792 Kung Nais Mong Tunay na Makilala ang Diyos
I
Kung nais mong tunay na makilala ang Diyos,
tumingin nang higit pa
sa tatlong yugto ng gawain Niya,
tumingin nang higit pa sa mga kuwento
ng nakalipas Niyang gawain.
Kung ‘di mo sinusubukang
makilala Siya sa ganitong paraan,
Siya’y lilimitahan at ikukulong mo,
at maliit ang tingin mo sa Kanya.
Hindi mo kailanman malalaman
ang kamangha-mangha sa Diyos,
ang kataas-taasan
at pagka-makapangyarihan Niya,
at ang saklaw ng Kanyang awtoridad.
Hindi mo ganap na matatanggap ang katotohanan
na ang Diyos ang naghahari sa lahat,
o malalaman ang pagkakakilanlan ng Diyos.
Kung limitado lang ang saklaw
ng pagkaunawa mo sa Diyos,
kung gayon limitado ang natatanggap mo.
Palawakin ang saklaw mo,
hangarin ganap na pagkaunawa
sa saklaw ng gawain ng Diyos,
ang pamamahala Niya, kapangyarihan Niya,
at lahat ng pinamumunuan Niya.
Sa pamamagitan nito’y dapat mong
maunawaan ang mga kilos ng Diyos,
kung nais mong tunay na makilala ang Diyos.
II
Sa ganitong pagkaunawa,
bago mo malaman ito, mararamdaman mong
naghahari ang Diyos, nag-aalaga’t nagkakaloob
sa lahat ng bagay para sa kanila,
at mararamdaman mong ika’y kasapi,
bahagi ng lahat ng bagay.
Habang nagkakaloob ang Diyos
sa lahat ng bagay,
tinatanggap mo ang kapangyarihan
at pagkakaloob Niya.
Ito’y katotohanang ‘di maikakaila ninuman.
Kung limitado lang ang saklaw
ng pagkaunawa mo sa Diyos,
kung gayon limitado ang natatanggap mo.
Palawakin ang saklaw mo,
hangarin ganap na pagkaunawa
sa saklaw ng gawain ng Diyos,
ang pamamahala Niya, kapangyarihan Niya,
at lahat ng pinamumunuan Niya.
Sa pamamagitan nito’y dapat mong
maunawaan ang mga kilos ng Diyos,
kung nais mong tunay na makilala ang Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII