209 Pagsisisi Pagkatapos Sumailalim sa Paghatol
1 Sa pagsasailalim sa paghatol ng mga salita ni Cristo, nadaig ako ng damdamin. Bawat salita ng Diyos ay katotohanan, at nagsasalita ng katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan. Sa pagninilay sa aking mga kilos at asal, puno ako ng pagsisisi. Mapagmataas, palalo, makasarili, at mapanlinlang, paano ako nagpakita ng anumang pagkakatulad sa tao? Kung wala ang paghatol ng Diyos, maniniwala pa rin ako na ako’y mabuting tao. Tanging salamat sa Kanyang paghatol at mga paghahayag na ako’y nagising, at nakikita ko na ngayon ang lalim ng aking katiwalian at na wala akong konsiyensiya at katwiran. Nagbigay inspirasyon sa akin ang mga salita ng Diyos na hanapin ang katotohanan at bigyan Siya ng kaginhawaan.
2 Napakaraming katotohanan ang ipinahayag ng Diyos; naipamalas na ang Kanyang kalooban. Napopoot lamang ako na ako’y napakamapaghimagsik: Bagaman malinaw na may kamalayan sa katotohanan, hindi ko ito isinasagawa. Pinagninilayan ko ang aking mga pagkilos, punong-puno ng mga satanikong pilosopiya, palaging iniisip na magaling ang sarili, at tinatakasan ang paghatol at pagkastigo. Paulit-ulit, ako’y naging matigas ang ulo at mapaghimagsik, dinudurog ang puso ng Diyos. Matapos maiwasto at matabas nang maraming ulit, sa wakas ay nagpasakop na ako. Hindi ko alam kung bakit napakahirap magpasakop sa Diyos. Ano ba talaga ang ugat ng paghihimagsik ng tao? Ang paulit-ulit na paghatol ng Diyos ang nagligtas sa akin, at ngayon ko lamang napahalagahan ang kahirapan na iligtas ang tiwaling sangkatauhan. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay malaking kapakinabangan sa tao; tinutulutan ng mga pagsubok at pagpipino ang mga tao na tunay na makilala ang kanilang sarili. Talagang ito’y pagpapala at biyaya ng Diyos na maranasan natin ang Kanyang gawain.