579 Paano Mo Dapat Gampanan ang Iyong Tungkulin
I
Kung mga tao’y ‘di maipakita
ang dapat nilang gawin
o kamtan kung ano’ng posible
para sa kanila habang naglilingkod,
sa halip nagkukunwaring gumagawa’t
niloloko ang Diyos,
naiwala na nila ang silbi ng isang nilikha.
Mga taong ‘to ay walang kabuluhan,
walang-silbing yagit,
‘di nararapat na tawaging nilikha.
‘Di ba sila’y tiwali, maningning sa labas
ngunit bulok sa loob?
‘Pag mga tao’y bigong tuparin ang tungkulin nila,
dapat silang makonsensya at may pagkakautang,
kasuklaman ang kahinaa’t pagkasuwail nila
at ibigay ang buhay nila sa Diyos.
Gayong mga tao’y mga nilikha
na umiibig sa Diyos.
Sila lang ang makatatamasa ng pagpapala Niya,
karapat-dapat sa mga pangako ng Diyos
at magawa Niyang perpekto.
II
Pa’no niyo tinatrato ang Diyos
na namumuhay sa inyong piling?
Pa’no niyo nagampanan ang tungkulin niyo
sa harap Niya?
Nagawa ba niyo’ng lahat ng makakaya niyo,
kahit buhay niyo’ng kapalit?
Anong naisakripisyo niyo,
gayong Diyos ay nagbigay sa inyo ng labis?
Gaano kayo katapat
at pa’no niyo napaglingkuran ang Diyos?
Paano’ng lahat ng nagawa’t
naipagkaloob ng Diyos?
Naikumpara niyo bang lahat ng ‘to
sa konsensya niyo?
Sino ang patas sa mga salita’t pagkilos niyo?
Maliit na sakripisyo niyo ba’y karapat-dapat
sa lahat ng naipagkaloob Niya?
‘Pag mga tao’y bigong tuparin ang tungkulin nila,
dapat silang makonsensya at may pagkakautang,
kasuklaman ang kahinaa’t pagkasuwail nila
at ibigay ang buhay nila sa Diyos.
Gayong mga tao’y mga nilikha
na umiibig sa Diyos.
Sila lang ang makatatamasa ng pagpapala Niya,
karapat-dapat sa mga pangako ng Diyos
at magawa Niyang perpekto.
III
Inilaan ng Diyos ang buong sarili sa inyo,
ngunit kayo’y nagkikimkim
nang may masamang pag-iisip.
‘Di ba ‘to ang tungkulin niyo,
tanging tungkulin niyo?
Nagampanan niyo na ba’ng
tungkulin ng isang nilikha?
Pa’no kayo maituturing na isang nilikha?
‘Di ba malinaw ang inyong
ipinakikita’t isinasabuhay?
Nabigo kayo sa tungkulin niyo
ngunit hangad niyo’ng biyaya ng Diyos,
pero hindi ‘yon para sa ‘di karapat-dapat.
Iyon ay para lang sa
‘di humihingi ng kapalit
at malugod na nagsasakripisyo para sa Diyos.
‘Pag mga tao’y bigong tuparin ang tungkulin nila,
dapat silang makonsensya at may pagkakautang,
kasuklaman ang kahinaa’t pagkasuwail nila
at ibigay ang buhay nila sa Diyos.
Gayong mga tao’y mga nilikha
na umiibig sa Diyos.
Sila lang ang makatatamasa ng pagpapala Niya,
karapat-dapat sa mga pangako ng Diyos
at magawa Niyang perpekto.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao