445 Ang Kawangis ng mga Ginagamit ng Diyos
Ang mga taong ginagamit ng Diyos
‘di kamukha ng iba.
Parang ‘di sila makatwiran,
o relasyon sa iba’y ‘di maganda.
Nguni’t maingat silang magsalita.
Kung mangusap ay maayos.
Tahimik ang puso nila sa harap ng Diyos.
Ⅰ
Mga taong gamit ng Diyos,
pagmamahal ‘di panlabas, ‘di nagpapasikat.
Ngunit ‘pag nagsalita ng espirituwal na bagay,
puso nila’y bukas, at sila’y nagbibigay
ng kaliwanagan sa lahat ng tao
na kanilang natamo sa tunay na pagdanas nito.
Ganyan nila ipinapakitang Diyos ay mahal nila
at pinalulugod, kalooban Niya.
Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,
nguni’t nagtataglay ng kapanatagan.
Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.
Ⅱ
Yaong mga ginagamit ng Diyos,
‘pag sinisiraan at kinukutya,
‘di sila nagpapakontrol sa ibang
tao, bagay, o sitwasyon,
sa harap ng Diyos, tahimik pa rin sila.
Ganitong tao’y tila may sariling pananaw.
Anuman ang gawin ng iba,
puso nila’y ‘di kailanman iniiwan ang Diyos.
Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,
nguni’t nagtataglay ng kapanatagan.
Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.
Ⅲ
Yaong mga ginagamit ng Diyos,
kapag ang iba ay nakikipag-usap nang walang ingat,
nananatili silang kalmado at nananalangin sa Diyos,
hinahanap Kanyang mga hangarin
o iniisip Kanyang salita.
Hindi nila iniisip kung paano mapanatili
tamang ugnayan sa ibang tao.
Ang ganitong tao ay mukhang
walang pilosopiya ng buhay.
Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,
nguni’t nagtataglay ng kapanatagan.
Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.
Ⅳ
Ang pamantayan ng Diyos sa paggamit ng tao ay
binabaling nila puso nila sa Kanya,
hinahangad ang Kanyang salita,
handang hanapin ang katotohanan.
Ganitong mga tao ang maaaring maliwanagan,
makamit ang gawa ng Banal na Espiritu.
Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,
nguni’t nagtataglay ng kapanatagan.
Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos