239 Bumaba na ang Diyos sa Gitna ng Isang Grupo ng mga Mananagumpay
I
Sa libu-libong taon, pinanabikan na ng tao
pagdating ng Tagapagligtas,
mamasdan si Jesus
bumababa sakay ng puting ulap
sa mga nanabik sa Kanya.
Tao’y naghangad bumalik ang Tagapagligtas
at muli silang magkasama.
Tao’y umaasang muli Siyang gagawa ng pagtubos,
gaya ng ginawa Niya sa mga Judio.
Tao’y umaasang Siya’y mahabagin pa rin,
at umaasang Siya’y mapagmahal sa tao,
patawarin, pasanin mga pagkakasala ng tao,
at palayain sila mula sa kasalanan.
‘Di sinunod ni Jesus mga ideya ng tao,
bagkus ginawa Niya’y kasalungat.
‘Di Siya dumating sa mga nananabik,
at ‘di nagpakitang sakay ng puting ulap.
Dumating na Siya, ngunit tao’y ‘di Siya kilala,
‘di namalayang nasa lupa na Siya.
Tao’y naghihintay, ‘di namamalayang
Siya’y dumating na sakay ng puting ulap.
Ang ulap ay Kanyang Espiritu’t mga salita,
lahat ng kung ano Siya’t disposisyon Niya.
Kasama Niya ngayo’y mga mananagumpay
na Kanyang gagawin sa mga huling araw,
sa mga huling araw.
II
‘Di alam ng taong ang banal na Tagapagligtas
puno man ng pagsuyo’t pag-ibig sa tao,
pa’no Niya maisasagawa
gawain Niya sa mga templong
pinamamahayan ng maruruming espiritu?
Sa kabila ng paghihintay sa Kanyang pagdating,
‘di Siya magpapakita sa mga umiinom ng dugo
at nagsusuot ng mga damit ng masasama,
na naniniwala sa Kanya ngunit ‘di Siya kilala.
Alam ng tao na si Jesus ay pag-ibig,
pagkalinga, pagtubos,
‘di bilang Diyos Mismo’t matuwid,
may kamahalan, poot at paghatol,
at may awtoridad, dignidad.
Tao’y nananabik sa pagbalik ng Manunubos,
mga dalangin nila’y umaantig sa “Langit,”
ngunit si Jesus ‘di nagpapakita sa mga
naniniwala ngunit ‘di Siya kilala.
Dumating na Siya, ngunit tao’y ‘di Siya kilala,
‘di namalayang nasa lupa na Siya.
Tao’y naghihintay, ‘di namamalayang
Siya’y dumating na sakay ng puting ulap.
Ang ulap ay Kanyang Espiritu’t mga salita,
lahat ng kung ano Siya’t disposisyon Niya.
Kasama Niya ngayo’y mga mananagumpay
na Kanyang gagawin sa mga huling araw,
sa mga huling araw.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”