238 Paano Makikita ng Tao si “Jesus na Tagapagligtas” na Bumababa Mula sa Langit?
I
Kung tawag ng tao sa Diyos ay Jesucristo,
ngunit ‘di alam na nasimulan Niya’ng
bagong panaho’t
gawain sa mga huling araw,
kung hinihintay pa’ng pagdating ni Jesus,
makikita kaya nila’ng pagdating
ni Jesus mula sa langit?
II
Tawag ng Diyos sa mga ‘to’y walang pananalig;
taong ganito’y ‘di Siya kilala,
paniniwala sa Diyos ay ‘di totoo.
Hinihintay nila’y ‘di ang pagdating Niya,
kundi ang pagdating ng Hari ng mga Judio.
‘Di nananabik sa paglipol Niya
sa maruming mundong tinitirhan nila,
kundi ang pagbalik ni Jesus,
pinaniniwalaang tutubos at
liligtas sa tao sa tiwaling lupang ito.
Pa’no kukumpleto ng gawain Niya
sa mga huling araw ang gayong tao?
Kung tawag ng tao sa Diyos ay Jesucristo,
ngunit ‘di alam na nasimulan Niya’ng
bagong panaho’t
gawain sa mga huling araw,
kung hinihintay pa’ng pagdating ni Jesus,
makikita kaya nila’ng pagdating
ni Jesus mula sa langit?
III
Mga nais ng tao’y ‘di kayang tuparin
ang mga naisin Niya o gawain Niya.
Mahal lang nila’ng dating gawain Niya,
nang ‘di alam na Siya ang Diyos Mismo
laging bago’t ‘di kailan nagiging luma.
Alam ng tao’ng Siya’y si Jehova,
Siya’y si Jesus,
ngunit ‘di ang Siya’ng Isa ng mga huling araw
na magdadala sa tao sa wakas.
Alam lang kanyang nakikita’t naiisip,
pinananabikan niya’y mula sa sariling kuru-kuro.
Hindi ‘to naaayon sa gawain Niya,
kundi taliwas dito.
Kung gawain Niya’y ayon sa ideya ng tao,
kailan kaya ang katapusan?
Kailan makapagpapahinga’ng tao?
Pa’no Siya makakapasok sa ikapitong araw,
ang Araw ng Pahinga?
Gumagawa’ng Diyos
ayon sa plano at layunin Niya,
‘di sa mga hangad ng tao.
Kung tawag ng tao sa Diyos ay Jesucristo,
ngunit ‘di alam na nasimulan Niya’ng
bagong panaho’t
gawain sa mga huling araw,
kung hinihintay pa’ng pagdating ni Jesus,
makikita kaya nila’ng pagdating
ni Jesus mula sa langit?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”