210 Isang Taos-Pusong Kagustuhan na Magsisi

1 Sa pagkakita na ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos ay dahan-dahan nang papalapit, hindi mapigilan ng puso ko na magsimulang malumbay at mag-alala. Sa pagbabalik-tanaw ko sa paghihimagsik at paglaban ko sa Diyos, namumuo ang pagsisisi, pagkabalisa, at pagkakautang sa puso ko. Pinili ako ng Diyos, kaya bumalik ako sa Kanya at dumalo sa piging ng kaharian. Masigasig Niyang itinuturo sa akin ang landas na dapat kong tahakin at ang daan na dapat kong ipagpatuloy. Paulit-ulit Niya akong hinihikayat, subalit hindi ko ito isinasapuso. Hindi ko pa nakakamit ang katotohanan, at hindi ako karapat-dapat humarap sa Diyos.

2 Sa mga taon ng aking pananampalataya, nakita ko ang doktrina bilang realidad, naniniwalang ang masikap na paggawa ay ang pagsasagawa ng katotohanan. Nagkulang ako ng dedikasyon sa aking tungkulin; puro lang iyon kawalang-ingat at panlilinlang. Noong tinabas at iwinasto ako, nagdahilan ako at nangatuwiran. Isinaayos ng Diyos ang mga tao at mga bagay upang gawin akong perpekto at tulungan akong makamit ang katotohanan, ngunit hindi ako nagpasakop, lalo nang hindi naghangad ng katotohanan. Matigas ang ulo kong tinahak ang landas ng mga Fariseo, hindi alam kung paano bumalik. Dahil kinamuhian ako ng Diyos, nabuhay ako sa kadiliman, sa buhay na mas masahol kaysa kamatayan.

3 Niyayanig ng bawat salita ng paghatol ng Diyos ang puso at kaluluwa ko. Ngayon lang nagsisimulang magising ang puso kong matagal nang manhid. Kinamumuhian ko ang sarili ko dahil sa pagiging matigas ko at sa hindi ko paghahanap sa katotohanan. Hanggang ngayon, ang tanging isinasabuhay ko ay isang satanikong disposisyon. Malapit nang magtapos ang gawain ng Diyos; malapit na Siyang bumalik sa Sion. Tunay na kahiya-hiya ang pagkakaroon ng pananampalataya ngunit hindi magawang mapalugod ang Diyos. Tunay akong hindi karapat-dapat na lasapin ang Kanyang mga salita at talagang may pagkakautang ako sa Kanya. Isang bihirang kaloob ang pagkakaroon ng mga huling oras na ito upang ilaan sa Diyos. Determinado akong hanapin ang katotohanan at gugulin ang buhay ko sa pagsukli sa biyaya ng Diyos.

Sinundan: 209 Pagsisisi Pagkatapos Sumailalim sa Paghatol

Sumunod: 211 May Kirot sa Kaibuturan ng Puso Ko

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito