237 Bitawan ang mga Relihiyosong Kuru-kuro para Masundan ang mga Yapak ng Diyos

I

Sa iyong paniniwala sa Diyos,

ituloy ang pagkilala sa Kanya

mula sa mga salita’t gawain Niyang

walang kamalian.


Kung gusto mong makilala ang Diyos,

bago’ng lahat

dapat mong malaman ang gawain Niya.

Ito ang batayan.


Lahat ng kamaliang

salat sa pag-unawang dalisay

ng mga salita ng Diyos

ay mga kuru-kuro lang ng tao.

Mga ito ay lihis at ‘di tumpak.


Pa’no man gumawa ang Diyos noon,

dapat pahalagahan mo’ng gawain Niya ngayon,

isa kang taong binibitawan ang mga kuru-kuro’t

kaya mong sundin ang Diyos.

Makasusunod ka sa gawai’t mga salita ng Diyos,

sundan mga yapak ng Diyos.

Sa ganito ika’y taong

tunay na sumusunod sa Diyos.


II

Kilalang tao sa relihiyon ay kinukuha’ng

mga salita ng Diyos ngayon,

at ‘kinukumpara sa mga salita ng Diyos noon.


Kung pinaglilingkuran mo’ng Diyos ng ngayon

ngunit kumakapit sa kung ano’ng luma,

paglilingkod mo’y hahadlangan;

pagsasagawa mo, ritwal lamang, luma.


Kung may relihiyosong kuru-kuro,

tao’y ‘di makasusunod

sa gawain ng Banal na Espiritu.

Sila’y nahuhuli hakbang sa hakbang.

Ginagawa nitong mapagmagaling, mapagmataas.


Pa’no man gumawa ang Diyos noon,

dapat pahalagahan mo’ng gawain Niya ngayon,

isa kang taong binibitawan ang mga kuru-kuro’t

kaya mong sundin ang Diyos.

Makasusunod ka sa gawai’t mga salita ng Diyos,

sundan mga yapak ng Diyos.

Sa ganito ika’y taong

tunay na sumusunod sa Diyos.


III

Diyos ‘di kumakapit sa kung ano’ng

sinabi o ginawa Niya noon.

Kung luma, ito’y Kanyang tinatalikuran.

Kuru-kuro mo, ‘di mo ba kayang bitawan?


Kung kumakapit ka

sa mga lumang salita ng Diyos noon,

nagpapatunay ba ‘tong alam mo

ang ginagawa ng Diyos?


Bagong liwanag ng Banal na Espiritu,

kung ‘di mo matanggap,

kung kumakapit ka sa nakaraan,

‘di ka sumusunod sa mga hakbang ng Diyos.

Kung ‘yan ang ‘yong pinipili,

sinasalungat mo’ng Diyos.


Kung tao’y kaya lang bitawan

ang mga konseptong relihiyoso,

sa gayon utak niya’y ‘di susukat

sa gawai’t salita ng Diyos ngayon.

Kahit gawain ng Diyos ngayon

ay ‘di tulad sa nakaraan,

kaya mong bitawan ang dating pananaw,

sumunod sa gawain ng Diyos ngayon.


Pa’no man gumawa ang Diyos noon,

dapat pahalagahan mo’ng gawain Niya ngayon,

isa kang taong binibitawan ang mga kuru-kuro’t

kaya mong sundin ang Diyos.

Makasusunod ka sa gawai’t mga salita ng Diyos,

sundan mga yapak ng Diyos.

Sa ganito ika’y taong

tunay na sumusunod sa Diyos.

Sa ganito ika’y, sa ganito ika’y taong

tunay na sumusunod sa Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging Yaong mga Nakababatid Lamang ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Maaaring Paglingkuran ang Diyos

Sinundan: 236 Makikita Ba ng mga Hindi Tumatanggap sa Bagong Gawain ng Banal na Espiritu ang Pagpapakita ng Diyos?

Sumunod: 238 Paano Makikita ng Tao si “Jesus na Tagapagligtas” na Bumababa Mula sa Langit?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito