasan. Isa rin itong uri ng tiwaling disposisyon. Ganito mag-isip ang mga tao: ‘Kung hindi ka mabait sa akin, gagawan kita ng masama! Kung hindi mo ako pakikitunguhan nang may dignidad, bakit kita pakikitunguhan nang may dignidad?’ Anong klaseng pag-iisip ito? Hindi ba’t isa itong mapaghiganting klase ng pag-iisip? Sa pananaw ng isang karaniwang tao, hindi ba’t tama ang ganitong perspektiba? Hindi ba’t makatwiran ito? ‘Hindi ako aatake maliban na lang kung inatake ako; kung inatake ako, tiyak na gaganti ako ng atake,’ at ‘Ito ang karma mo’—madalas na sabihin ng mga hindi mananampalataya ang gayong mga bagay; sa kanila, ang lahat ng ito ay mga pangangatwirang tama at lubos na umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Subalit paano nga ba dapat tingnan ng mga naniniwala sa Diyos at ng mga naghahangad sa katotohanan ang mga salitang ito? Tama ba ang mga ideyang ito? (Hindi.) Bakit hindi tama ang mga ito? Paano ba dapat kilatisin ang mga ito? Saan ba nanggagaling ang mga bagay na ito? (Mula kay Satanas.) Walang pagdududang nanggagaling ang mga ito kay Satanas. Sa aling mga disposisyon ni Satanas nagmumula ang mga ito? Nagmumula ang mga ito sa malisyosong kalikasan ni Satanas; nagtataglay ang mga ito ng lason, at tinataglay ng mga ito ang totoong mukha ni Satanas na puno ng pagkamalisyoso at kapangitan. Naglalaman ang mga ito ng ganitong uri ng kalikasang diwa. Ano ang katangian ng mga perspektiba, kaisipan, pagpapamalas, pananalita, at pati na rin ng mga kilos na naglalaman ng ganoong uri ng kalikasang diwa? Walang duda na ito ang tiwaling disposisyon ng tao—ito ang disposisyon ni Satanas. Nakaayon ba sa mga salita ng Diyos ang mga satanikong bagay na ito? Umaayon ba ang mga ito sa katotohanan? May batayan ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? (Wala.) Ang mga ito ba ang mga pagkilos na dapat gawin ng mga sumusunod sa Diyos, at mga saloobin at pananaw na dapat nilang taglayin? Ang mga kaisipan at paraan ng pagkilos na ito ay naaayon ba sa katotohanan? (Hindi.) Yamang hindi naaayon sa katotohanan ang mga bagay na ito, naaayon ba ang mga ito sa konsiyensiya at katwiran ng normal na pagkatao? (Hindi.) Ngayon ay malinaw mong makikita na ang mga bagay na ito ay hindi naaayon sa katotohanan o sa normal na pagkatao. Inakala ba ninyo dati na ang mga paraan ng pagkilos at pag-iisip na ito ay angkop, presentable, at may katwiran? (Oo.) Pinangingibabawan ng mga satanikong kaisipan at teoryang ito ang puso ng mga tao, pinangungunahan ang kanilang mga pag-iisip, pananaw, asal, at mga paraan ng pagkilos, gayundin ang kanilang iba’t ibang kalagayan; kaya, kaya bang maunawaan ng mga tao ang katotohanan? Talagang hindi. Sa kabaligtaran—hindi ba’t isinasagawa at pinanghahawakan ng mga tao ang mga bagay na sa tingin nila ay tama na para bang ang mga ito ang katotohanan? Kung ang mga bagay na ito ang katotohanan, bakit hindi nalulutas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito ang iyong mga praktikal na problema? Bakit hindi nagbubunga ng tunay na pagbabago sa iyo ang pagsunod sa mga ito, sa kabila ng iyong pananampalataya sa Diyos nang matagal? Bakit hindi mo magamit ang mga salita ng Diyos para makilatis ang mga pilosopiyang ito na galing kay Satanas? Pinanghahawakan mo pa rin ba ang mga satanikong pilosopiyang ito na parang ang mga ito ang katotohanan? Kung tunay kang may pagkilatis, hindi ba’t natuklasan na ang ugat ng mga problema? Dahil ang pinanghahawakan mo ay talagang hindi ang katotohanan—sa halip, ito ay mga satanikong maling paniniwala at pilosopiya—naroon ang problema. Lahat kayo ay dapat na sundin ang landas na ito upang siyasatin at suriing mabuti ang inyong mga sarili; tingnan kung aling mga bagay sa loob ninyo ang sa tingin ninyo ay may katwiran, na naaayon sa sentido komun at makamundong karunungan, na sa tingin ninyo ay maipepresenta ninyo—ang mga maling pag-iisip, pananaw, paraan ng pagkilos, at pundasyon na itinuring na ninyong katotohanan sa puso ninyo, na sa tingin ninyo ay hindi mga tiwaling disposisyon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na nagpapakita ako ng isang malupit at masamang disposisyon. Naisip ko na talagang sobra-sobra ang pagpuna ni Li Xin sa akin sa harap ng iba at ang pagsira niya sa aking reputasyon at katayuan. Gaya ng kasabihan, “Ang mabait na tao ay inaapi, gaya ng maamong kabayo na sinasakyan.” Kung palalampasin ko lang ito, tiyak na sasabihin ng iba na wala akong kuwenta at talagang madaling lokohin, iisipin nila na pwede nila akong tratuhin kahit paano nila gusto. Hindi ko pwedeng hayaan nalang na hindi ito matugunan, at gusto kong maghiganti at balewalain si Li Xin. Naisip ko rin: Si Li Xin ang unang nagmaltrato sa akin. Kaya, angkop lang anuman ang maging pagtugon ko. Kahit papaano, kailangan kong iparamdam sa kanya kung paano masaktan para mailabas ko nang kaunti ang pagkadismaya at panlulumo ko. Gaya nga ng sabi nila, “Mata para sa mata, ngipin para sa ngipin” at “Kung malupit ka, huwag mo akong sisihin sa hindi pagiging patas.” Sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang aking mga kaisipan at pananaw ay nagmula lahat sa pagkamainitin ng ulo, satanikong pilosopiya at sa aking tiwaling disposisyon. Ginusto kong atakihin at gantihan ang sinumang nanakit sa akin o nagpasama ng loob ko. Kung masama ang loob ko, pasasamain ko rin ang loob ng umatake sa akin. Napagtanto ko na napakalupit at napakasama ko. Nang hayaan kong diktahan ng aking tiwaling disposisyon ang buhay ko, isinaalang-alang ko lang kung paano ako magiging masaya at kontento, at kung paano protektahan ang aking mga interes. Hindi ako nagdalawang-isip kung naaayon ba ang mga kilos ko sa katotohanan, o kung makakasira ang mga ito kay Li Xin. Naging sobra akong makasarili at makitid ang isip. Nagawang pagnilayan at kilalanin ni Li Xin ang kanyang sarili, nagkaroon siya ng lakas ng loob na ilantad ang kanyang katiwalian. Nagpapakita siya ng pagnanais na isagawa ang katotohanan at magsisi. Dapat sana ay tinrato ko siya nang tama at isinantabi ang aking mga pagkiling. Subalit bukod sa hindi ko siya hinikayat, pinagtuunan ko rin ng pansin ang kanyang katiwalian at hinangad na gantihan siya dahil dito. Hindi ba’t hindi ako naging mapagpatawad sa kabila ng pagiging tama? Nang mapagtanto ito, pakiramdam ko ay napakasama ng pagkatao ko. Nabalot ako ng poot, at sa kabila ng pagsunod sa aking pagnanais na maghiganti, hindi naging masaya o payapa ang pakiramdam ko. Sa totoo lang, mas sumama ang naramdaman ko, nakonsensya ako at pakiramdam ko ay nagkasala ako. Naranasan ko mismo kung paanong humahantong sa personal na pagdurusa at mga pinsala sa mga nasa paligid mo ang pamumuhay ayon sa isang tiwaling disposisyon. Hindi ako dapat kumilos nang ganoon. Napagtanto ko rin na ang mga pananaw ko ay pareho lang ng sa mga hindi mananampalataya. Akala ko mapoprotektahan ko lang ang sarili ko sa pagtugon sa kasamaan ng kasamaan. Sa sekular na mundo, ang matatapat na tao ay maaaring madalas maapi, at ang tanging magagawa nila ay isantabi ang kanilang pride at makipagkompromiso. Gayunpaman, sa sambahayan ng Diyos, walang pang-aapi o inaapi. Anuman ang mangyari sa atin o kung paano man tayo tratuhin ng iba, lahat ng ito ay may pahintulot ng Diyos, at dapat tayong maghanap ng mga paraan para matuto mula sa mga bagay na ito at maisagawa ang katotohanan. Dapat kong tanggapin ito mula sa Diyos at tratuhin si Li Xin nang tama ayon sa mga salita ng Diyos.

Kinabukasan, masama pa rin ang loob ko nang maisip ko ang isyung ito at hindi ako sigurado kung paano makikihalubilo kay Li Xin, kaya nagdasal ako sa Diyos: “O Diyos, alam kong hindi ko dapat tratuhin si Li Xin batay sa mga satanikong pilosopiya, pero napakababaw ng kaalaman ko sa isyung ito at wala akong maramdamang ginhawa. Hindi ko alam kung paano ko dapat tratuhin si Li Xin. O Diyos, pakiusap, gabayan Mo ako.” Pagkatapos niyon, nakita ko ang isa pang sipi. “Ang Diyos ay poot, at hindi Niya kinukunsinti ang pagkakasala—hindi nito sinasabi na ang galit ng Diyos ay walang prinsipyo o hindi kumikilala sa pagkakaiba-iba ng mga layunin; ang tiwaling sangkatauhan ang tanging nag-aangkin sa walang prinsipyo at walang-pinipiling pagbulalas ng matinding galit. Ang galit na ito ay ang klase ng galit na hindi nakakikilala ng kaibhan sa pagitan ng mga layunin. Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang isang tao, madalas ay mahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya’t masisiyahan siyang samantalahin ang mga pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pagkayamot at ilabas ang kanyang mga nadarama; madalas siyang magpupuyos sa matinding galit nang walang malinaw na dahilan, nang sa gayon ay maihayag ang kanyang kakayahan at maipaalam sa ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang mga pansariling kapakanan. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas nilang nailalabas ang kanilang mga nararamdaman at naibubunyag ang kanilang mapagmataas na kalikasan. Ang tao ay magpupuyos sa galit at ilalabas ang kanyang mga nadarama upang maipagtanggol at mapagtibay ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ng tao ang kanyang pagkayamot; puno ang mga ito ng karumihan, ng mga pakana at mga intriga, ng katiwalian at kasamaan ng tao; at higit sa lahat, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Matapos pag-isipang mabuti ang mga salita ng Diyos, medyo nahiya ako. Nakita ko na ang diwa ng Diyos ay matuwid at banal at isinasagawa Niya ang Kanyang gawain sa napakamaprinsipyong paraan. Ang poot at awa ng Diyos ay lubos na dalisay at walang dungis. Gamitin nating halimbawa ang pagtrato ng Diyos sa mga lungsod ng Sodoma at Ninive. arehong itinatwa ng mga lungsod na ito ang Diyos at nasadlak sa kasamaan at kahalayan. Matagal nang alam ng Diyos ang masasamang gawa nila at dapat silang wasakin dahil sa kasamaang nagawa nila. Lubos na magkaiba ang naging tugon ng dalawang lungsod sa mga mensaherong mula sa Diyos na bumisita sa kanila. Malupit na inusig ng mga Sodomita ang mga mensahero at kinamuhian nila ang lahat ng positibong bagay. Sa huli, ginalit nila ang disposisyon ng Diyos at winasak sila sa pamamagitan ng nagniningas na asupre. Sa kabaligtaran, ang mga Ninevita ay naniwala at sumunod sa pahayag ni Jonas at ang buong lungsod ay humarap sa Diyos para magsisi at magtapat, kaya sa huli ay nagbago ang isip ng Diyos at naawa Siya sa kanila. Ang Diyos ay napakamaprinsipyo sa kung paano Niya tinatrato ang mga tao. Kung ang mga tao ay matigas na tumatangging magsisi, kokondenahin at wawasakin sila ng Diyos. Ngunit kapag tunay silang nagsisisi at nagtatapat ng kanilang mga kasalanan, agad na binabawi ng Diyos ang Kanyang galit at nagpapakita ng awa sa kanila. Mula sa saloobin ng Diyos sa sangkatauhan, napagtanto ko na wala talaga akong prinsipyo sa kung paano ako kumilos at makitungo sa mga tao, na ganap akong kumilos batay sa aking tiwaling disposisyon. Nang magpakita ng katiwalian si Li Xin ngunit hindi nito napinsala ang aking mga interes, hindi ko siya itinuwid at tinulungan, at pinalampas ko lang ito. Nang lubhang mapinsala ang mga interes ko at hindi ko na ito kinaya, naging mainit ang ulo ko at ginusto kong maghiganti sa kanya, at kahit noong gusto niyang magsisi, hindi ko siya mapatawad. Nabalot ako ng poot at nagtanim ng matinding sama ng loob. Napagtanto ko na sa parehong sitwasyon ay tinrato ko si Li Xin batay sa aking tiwaling disposisyon, at kumilos sa ngalan ng aking sariling mga interes. Nag-init ang ulo ko at naghangad akong maghiganti para mapanatili ang aking reputasyon, katayuan at dignidad, inilalabas ang aking pagkadismaya kay Li Xin. Ang galit at poot ko ay makasarili at makitid na pag-iisip, ang mga ito ay sataniko. Ito ay isang pagbubunyag ng aking tiwaling disposisyon!

Kalaunan, nakita ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung may mangyayaring makapupukaw sa iyong pagkapoot, paano mo ito titingnan? Sa anong batayan mo iyon titingnan? (Batay sa mga salita ng Diyos.) Tama iyon. Kung hindi mo alam kung paano titingnan ang mga bagay na ito ayon sa mga salita ng Diyos, magagawa mo lamang na maging mabait hangga’t maaari, pigilan ang iyong pagkasuklam, magpaubaya at matiyagang maghintay habang naghahanap ng mga pagkakataong gumanti—ito ang landas na iyong tatahakin. Kung nais mong hangarin ang katotohanan, kailangan mong tingnan ang mga tao at bagay ayon sa mga salita ng Diyos, itanong sa iyong sarili: ‘Bakit tinatrato ako nang ganito ng taong ito? Bakit nangyayari ito sa akin? Bakit kaya nagkakaroon ng ganitong resulta?’ Ang gayong mga bagay ay dapat na tingnan ayon sa mga salita ng Diyos. Ang unang dapat gawin ay tanggapin ang bagay na ito mula sa Diyos, at aktibong tanggaping nagmumula ito sa Diyos, at na isa itong bagay na makatutulong at kapaki-pakinabang sa iyo. Para matanggap ang bagay na ito mula sa Diyos, kailangan mo muna itong tingnan bilang pangangasiwa at pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng bagay na nangyayari sa lupa, lahat ng iyong nadarama, lahat ng iyong nakikita, lahat ng iyong naririnig—ang lahat ay nangyayari nang may pahintulot ng Diyos. Pagkatapos mong tanggapin ang bagay na ito mula sa Diyos, sukatin mo ito batay sa mga salita ng Diyos, at alamin mo kung anong uri ng tao ang sinumang gumawa ng bagay na ito at kung ano ang diwa ng bagay na ito, nasaktan ka man o hindi ng anumang sinabi niya, nasaktan man ang iyong damdamin o nayurakan man ang iyong karakter. Tingnan mo muna kung ang taong iyon ay isang masamang tao o isang pangkaraniwang tiwaling tao, kinikilatis muna kung ano siya ayon sa mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay kinikilatis at tinatrato ang bagay na ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi ba’t ang mga ito ang mga tamang hakbang na dapat gawin? (Oo.) Una ay tanggapin ang bagay na ito mula sa Diyos, at tingnan ang mga taong sangkot sa bagay na ito ayon sa Kanyang mga salita, upang matukoy kung sila ay pangkaraniwang mga kapatid, masasamang tao, mga anticristo, walang pananampalataya, masasamang espiritu, kasuklam-suklam na mga demonyo, o espiya mula sa malaking pulang dragon, at kung ang ginawa nila ay isang pangkalahatang pagpapakita ng katiwalian, o isang masamang gawa na sadyang naglalayong manggulo at manggambala. Ang lahat ng ito ay dapat na matukoy sa pamamagitan ng paghahambing dito sa mga salita ng Diyos. Ang pagsukat sa mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos ang pinakatumpak at walang-pagkiling na paraan. Dapat na matukoy ang pagkakaiba ng mga tao at maharap ang mga bagay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Dapat mong pag-isipan: ‘Labis na nasaktan ng pangyayaring ito ang aking damdamin at nag-iwan ng pagiging negatibo sa akin. Ngunit ano ang nagawa ng pangyayaring ito upang mapalakas ako para sa aking buhay pagpasok? Ano ang kalooban ng Diyos?’ Dinadala ka nito sa pinakapunto ng usapin, na dapat mong malaman at maunawaan—ito ang pagsunod sa tamang landas. Kailangan mong hanapin ang kalooban ng Diyos, sa pamamagitan ng pag-iisip na: ‘Napinsala ng pangyayaring ito ang aking puso at kaluluwa. Nagdadalamhati at nasasaktan ako, ngunit hindi ako maaaring maging negatibo at mapanghamak. Ang pinakamahalagang bagay ay makilatis, matukoy ang pagkakaiba, at mapagpasyahan kung talagang kapaki-pakinabang sa akin ang pangyayaring ito o hindi, alinsunod sa mga salita ng Diyos. Kung nagmumula ito sa pagdidisiplina ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa aking buhay pagpasok at sa pagkaunawa ko sa aking sarili, dapat ko itong tanggapin at magpasakop dito; kung tukso ito mula kay Satanas, dapat akong magdasal sa Diyos at tratuhin ito nang may katalinuhan.’ Positibong pagpasok ba ang paghahanap at pag-iisip nang ganito? Ito ba ay pagtingin sa mga tao at bagay ayon sa mga salita ng Diyos? (Oo.) Kasunod niyon, anumang bagay ang iyong hinaharap, o anumang dumarating na problema sa iyong pakikisalamuha sa mga tao, dapat kang maghanap ng mga nauugnay na salita ng Diyos upang malutas ang mga iyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 9). “Kung pipiliin mo ang tamang landas, kapag may nagsalita sa paraang nakasisira sa iyong imahe o pride, o nakaiinsulto sa iyong dangal at dignidad, maaari mong piliing maging mapagparaya. Hindi ka makikipagtalo sa kanila gamit ang anumang uri ng wika o sadyang pangangatwiranan ang iyong sarili, o pabubulaanan at aatakihin ang kabilang partido, na magbubunga ng poot. Ano ang diwa at kahalagahan ng pagiging mapagparaya? Sinasabi mo, ‘Ang ilan sa mga bagay na sinabi niya ay hindi umaayon sa mga katunayan, pero hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan at lahat sila ay ganito bago nila natatamo ang kaligtasan, at ganoon din ako. Ngayong nauunawaan ko na ang katotohanan, hindi ko pinipili ang landas na iyon—pinipili ko ang pagpaparaya. Ang ilan sa mga bagay na sinasabi niya ay hindi umaayon sa mga katunayan; hindi ko ito binibigyang-pansin. Natatanggap ko kung ano ang kaya kong malaman at maunawaan. Tinatanggap ko ito mula sa Diyos at dinadala ito sa harap ng Diyos sa panalangin, hinihiling sa Kanya na magtakda ng mga sitwasyong naglalantad sa aking mga tiwaling disposisyon, na tinutulutan akong malaman ang diwa ng mga tiwaling disposisyong ito at magkaroon ng pagkakataong matugunan ang mga isyung ito, unti-unting malampasan ang mga ito, at hakbang-hakbang na makapasok sa katotohanang realidad. Tungkol sa kung sino ang nagsasalita para saktan ako, at kung siya man ay tama o hindi, o kung ano ang kanyang mga motibasyon, sa isang aspeto, kinikilatis ko ito, at sa isa pang aspeto, tinitiis ko ito.’ Kung ang taong ito ay isang taong tumatanggap sa katotohanan, maaari kang taimtim na makipagbahaginan sa kanya nang mapayapa. Kung hindi, kung siya ay isang masamang tao, huwag mo siyang bigyang-pansin. Maghintay ka hanggang sa matapos siya sa kanyang paggampan; kapag ang lahat ng mga kapatid ay nakikilala at nakikilatis siya, at gayon ka rin, at ang mga lider at manggagawa ay malapit na siyang pangasiwaan, iyon na ang oras kung kailan haharapin siya ng Diyos, at siyempre, ikaw ay matutuwa. Gayunpaman, ang landas na dapat mong piliin ay hindi ang pakikipaglaban nang pasalita sa masasamang tao o makipagtalo at ipagtanggol ang iyong sarili sa kanila. Sa halip, ito ay upang magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo sa tuwing may nangyayari. Ito man ay pakikitungo sa mga taong nakapanakit sa iyo o sa mga hindi pa nanakit sa iyo at sa mga kapaki-pakinabang sa iyo, pare-pareho lang ang mga prinsipyong isinasagawa mo(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 15). Habang binabasa ko ang mga salita ng Diyos, mas naging malinaw ang pakiramdam ko at nagtamo ako ng ilang landas ng pagsasagawa. Nakita ko na anumang mangyari sa atin, lahat ng ito ay may pahintulot ng Diyos, at dapat tayong matuto sa mga bagay na ito. Hinihimok tayo ng Diyos na tratuhin ang mga tao sa maprinsipyong paraan. Sa pakikitungo sa mga taong nanakit sa atin, hindi tayo dapat palaging mahiya o makipagkompromiso, hindi rin tayo dapat mabalot ng poot at maghangad na maghiganti. Sa halip, dapat nating tanggapin ang sitwasyon mula sa Diyos, hanapin ang kalooban ng Diyos at pangasiwaan ang bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung may isang taong nagpapakita ng katiwalian, at hindi namamalayang napipinsala tayo ng kanyang mga salita o kilos, dapat tayong magpakita ng mapagmahal na pagpaparaya at pagtitiis, gamitin ang kanyang mga kritisismo para pagnilayan ang sarili nating mga isyu at pagtuunan ang sarili nating pagpasok sa buhay. Kung mayroon siyang mga maling intensiyon sa kung paano siya magsalita at kumilos, at pinupuna at inaatake niya tayo habang nakatalikod tayo, hindi pwedeng pagnilayan lang natin ang ating sarili, kundi dapat din nating kilalanin kung anong uri siya ng tao, ano ang mga intensiyon niya, at tukuyin ang kanyang mga isyu. Kung handa siyang tumanggap sa katotohanan, magsisi at magbago, dapat siyang tratuhin bilang isang kapatid at bigyan ng pagbabahagi at suporta. Kung hindi niya tatanggapin ang katotohanan kahit katiting at isa siyang masamang tao at anticristo, kung gayon, dapat siyang malantad, makilatis, mabunyag at maiulat alinsunod sa katotohanan at dapat din siyang kamuhian at tanggihan. Ito ang aktuwal na paraan ng pakikitungo sa mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Medyo malubha ang tiwaling disposisyon ni Li Xin, ngunit tinatanggap niya ang katotohanan at handa siyang magsisi at magbago. kaya dapat ko siyang tratuhin nang tama. Kailangan kong maging mapagparaya at mapagpasensiya sa kanya at patawarin siya sa pamininsala niya sa akin. Tungkol sa mga isyung mayroon siya na hindi niya napagtatanto, dapat kong tukuyin ang mga ito at tulungan siya, gabayan siya para makilala niya ang kanyang sarili at malutas ang kanyang tiwaling disposisyon. At saka, sa pamamagitan ng karanasang ito, nagnilay-nilay ako at nakilala ko ang aking sarili. Nakita ko na sobrang liit ng tayog ko at masyadong matindi ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan. Nang maging banta sa aking katayuan at reputasyon ang mga salita at kilos ni Li Xin, nag-init ang ulo ko, hinangad kong maghiganti at nawalan ako ng katwiran na dapat taglay ng isang normal na tao. Ang ilan sa mga kritisismo ni Li Xin sa akin ay walang batayan, pero ang ilan ay mga tunay na problemang mayroon ako. Halimbawa, sa tungkulin ko, mas nakatuon ako sa aking gawain kaysa sa pagdanas sa mga salita ng Diyos, ang mga prayoridad ko sa aking tungkulin ay mali kung minsan, at iba pa. Lahat ito ay mga kakulangan ko. Maaaring napahiya ako dahil sa mga kritisismo, ngunit nakatulong ang mga ito sa akin na mas malinaw na matukoy ang mga isyu. Nakatutulong din ito sa aking pagpasok sa buhay. Kaya bakit ko siya sasawayin at kamumuhian? Habang mas iniisip ko ito, lalo akong naaantig, at tuluyang nawala ang pagkiling ko laban kay Li Xin.

Kalaunan, sa isang pagtitipon, nagtapat ako kay Li Xin tungkol sa katiwaliang ipinakita ko at sa sarili kong pagpasok sa buhay. Sa sandaling nagsagawa ako sa ganoong paraan, nawala ang tensiyon sa pagitan namin at sa wakas ay nagawa ko siyang tratuhin nang tama. Nang maglaon, habang katuwang si Li Xin, napagtanto ko na naging problema na ang pakikipagkumpetensiya niya para sa katayuan, at hindi niya ito napagtatanto sa sarili niya. Kung minsan, ang mga pagpuna niya sa akin ay walang batayan. Sinubukan kong tanggapin ang kanyang mga kritisismo mula sa Diyos, pagnilayan ang aking mga isyu at iwasang maghangad na maghiganti dahil sa init ng ulo, habang tumutuon din ako sa pagkilatis at pag-oobserba. Nang makita ko na naging malubha ang tiwaling disposisyon ni Li Xin, na masama ang pagkatao niya, na patuloy siyang nabibigong magsisi at na nagdudulot siya ng kaguluhan at pagkagambala, iniulat ko ang sitwasyon niya sa lider. Sa huli, inilipat si Li Xin. Mas naging mahinahon at malaya ang pakiramdam ko sa pagsasagawa sa ganitong paraan. Salamat sa Diyos! Dahil sa karanasang ito, natuklasan ko na sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa katotohanan at pamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos tayo tunay na makapagsasabuhay ng isang wangis ng tao.

Sinundan: 68. Paano Dapat Tratuhin ang Kabutihan ng Magulang

Sumunod: 78. Kapag ang Pagganap sa mga Tungkulin ay Sumasalungat sa Pagiging Mabuting Anak

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito