460 Sumunod sa Gawain ng Banal na Espiritu at Makatatahak Ka sa Landas Tungo sa Pagiging Perpekto

I

Ang landas ng pagiging perpekto’y naaabot

sa pagsunod mo sa gawain ng Banal na Espiritu.

‘Di mo alam kung sa anong uri ng tao

gagawa’ng Diyos upang perpektuhin ka,

o sa anong tao, pangyayari, o bagay

ka Niya hahayaang makamit ang mga bagay.

Kung makatatapak ka sa tamang landas na ‘to,

may pag-asang maperpekto ka ng Diyos.

Kung ‘di mo magagawa,

ipinapakita nito ang lungkot at dilim

ng kinabukasan mo.

‘Pag nagsimula ka sa tamang landas,

makakamit mo’ng paghahayag sa lahat.

Anuman ang ihayag ng Banal na Espiritu sa iba,

kung bumabatay ka sa kaalaman nito

para dumanas,

magiging parte ‘to ng buhay mo,

at magagawa mong tustusan ang iba

sa karanasang ito.


II

Anuman ang ihayag ng Banal na Espiritu sa iba,

kung kaalaman nila’ng batayan mo

para makaranas,

magiging parte ‘to ng buhay mo,

at magagawa mong tustusan ang iba

sa karanasang ito;

at magagawa mong tustusan ang iba

sa karanasang ito.

Yaong nagtutustos sa iba sa paggaya

ng mga salita’y wala pang karanasan;

dapat kang maghanap ng landas

ng pagsasagawa sa kaliwanagan ng iba,

bago ka magsimulang magsalita

ng aktwal mong karanasan at kaalaman.

Ito’y magiging mas malaking pakinabang

sa buhay mo.

Dapat mong maranasan ang ganito,

sumunod sa lahat ng mula sa Diyos.

Dapat hangarin mo ang kalooban ng Diyos

at matutunan ang mga aral sa lahat,

nang lumago ang buhay mo.

Bigay ng gan’tong pagsasagawa’y

pinakamabilis na pag-unlad,

pinakamabilis na pag-unlad.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Sinundan: 459 Bigyang-Pansin Mo ang Gawain ng Banal na Espiritu

Sumunod: 461 Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito