108 Napakasaya ng Paniniwala sa Diyos

Kabataan daw ngayo’y pariwara;

ilang tao’y sinasabing dulot nila’y

sakit ng ulo sa magulang nila, at guro nila’y yamutin.

Pero kaming kabataang naniniwala’t sumusunod sa Diyos

ay nagniningning dahil itinataguyod katotohanan

at isinasagawa salita ng Diyos;

kami ang bagong henerasyon,

na minamahal at pinagpapala ng Diyos.


‘Di na kami naghahabol sa pinakabagong uso,

at iniwan na ang ingay ng mga bahay-aliwan.

Pera’t kasikata’y bale-wala sa’min,

o nakikikumpetensya sa mga layaw ng laman.

Hindi na kami nalilinlang ng salapi,

‘di na kami naglalaro sa kompyuter.

‘Di na kami naghahabol kakatwang pag-iibigan,

o nagpapasasa sa layaw pisikal.

‘Di na natututuhan maling alam para ipagyabang.

Narinig na namin tinig ng Diyos at nagbalik sa Kanya.

Napalinaw ng katotohanan aming isipan,

at natutuhan namin ang kaibhan ng mabuti at masama,

maganda at pangit.

Nalinis na kami ng salita ng Diyos,

naalis na kami nito mula sa katiwalian ng masasamang kalakaran.

Natanggap na namin ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos,

at nakatungtong na sa tamang landas ng buhay ng tao.


Bawat araw binabasa ko salita ng Diyos

at ‘binabahagi ang totoo, pinamumuhay buhay-iglesia.

Ang paghatol at pagkastigo,

at pakikitungo’t pagtabas ng salita ng Diyos

taglay ko sa’king paglaki.

Nagkaroon ng mga luha sa mga mata ko,

at pighati, mga kabigua’t pagkadapa,

ngunit salamat sa kaliwanagan

at pagpapalinaw ng mga salita ng Diyos,

naunawaan ko na ang katotohanan at napalaya.

Mga kapatid magsama-sama’t purihin ang Diyos

may pagbubunyi’t tawanan.

Sa pamumuhay sa harap ng Diyos at pakikipagniig sa Diyos

puso ko’y puspos ng matamis na kaligayahan.

Sinisikap na maging isa sa matatapat na taong mahal ng Diyos,

ako’y inosente, masigla, at ‘di nababahala.

Sama-sama nating inihahayag at pinatototohanan ang Diyos,

at ang puso nati’y masaya at malaya.

Nakita na nating mukhaan ang Diyos,

at nadama totoong pag-ibig N’ya.

Napakahalagang malaman ang katotohanan;

bigay nito’y bagong layunin sa buhay ko.

Salamat sa Makapangyarihang Diyos,

na nagbigay na sa atin ng katotohanan, ng daan, at ng buhay.

Walang mas kaibig-ibig kaysa Makapangyarihang Diyos;

kaming batang henerasyo’y, walang hanggang magpupuri sa Diyos!

Sinundan: 107 Sumunod kay Cristo sa Landas ng Liwanag

Sumunod: 109 Ang Buhay ng Isang Bagong Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito