107 Sumunod kay Cristo sa Landas ng Liwanag

1 Napakapalad ng henerasyon naming ito; mayroon kaming mabuting kapalaran na makipagtagpo kay Cristo, at na bumalik sa bahay ng Diyos. Kumakain at umiinom kami ng mga salita ng Diyos araw-araw, at dahil doon ay nauunawaan ang katotohanan, at nakatamo ng pagkaintindi. Nailayo na namin ang aming mga sarili mula sa takbo ng kasamaan, hindi na kami nahuhumaling sa mga tanyag na tao, tumigil na kami sa paghabol sa mga hangaring hindi totoo, hindi na kami nilalason ng mga pilosopiya ni Satanas, at unti-unti nang nawala ang aming mga alalahanin at pagdurusa. Bawat linya ng mga salita ng Diyos ay ang katotohanan; habang lalo naming binabasa ang mga ito, mas lalo kaming naliliwanagan. Mayroon kaming mga salita ng Diyos upang diligan, tustusan, at gabayan kami: Anong saya namin na mamuhay sa harap ng Diyos! Inaalay namin ang pinakamagagandang himno sa kaibig-ibig na Diyos, pinupuri Siya hanggang sa walang hanggan.

2 Habang personal na pinapastol ni Cristo, namumuhay kami ayon sa mga salita ng Diyos, at unti-unting lumalago ang aming mga buhay; bawat araw, ang paghatol ng mga pahayag ng Diyos ay nililinis sa amin ang katiwalian. Bagama’t pinahihirapan kami nito, mayroong tamis sa aming mga puso: Sa wakas, nadalisay na ang aming katiwalian, wala na kami ngayong kasinungalingan at pagpapanggap, hindi na kami mapagmataas at mapusok, at sa kaibuturan namin ay nagagawa naming magmahal at magpasakop sa Diyos. Nalinis na kami ni Cristo ng mga huling araw, at napalaya na Niya kami mula sa mga impluwensiya ni Satanas. Mayroon kaming mga salita ng Diyos upang diligan, tustusan, at gabayan kami: Anong saya namin na mamuhay sa harap ng Diyos! Inaalay namin ang pinakamagagandang himno sa kaibig-ibig na Diyos, pinupuri Siya hanggang sa walang hanggan.

3 Sa bawat hakbang, ginabayan kami ng mga salita ng Diyos hanggang sa tamang gulang. Natanggal na namin ang panlilinlang at pagtataksil upang maging matatapat na taong kinagigiliwan ng Diyos; nalasap na namin ang labis na pag-ibig ng Diyos, at sa aming mga puso, nararamdaman namin ang lalong pagiging malapit sa Kanya. Desidido kaming hanapin ang katotohanan, tuparin ang aming mga tungkulin, at suklian ang pag-ibig ng Diyos. Napakapalad namin na sumusunod kami kay Cristo ng mga huling araw; mas maliwanag ang landas pasulong, at gaano man karami ang mga tagumpay at kabiguan na madaraanan, nangangako kaming mananatiling matapat sa pagtapos ng tagubilin ng Diyos hanggang kamatayan. Nagkakaisa kaming lahat: Upang ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian, ibibigay namin ang lahat ng aming makakaya. Gaano man karami ang mga tagumpay at kabiguan na madaraanan, nangangako kaming mananatiling matapat sa pagtapos ng tagubilin ng Diyos hanggang kamatayan.

Sinundan: 106 Napakaligaya Kong Matamo ang Pag-ibig ng Diyos

Sumunod: 108 Napakasaya ng Paniniwala sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito