577 Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Tagubilin ng Diyos
Bilang mga kasapi ng sangkatauhan
at mga Kristiyanong tapat,
pananagutan at obligasyon nating lahat
na ialay ang ating katawa’t isipan
sa katuparan ng tagubilin ng Diyos,
dahil buong pagkatao nati’y nagmula sa Diyos,
at umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.
Kung mga katawa’t isip nati’y ‘di para sa tagubilin ng Diyos
o para sa matuwid na layunin ng sangkatauhan,
mga kaluluwa nati’y ‘di magiging karapat-dapat
sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos,
higit na mas ‘di karapat-dapat sa Diyos,
na naglaan sa ‘tin ng lahat ng bagay, ng lahat ng bagay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan