109 Ang Buhay ng Isang Bagong Tao
I
Ang mga salita ng Diyos
ay tulad ng maliwanag na buwan,
nililinis puso’t isip ko.
Nagbibigay linaw at liwanag ang mga ito,
at puso ko’y bagong gising.
Inaalis ang imahe ng malabong Diyos,
at nakita ko ang pratikal na Diyos.
Pumasok ako sa pagsasanay sa kaharian
at nagsisimula ako ng bagong buhay.
Diyos naging tao ginagawang perpekto mga tao,
at ito ay isang pambihirang pagkakataon.
Inaalay ang puso ko sa Diyos,
at tinatanggap ko pagsusuri N’ya.
II
May pusong tapat, takot ako sa Diyos
at hindi ako kumikilos sa sariling kalooban.
Lahat ginagawa sa prinsipyo ng katotohanan,
at naglilingkod ako sa Diyos sa paraang tunay.
Tahimik, mahal ko ang Diyos nang buong puso ko,
at nagmamalasakit ako sa Kanyang kalooban.
Hinahanap ko ang Kanyang
mga kalooban sa lahat ng bagay,
at sinusunod ko Siya nang lubos.
Ang mga salita ng Diyos
ay nagbubunyag ng landas upang magsagawa,
at ang aking buhay
ay gumagawa ng mabilis na pag-unlad.
Ipinamumuhay katunayan ng mga salita ng Diyos
napalaya ang aking puso.
Ako’y tatayong patotoo sa kapighatian,
upang maging isa
sa mga mabuting sundalo ni Cristo.
Sa pagtanggap ng paghatol at pagkastigo,
ang aking disposisyon ay maaaring magbago.
Paghihirap, kadalisayan, at matinding pagsubok
ang landas upang iperpekto ang matuwid.
Sa pag-alam ng mga salita ng Diyos,
nakuha ko ang katotohanan,
at namumuhay ako ng totoong buhay ng tao.
III
Nagdurusa akong matamo ang katotohanan,
at nabubuhay ako nang makabuluhan.
Ang halaga ay dapat bayaran
para sa katotohanan,
ngunit sa kabila ng ulan, lalabas ang araw.
Buhay natatamo ko sa mga salita ng Diyos,
at ako ay nabubuhay sa loob ng liwanag.
Iniibig ng puso ko ang Diyos,
at may malaking kagalakan ako.
Ako’y nabubuhay sa bagong buhay ng tao.
Sumusunod sa lahat ng ayos ng Diyos,
nakikita ko ang kagandahan ng Diyos.
At ramdam ko lang tunay na galak kapag
tapat kong tinutupad tungkulin ng tao.
Mas hinahatulan ako ng Diyos,
mas nadarama ko kagandahan ng Diyos.
Masamang disposiyon ko’y nababago,
at ‘di ko talaga maibig nang sapat ang Diyos.
Ako’y tatayong patotoo sa kapighatian,
upang maging isa
sa mga mabuting sundalo ni Cristo.
IV
Sa pagtanggap ng paghatol at pagkastigo,
ang aking disposisyon ay maaaring magbago.
Paghihirap, kadalisayan, at matinding pagsubok
ang landas upang iperpekto ang matuwid.
Sa pag-alam ng mga salita ng Diyos,
nakuha ko ang katotohanan,
at namumuhay ako ng totoong buhay ng tao.
Totoong buhay ng tao,
oh, gusto kong mamuhay ng totoong buhay ng tao.