8 Ang Kaharian ni Cristo ay Bumaba sa Lupa

Ang kaharian ni Cristo ay bumaba sa lupa,

ang lahat ay sinasakop ng salita ng Diyos at naghahari ito sa daigdig.

Atin nang nakikita ngayon ang lahat ng ito,

ang lahat ay nilikha at ginawang ganap ng salita ng Diyos.

Bumaba mula sa langit ang Bagong Jerusalem,

narito na sa lupa ang kaharian ni Cristo.

Ang salita ng Diyos ay nananahan sa ating lahat,

sumasaatin ito sa ating bawat kilos at pag-iisip.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Ang kaharian ni Cristo ay nasa lupa.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Naghahari ang salita ng Diyos sa lupa.


Makapangyarihan sa lahat, tunay na Diyos, walang hanggan at natatangi!

Ang Iyong salita ay nagpakita sa katawang-tao, buhay na namamasdan ng lahat.

Ang lahat ng salitang Iyong sinabi sa lahat ng kapanahunan,

ay naisasakatuparan na ngayon at isa-isang natutupad.

Makapangyarihan sa lahat, tunay na Diyos, naghahari sa lupa ang Iyong mga salita,

ipinakita ng Iyong salita ang impluwensiya nito, ang awtoridad nito.

Masaganang dumadaloy upang kandiliin at buhayin ang puso ng mga tao,

ang Iyong mga salita ang bukal ng tubig na buhay ng buhay.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Ang kaharian ni Cristo ay nasa lupa.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Naghahari ang salita ng Diyos sa lupa.


Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos,

ang ating tiwaling disposisyon ay nabago at nalinis.

Ibinibigay natin sa Diyos ang lahat ng ating paggalang,

ibinibigay natin sa Diyos ang lahat ng ating pagsunod.

Tayo’y nabubuhay bilang tao, salamat sa Kanyang pagliligtas.

Lumuluhod sa harapan Niya, walang hanggan natin Siyang sasambahin.

Nilinis, tayo’y nasa liwanag, tinamo ang Kanyang pag-ibig,

walang hanggang aawit ng mga papuri sa Kanya.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Ang kaharian ni Cristo ay nasa lupa.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Naghahari ang salita ng Diyos sa lupa.


Ang kagandahan ng kaharian ay walang katapusang maliwanag.

Ang lahat ng nasa lupa ay ipinapahayag ang mga salita ng Diyos,

sumusunod sa Kanyang salita, sumasamba sa Kanya.

May kagalakan sa buong sansinukob.

Ipinagdiriwang natin na ang Kanyang mga gawain ay natapos na,

na Siya’y banal, makapangyarihan sa lahat, matuwid at marunong.

Ang Diyos mismo ang nangunguna sa atin sa Canaan,

upang ating matamasa ang Kanyang kasaganaan at kayamanan.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Ang kaharian ni Cristo ay nasa lupa.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Naghahari ang salita ng Diyos sa lupa.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Ang kaharian ni Cristo ay nasa lupa.

Tayo’y nagbubunyi! Tayo’y nagpupuri! Tayo’y nagdiriwang! Naghahari ang salita ng Diyos sa lupa,

naghahari ang salita ng Diyos sa lupa.

Sinundan: 7 Nagpakita ang Banal na Kaharian

Sumunod: 9 Naganap na ang Kaharian ng Pagkamatuwid ni Cristo

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger