22 Kahanga-hanga na Dumating Na ang Makapangyarihang Diyos

I

Anong swerte na makilala

ang nagkatawang-taong Diyos.

Ang Cristo ng mga huling araw,

nagpapakita at gumagawa.

Nagpapahayag Siya ng katotohanan at naghahatol.

Upang iligtas ang tao, personal Siyang gumagawa.

Pangkaraniwan Siya, may lungkot at galak.

Praktikal Siya, tumatawa at nagsasalita.

Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao Niya

ay napakalalim,

makikita ang tunay na Diyos.

Ikinararangal nating makita

ang Makapangyarihang Diyos.

Nasisiyahan tayo dahil sa pagsamba.

Sa pagpuri sa Kanya

ramdam natin ang gaan at kalayaan.

Makabuluhan ang buhay natin,

dahil kilala natin Siya.


II

Sa mga huling araw,

nagpapakita ang Diyos sa katawang-tao.

Siya mismo ang nagpeperpekto

sa mga nagmamahal sa Kanya.

Ang Kanyang mga sinabi

ang nagpapastol sa mga tao Niya,

nagkakaloob ng katotohanan at buhay sa tao.

Inihahayag man o hinihikayat

ng mga salita ng Diyos ang tao,

iyon ay upang iligtas at dalisayin sila.

Sa pagdaan sa paghatol ng Kanyang mga salita,

sa pagdaan sa paghatol ng Kanyang mga salita,

nakikita nating makatuwiran at banal ang Diyos.

Nagdurusa ang Diyos para sa tao

at inuunawa ang kanilang kahinaan.

Nagkakaloob ang mga salita Niya

at naliliwanagan ang mga tao.

Nagbibigay Siya ng pananalig sa tao

at nagdudulot ng liwanag sa kanila,

pinupuno ang kakulangan ng tao

at ipinakikita ang daan.


III

Nararanasan ng Diyos ang pagdurusa ng tao

at naninindigan sa kanila ‘pag sila’y nakastigo na.

Iniisip Niya ang buhay ng tao sa lahat ng oras.

Tanging ang Diyos lang

ang pinakamalapit sa kanilang tabi.

Tahimik Niyang tinitiis ang pagtanggi sa Kanya.

Sa pagdaan sa pagsubok kasama Siya ng tao.

Gumagawa Siya ng daan

upang manguna pasulong.

Pinupukaw ako ng imahe

ng Makapangyarihang Diyos.

Mula pa noong unang panahon,

mahirap nang makita ang Diyos.

Pahalagahan ang magagandang sandali

na kasama natin ang Diyos.

Ngayon ang pagkakataon

upang makita ang kagandahan Niya.

Sana’y makilala natin

ang Makapangyarihang Diyos.

Napakaganda na dumating na

ang Makapangyarihang Diyos.

Sinundan: 21 Lahat ng Sangkatauhan, Halikayo Upang Sambahin ang Diyos

Sumunod: 23 Gumagawa ng mga Himala ang mga Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito