578 Paano Tratuhin ang Tagubilin ng Diyos
Isang napakaseryosong bagay ang kung paano mo pinapahalagahan ang mga tagubilin ng Diyos! Kung hindi mo kayang kumpletuhin kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensya at dapat kang parusahan. Ito ay may basbas ng Langit at kinikilala ng lupa na dapat kumpletuhin ng mga tao ang anumang komisyon na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila; ito ang kanilang pinakamataas na responsibilidad, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung hindi mo sineseryoso ang mga tagubilin ng Diyos, nagtataksil ka sa Kanya sa pinakamalalang paraan; sa ganito, mas kahabag-habag ka pa kaysa kay Judas, at dapat na sumpain. Dapat matamo ng mga tao ang lubos na pagkaunawa sa kung paano titingnan ang ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila at, kahit papaano, dapat maunawaan na ang mga tagubiling ipinagkakatiwala Niya sa sangkatauhan ay mga pagpupuri at natatanging pabor mula sa Diyos; ang mga ito ay mga pinakamaluwalhating bagay. Ang iba pang mga bagay ay maaari nang iwanan; kahit na kailangang isakripisyo ng isang tao ang kanyang sariling buhay, dapat pa rin niyang tuparin ang tagubilin ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao