446 Magkaroon ng Normal na Relasyon sa Diyos para Maperpekto

Pag normal ang relasyon mo sa Diyos,

matatamo mo ang Kanyang pagpeperpekto,

at ang Kanyang pagdidisiplina at pagpipino at

pagpupungos sa ‘yo ay makakamit ang hangad na epekto.

Nagkakaroon ng lugar ang Diyos sa puso mo,

di mo hinahangad na makinabang o iniisip ang kinabukasan.

Ngunit dala mo ang pasanin ng pagpasok sa buhay,

nagpapailalim ka sa gawain ng Diyos

at naghahangad ng katotohanan.

Sa ganitong paraan, ang mga pakay

na hangad mo’y hindi mali,

at normal ang relasyon mo sa Kanya.

Ang unang hakbang sa pagpasok

sa espirituwal na paglalakbay ng tao

ay ayusin ang relasyon nila sa Diyos.

Bagama’t hawak Niya ang tadhana ng tao,

itinadhana at di na nila mababago,

ikaw ma’y mapeperpekto o Kanyang matatamo

depende ‘yan sa kung normal o hindi

ang iyong relasyon sa Kanya.


Siguro’y mahina’t suwail ang ilang bahagi mo,

ngunit kung tama ang pananaw at motibo mo,

kung relasyon mo sa Kanya’y naitama mo,

gagawin ka Niyang marapat na magawang perpekto.

Ang unang hakbang sa pagpasok

sa espirituwal na paglalakbay ng tao

ay ayusin ang relasyon nila sa Diyos.

Bagama’t hawak Niya ang tadhana ng tao,

itinadhana at di na nila mababago,

ikaw ma’y mapeperpekto o Kanyang matatamo

depende ‘yan sa kung normal o hindi

ang iyong relasyon sa Kanya.


Kung di tama ang relasyon mo sa Kanya,

kung kumikilos ka para sa ‘yong laman o pamilya,

gaano ka man magsikap, mawawalan ‘yon ng bisa.

Kung relasyon mo sa Diyos ay normal,

mabuti ‘yan at lahat ng iba pa’y mapupunta sa tamang lugar.

Tinitingnan lang ng Diyos kung mga pananaw mo

tungkol sa pananalig sa Kanya’y tama:

kanino ka nananalig at para kanino, at bakit ka nananalig.

Kung nakikita mo, nang malinaw,

itama ang pananaw at ginagawa mo,

sa gayon buhay mo’y lalago,

at matatama ang landas mo.

Ang unang hakbang sa pagpasok

sa espirituwal na paglalakbay ng tao

ay ayusin ang relasyon nila sa Diyos.

Bagama’t hawak Niya ang tadhana ng tao,

itinadhana at di na nila mababago,

ikaw ma’y mapeperpekto o Kanyang matatamo

depende ‘yan sa kung normal o hindi

ang iyong relasyon sa Kanya,

ang iyong relasyon sa Kanya,

ang iyong relasyon sa Kanya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?

Sinundan: 445 Ang Kawangis ng mga Ginagamit ng Diyos

Sumunod: 447 Ano ang Isang Normal na Kalagayan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito