21 Lahat ng Sangkatauhan, Halikayo Upang Sambahin ang Diyos

1 Kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, direktang nagniningning sa Kanluran; lumilitaw ang Cristo ng mga huling araw sa Tsina upang gawin ang Kanyang gawain. Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan, nagpapakita ang tunay na liwanag, at sabik na sabik na hinahanap iyon ng lahat, naaakit doon. Ang hinirang ng Diyos ay dumating lahat sa harap ng Kanyang trono, sinasamba ang Makapangyarihang Diyos sa lahat ng Kanyang awtoridad at kaluwalhatian, Nakikinig sa Kanyang tinig, nakikita ang Kanyang maluwalhating mukha, pinagmamasdan ang Kanyang mga gawa. Gaya ng isang matalim na espada, hinahatulan at dinadalisay ng mga salita ng Diyos ang mga tao, at nagpapatirapa silang lahat sa kahihiyan, nagpapasakop sa harap ng Diyos. Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay sumasamba sa Makapangyarihang Diyos. Nagpapasalamat kami sa Diyos sa pagkakaloob sa amin ng katotohanan at ng landas sa kaligtasan.

2 Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay napakakamangha-mangha at marunong; Ginagamit Niya si Satanas sa serbisyo upang perpektuhin ang mga tao ng Diyos. Nakikita natin na ang mga salita ng Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan, at nakalupig ng isang pangkat ng mga tao at pinerpekto sila sa pagiging mga mananagumpay. Pinupuri namin ang pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos sa pagiging napakakaibig-ibig. Ang Kanyang mga salita ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, Naghahayag ng katiwalian ng mga tao, hinahatulan sila sa kanilang pagiging hindi matuwid, at pineperpekto ang lahat ng nagmamahal sa Diyos. Napagtagumpayan ng Diyos si Satanas, at dumating na ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan. Magpapaulan ang Diyos ng mga sakuna, ginagantimpalaan ang mabuti at pinarurusahan ang masama. Lahat ng sangkatauhan, halikayo sa harap ng Diyos upang magsisi at aminin ang inyong mga kasalanan. Lahat ng sangkatauhan, halikayo upang sambahin ang Makapangyarihang Diyos.

Sinundan: 20 Natatanaw na ang Milenyong Kaharian

Sumunod: 22 Kahanga-hanga na Dumating Na ang Makapangyarihang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito