211 May Kirot sa Kaibuturan ng Puso Ko
1 May kirot sa kaibuturan ng puso ko; sa tuwing iniisip ko ang nakaraan, nararamdaman ko ang pagpihit ng isang patalim doon. Minsan kong kinalaban at kinondena si Cristo. Naniwala ako sa Diyos, ngunit hindi ko Siya kilala, at kinalaban ko Siya. Nasaksihan ko si Cristo na nagpapahayag ng katotohanan, ngunit itinatwa ko pa rin Siya; wala akong ipinagkaiba sa mga Fariseo. Hindi ko malilimutan kailanman ang aral na ito na nakasulat sa dugo, at naiwan ako nang may walang katapusang pagsisisi at panghihinayang.
2 Naniwala ako sa Panginoon sa maraming taon ngunit hindi hinanap ang katotohanan. Sinandatahan ko ang sarili ko ng kaalaman sa Biblia para lamang magyabang. Nagsalita ako tungkol sa teolohiya upang tingalain ako ng iba, at nagtrabaho akong mabuti para sa mga pagpapala at gantimpala. Makasarili ako at mababa, walang pakialam sa kalooban ng Diyos. Sinabi kong gusto kong bigyang-kasiyahan ang Diyos, ngunit hindi ko isinagawa ang katotohanan. Isinatinig ko ang aking katapatan sa Diyos, ngunit walang-ingat sa Kanya. Maka-Diyos ako sa panlabas, ngunit hindi nagpasakop.
3 Pinatitirapa ako sa lupa ng paghatol at pagkastigo ng Diyos; nanginginig ako sa takot sa Kanyang matuwid na disposisyon. Napopoot ako sa matindi kong katiwalian at pagiging di-makatao. Nakagawa ako ng napakaraming paglabag at nasaktan ko ang puso ng Diyos. Matagal na dapat akong winasak ng Diyos para sa aking mga nagawa, ngunit ang Diyos ay mapagtiis at mapagparaya sa akin, binibigyan ako ng pagkakataong magsisi. Ang pagkakita sa kaligtasan ng Diyos ay pumupuno sa aking puso ng pagsisisi. Nagpasya akong isagawa ang katotohanan at isabuhay ang wangis ng tao. Handa akong gugulin ang buhay ko para sa Diyos at suklian ang Kanyang pag-ibig, nagpapasakop at sumasamba sa Kanya magpakailanman.