791 Kilalanin ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Kataas-Taasang Kapangyarihan sa Lahat ng Bagay
I
Ang pagkaunawa ng mga tao sa Diyos ay
sumasalamin sa lugar ng Diyos sa puso nila.
Kung gaano kakilala ng tao ang Diyos
ay nakaaapekto sa posisyon Niya sa puso nila.
Kung ang Diyos na kilala mo
ay hungkag at malabo,
ang Diyos na pinaniniwalaan mo’y gayon din.
Ang Diyos ay limitado sa saklaw ng buhay mo,
at ang Diyos na kilala mo ay ‘di tunay.
Ang makilala lahat ng kilos ng Diyos,
ang realidad Niya,
ang mga gawa Niya sa sangnilikha,
kung ano’ng mayro’n at ano Siya,
kapangyarihan Niya, pagkakakilanlan Niya,
lahat ng hangad makilala ang Diyos
ay dapat alam ito.
Ang kakayahan mong pumasok sa realidad
ay nagdedepende sa pag-unawa
sa mga aspetong ito ng Diyos.
II
Kung nililimita mo
ang ‘yong pagkaunawa sa Diyos
sa mga salita at sa karanasan mo,
sa kung anong tinutukoy mo na biyaya ng Diyos,
sa kaunti mong mga patotoo,
ang Diyos na pinaniniwalaan mo’y
‘di magiging tunay.
Maaaring sabihin na Siya’y likhang-isip.
Dahil ang tunay na Diyos ay namumuno sa lahat,
at Siya’ng Tagapamahala ng lahat.
Hawak ng tunay na Diyos
ang kapalaran ng bawat tao at bagay.
Gawain at gawa Niya’y ‘di limitado sa
mga sumusunod sa Kanya.
Mga gawa Niya’y malinaw na ‘pinapakita
sa lahat ng bagay,
at sa pananatiling buhay ng lahat
at sa mga batas ng pagbabago ng lahat.
Ang makilala lahat ng kilos ng Diyos,
ang realidad Niya,
ang mga gawa Niya sa sangnilikha,
kung ano’ng mayro’n at ano Siya,
kapangyarihan Niya, pagkakakilanlan Niya,
lahat ng hangad makilala ang Diyos
ay dapat alam ito.
Ang kakayahan mong pumasok sa realidad
ay nagdedepende sa pag-unawa
sa mga aspetong ito ng Diyos,
pag-unawa sa mga aspetong ito ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX